Kabanata 37

306 20 1
                                        

NARA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NARA

Lumulutang ang isip ko sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Hindi ako makapaniwala na makikilala ko pa ang tatay ko. Pati ang isa ko pang kapatid na si Yssa... Siya si Esthrella, aming tatlo.

Labis ang kasiyahan ko sa katotohanan na iyon. Nagdesisyon muna kami na 'wag munang ipaalam sa iba ang tungkol sa pamilya namin. Hangga't hindi pa namin nahahanap ang isa pa naming kapatid na si Esmeralda.

Lalo na't kumontra si Lady Oprah sa pagpapakilala sa akin. Hindi niya matanggap na isa pala akong Delgado. Niyurakan niya ang pagkatao ko nang makita niya ako sa mansyon.

"Who are you?!" nandidiri itong tumingin sa akin. Napalunok naman ako.

"LINDA!!!"

Humahangos na dumating ang kasambahay kanina. "Lady Oprah, nand'yan na po pala kayo."

"Who's this girl?" turo niya sa akin. "Bakit nagpapasok kayo ng pulubi sa mansyon?!"

"A-ah Madam... Si ano po—"

"She's one of my daughter Oprah," mariin na sagot ng tatay ko.

"WHAT?!"

"She's one of the triplets." Nakahawak na sa dibdib ang tatay ko. Parang nahihirapan siyang huminga.

"NO!!" angal naman ng malditang babae.

"SHE'S MY DAUGHTER!!" pagkatapos noon ay biglang natumba si tatay sa sahig.

"Tay!" agad ko naman inalalayan si tatay. Nawalan siya nang malay.

"EDMUNDO!!"

"Sir!"

Lumapit si Lady Oprah sa amin saka ako tinabig ng malakas. Napatama ang likod ko sa couch.

"Linda!! Ipahanda mo ang sasakyan!"

"Y-yes, M-madam!"

"T-tay!" lalapit na sana ako kay tatay nang itulak ako ni Lady Oprah.

"Stay away from us beggar!" sigaw nito.

"D-dad?!" napasigaw naman si Yssa habang pababa ng hagdan.

Sakto naman na dumating ang mga guard saka binuhat si tatay palabas. Magkatabi kami ni Yssa na nakaabang lang sa sasakyan. Pagkatapos isakay ni tatay sa loob ay sumunod naman kaming dalawa ni Yssa.

"WHAT ARE YOU DOING ALYSSA?! BUMABA KAYO SA SASAKYAN!!" iritang sambit ni Lady Oprah.

"May sasakyan ka 'diba? Use your car! Bitch!" asik ni Yssa rito.

"Aba! Walang hiya kang bata ka!" akmang hihilahin na niya palabas si Yssa nang mahawakan ko ang kamay nito.

"Tama na! Dadalhin sa ospital si tatay! Nagmamadali na kami!" hirit ko.

La EsperanzaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon