La Series #1 - The Hope
***
Si Nara ay isang babae na punong-puno ng pag-asa sa buhay. Nang yumao ang kaniyang ina, na siya ring nag-iisa niyang pamilya ay hindi na niya alam kung paano pa siya magpapatuloy sa buhay. Isang kaklase niya ang nag-alok...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
NARA
"Girl! Alam niyo sobrang bilis ng araw! Hindi ko man lang na-enjoy 'yung break natin!"
Padabog na ibinagsak ni Jia ang kaniyang sapatos saka umupo sa sofa. Hindi ako naniniwala sa kaniya. Sa Rocks kami nagdiwang ng pasko at bagong taon.
Sariwa pa sa aking isipan ang pagsusuka niya sa kama. Dahil nagwalwal siya buong gabi, doon ko rin nalaman na isa pala siyang lasinggera.
Si Kira naman ay umuwi ng Palawan. Kaya walang tao rito sa apartment ng ilang linggo.
Habang kami ay kumakain ni Kira ng almusal. Kanina pa naghihimutok si Jia simula paggising. Dahil ang bilis nga naman nang panahon. Parang kahapon lamang ay katatapos lang ng aming midterm.
Buong break kaming nasa Rocks ni Jia. Nag-training ulit kami at araw-araw ang update sa amin tungkol sa mission namin laban sa Croc 'D Lite.
"By the way Ki, ano pala gagawin natin doon sa kama mo?" lumapit na si Jia sa amin at nakisalo na sa pagkain. "Sabihan ba namin si te Juls?"
"A-ah, hindi na... Nakakahiya naman... Ako na lang ang kakausap kay ate Tes," sagot naman ni Kira.
Si ate Tes ang may-ari ng White Apartment. Pagdating kasi namin ni Jia rito sa apartment ay sira na 'yung paahan ng kama ni Kira. Bumigay daw dahil pinatungan niya ng mga box.
Mabibigat daw ang laman nito kaya nagkaganoon. Nang makita ko rin ang kahon-kahon ng mga paninda ni Kira ay hindi na ako nagtaka kung bakit bumigay ang kama niya.
"Alam mo Ki! Kailangan mo nang palitan 'yan, mahihirapan ka matulog ng naka-slant 'yang kama mo!"
"Oo nga e, buti na lang may folding bed na ipinahiram sa akin si ate Tes."
"Ang bigat naman kasi talaga ng mga box mo at bigla na lang bumigay 'yang kama mo!" nakikinig lang ako sa usapan nilang dalawa.
"O-oo nga e, ang dami kasi talagang orders last week," alanganin naman ang sagot ni Kira.
"Sure ka ba Kira?" tanong ko.
"H-huh? N-na ano?" nagtataka naman ang kaniyang mukha.
"Na ayaw mong sabihan namin si ate Juls? Baka pagbayarin ka pa ni ate Tes." Naguguluhan din ako dahil hindi namin alam ang gagawin.
"A-ah hindi, ayos lang talaga Nara. Salamat pala sa alok niyo ni Jia."
"Basta ikaw Ki!"
"Okay, sabihan mo na lang kami kapag kailangan mo ng tulong," ani ko.
Hindi pa sumisikat ang araw nang makarating kami ng school. Mag-aalas otso na naman pero wala pa si haring araw. Mukhang masama pa ang panahon ngayon dahil makulimlim.
Tumigil kami malapit sa quadrangle dahil maghihiwalay-hiwalay na kaming tatlo. Magkakaiba kasi kami ng department at building. Magkakalayo rin talaga kami, kaya minsan hindi kami nakakapagkitang tatlo.