Kabanata 36

295 20 0
                                        

NARA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NARA

Tahimik lang akong nakaupo sa harap ni Ms Ky. Pagkatapos niyang ipaliwanag sa akin ang lahat ay medyo nalinawan naman ako kahit papaano. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon.

Hindi naman ako galit sa kanila dahil nagsinungaling sila sa akin. May kaunti lang akong tampo, lalo na't alam niya ang totoo pati na rin ni ate Juls.

"Nara, iniwan pala itong sulat ni Julia para sa iyo." Pa-slide niyang iniabot ang kulay puting sobre sa kaniyang mesa.

Kinuha ko ito at tinitigan muna. Pinasok ko agad ito sa loob ng bag ko. Mamaya ko na lang ito babasahin pag-uwi ko ng apartment dahil may pupuntahan pa kami ni Kira.

Naghihintay lang si Kira ngayon sa labas ng boutique. Mabuti na lang at okay na rin siya ngayon. Pakiramdam ko ay hindi pa rin naghihilom ang sugat sa kaniyang dibdib nang mawala ang papa niya.

"I'll be responsible for Merina's security and also to her grand daughter. Sorry again... Nara," ani Ms. Ky.

"Okay lang po, Ms. Ky. At least alam ko na naman po ang totoo." Ngumiti lang ako sa kaniya. Tumango lang siya pagkatapos.

***

Binaba kami ng taxi sa tapat ng isang malaking gate. Nagpaiwan naman si Kira sa labas at hinayaan na lang ako na pumasok mag-isa.

May nagpapasok sa akin na guard. Pero tinawag niya muna ito sa kaniyang telepono. Maayos at pormado pa ang suot nito. Hindi lang basta-basta uniporme ng guard.

Sinamahan pa ako ng isa sa kanila papasok ng mansyon. Sobrang laki at lawak ng mansyon kung titingnan sa labas. Paano pa kaya sa loob nito?

"Nasaan si Sir Edmundo?" tanong ng guard na kasama ko sa isang kasambahay na sumalubong sa amin.

"Nasa taas, bakit?"

"May naghahanap sa kaniya eh, tingnan mo? Sinadya niya pa talaga si Sir dito sa mansyon." Sabay tawa ng guard.

"Miss? May appointment ka ba kay Sir?" tanong noong kasambahay.

Napatungo naman ako saka napailing. "W-wala p-po eh, pwede ko po ba siyang makausap?"

"Ay nako! Wala pala eh, mahigpit pa naman si Sir. Hindi basta-basta kumakausap ng tao kung hindi naka schedule," aniya.

"Nako Linda, manghihingi lang yata 'to ng tulong eh. Miss namatayan ka ba ng kamag-anak?" tanong ng guard.

Ang akala niya yata ay paghingi ng tulong ang sadya ko rito. Tiningnan ko lang ng blanko 'yung guard.

"Kakausapin ko 'yung tatay ko at gusto ko siyang makita," sambit ko.

"Tatay? Sinong tatay mo? Si Sir?" gulat na tanong ng kasambahay.

"Miss! Gumising ka mukhang nananaginip ka!" humalakhak na parehas ang dalawa. Pinagtawanan lang nila ako.

La EsperanzaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon