Kabanata 5

672 35 0
                                    

NARA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NARA

"Arf! Arf! Arf!" biglang kumabog ang dibdib ko sa pagtahol ng isang tuta.

"Arf! Arf! Arf!"

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Mabuti na lamang ay hindi ito malaking aso. Isang kulay brown na tuta ito, ngunit kulay asul ang mga mata niya!

"Arf! Arf! Arf!" patuloy niya pa rin akong tinatahulan.

"Chu-chuchuchu-chuchu." Pagtawag ko sa tuta. Umupo ako para hawakan siya. Hindi naman siya tumahol ulit kaya kinarga ko na siya.

"Hi, puppy? Nasaan ang amo mo?" kinakausap ko siya kahit alam kong hindi naman siya sasagot.

Ang kaninang pagtahol niya ay napalitan na nang mahinang pag-iyak. Kaya nagsumiksik pa ito sa akin habang karga ko siya. Mukhang hinahanap na niya ang mama niya o kaya ang amo niya. Kaya hinaplos-haplos ko ang kaniyang ulo.

Lumingon-lingon ako sa paligid dahil baka may naghahanap sa kaniya. May dog collar pa siya kaya alam kong may nagmamay-ari sa kaniya.

"Nuni." Binasa ko ang pangalan na naka ukit sa kaniyang collar.

"Hi, Nuni! Magkaparehas na asul ang mata natin. Pero mas asul 'yung iyo," ani ko.

Mas dark nga lang ang pagka-asul ng mata niya.

Ang galing lang, dahil sa dinami-rami nang makikilala ko na may asul na mata isang tuta pa. Natawa na lang ako nang biglang maisip ko na baka magkalahi kami ni Nuni, charot.

"Nuni! Nuni!" narinig ko ang pagtawag ng isang lalaki. "Ikaw talagang tuta ka! Mapapatay ako ng amo mo ng wala sa oras eh." Hingal na hingal na sambit ng lalaki.

Nakasuot ito ng terno na jersey ngunit hindi ito pamilyar sa akin. Nakita ko rin ang suot niyang sapatos. Mukhang mamahalin.

Inabot ko sa kaniya si Nuni. Nagngitngit naman ito nang hawakan na siya ng lalaki. "Bye, Nuni. Hinahanap ka na pala ng amo mo."

"Salamat Miss, buti na lang mabait ang nakakita. Kung hindi malalagot na talaga ako. Papatayin ako ng amo nito. Mawala na lahat 'wag lang si Nuni."

Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinasabi niya o maaawa eh.

"Bye ulit, Nuni."

Hinaplos ko ang kaniyang ulo sa huling pagkakataon. Nang tumalikod na ang lalaki ay nabasa ko ang naka-imprenta na apelyido sa kaniyang suot.

La EsperanzaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon