Kabanata 28

328 22 0
                                    

NARA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NARA

"Nara, nakausap ko na pala 'yung kaibigan ko sa Palawan..." ani Kira habang naglalakad kami ngayon papuntang quadrangle.

May practice kasi ulit ako. Si Jia naman ay nauna na sa klase niya kaya kaming dalawa lang ang magkasama ngayon.

"Huh? Sinong kaibigan?" naguluhan ako sa sinabi niya. Napatigil naman kami sa paglalakad.

"Yung sinabi ko sa'yo noong nakaraan. Matutulungan tayo no'n sa paghahanap sa mga kapatid mo."

Nanlaki naman ang mga mata ko. Noong nakaraang linggo niya pa nga pala ako ina-update tungkol doon. Masyado lang nao-occupy ng ibang bagay ang utak ko. Dahil sa mga practice at sinabayan pa ng finals.

"T-talaga?"

"Yup!"

Nakonsiyensya naman ako. Siya pa tuloy ang gumagawa nang paraan para mahanap ang mga kapatid ko imbis na ako ang kumikilos.

"A-ahm... Kira... Pasensya na pala at ikaw pa ang naaabala ko tungkol sa bagay na ito." Hinawakan ko naman ang kaniyang kamay.

"Ano ka ba Nara! Maliit na bagay lang naman ito. 'Diba sabi ko sa'yo babawi ako." Ngumiti naman siya pagkatapos hinawakan pabalik ang aking kamay.

"S-salamat Kira... babawi rin ako sa'yo sa mga naitulong mo sa akin... sa amin ni Jia."

"At saka hindi na naman kayo iba ni Jia sa akin para ka namang others d'yan!" natawa lang siya.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta ng quadrangle. Hindi ko mapigilang mapangiti habang naglalakad.

Nagpapasalamat talaga ako sa mga taong palaging nasa tabi ko. Hindi ko alam pero hindi pa rin ako pinapabayaan ng diyos.

Kahit na wala na akong pamilya, napalilibutan naman ako ng mga kaibigan, at mga taong mababait at minamahal nila ako na parang tunay na kadugo.

"Bye Nara! Galingan mo sa practice ha! Laban!"

"Ikaw din, goodluck sa pag-aaral!"

Abot tanaw ko na ang tent namin sa gitna ng quadrangle. Nandoon na rin si Yssa at ang mga kasamahan niya—ang Ys-Team.

"Nara!" excited naman si Yssa na lumapit sa akin.

"Hi!"

"We have our make-up testing later! Ite-test ulit natin sa mukha mo baka allergic ka na naman," aniya.

Tumango naman ako. "Salamat!"

Noong nakaraang makeup testing kasi namin ay nangati ang mukha ko dahil may allergy pala ako sa make-up. Puro branded at high quality ang make-up ni Yssa kaso talaga ay sensitive lang ang balat ko nang ipina-check namin sa dermatologist. Si Yssa pa ang nagpatawag ng personal dermatologist niya sa University.

La EsperanzaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon