Kabanata 11

456 26 0
                                        

NARA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NARA

"Palagi kang tatawag Nara ha." Malamlam ang boses ni Phan. "I-activate mo na 'yung Facebook mo o kaya Messenger para magvi-video call tayo parati."

Niyakap niya ako. Nakasuot pa siya ng shades... Alam kong namamaga ang mata niya ngayon.

"Uhm, palagi akong tatawag," sabi ko.

Makakapag-online naman ako dahil may ibinigay sa akin na phone si Ms. Ky, touch screen iyon. Hindi pa nga lang ako sanay gumamit nang gano'n at  napagdesisyunan ko naman na 'wag muna gamitin iyon.

"Mami-miss ko kayo."

"Ikaw ang mag-ingat doon Nara, h'wag kang magpapabaya," saad ni Dam.

"Uhm." Tumango naman ako. "Yada, ipagpaalam niyo na lang po ako kay Manang Belen," sambit ko naman kay Yada.

"Sure, no problem," sagot ni Yada. Maging siya ay bakas ang pagkalungkot sa boses.

Kumaway lang ako sa kanilang tatlo. Saka umakyat sa nakaabang na bus. Nakita ko naman si ate Juls sa tabi ng driver. Satingin ko ay nagawan na niya ng paraan ang pag-alis namin.

Umupo lang ako sa bandang unahan. Malapit sa pasukan ng bus, sumenyas naman si ate Juls.

Nang umandar na ang sasakyan. Nakita ko na rin ang pagsakay nila Phanny sa kanilang sasakyan. Umalis na ito at tinahak ang kabilang direksyon pabalik sa aming bayan. Hindi pa man nakakalayo ang bus na sinasakyan ko ay tumigil na ito.

"Salamat Manong, " ani Te Juls.

Tumayo na si ate Juls at nag-abot ng bayad. Nakita ko na tig-iisang libo ito.

"Maraming salamat din!" tuwang-tuwa pa ang driver ng bus.

"Tara na, Nara." Kinuha sa akin ni ate Juls ang dala-dala kong bag. Hindi naman ito mabigat. Ang ibang gamit ko kasi ay nasa Rocks na.

Bumaba na kami sa sinasakyan naming bus.

"Naawa ako kay Manong, limang libo tuloy nabayad ko," banggit ni ate Juls. "Special trip pa pala 'yung biyahe niya ngayon, para may pambili ng gamot sa anak niyang nasa hospital."

Sobra-sobra naman 'yung limang libo para sa gano'n kabilis na biyahe namin. Ni-hindi nga kami nakalagpas ng terminal. Pero hindi naman pala masama ang pagbigay ni ate Juls ng limang libo sa driver. May maganda namang papatunguhan iyon.

"Nasaan po si Jia?" tanong ko.

"Nasa kotse, nagpapahinga," aniya.

Alam kong hindi pa masyadong magaling ang paa niya matapos itong ma-operahan. Paika-ika pa ang lakad niya. Pati no'ng pag-akyat ng stage noong graduation namin.

Nakarating na kami sa puting Audi ni ate Juls. Pinalitan na niya ang minamaneho niyang van dahil nahihirapan na siya rito. Kaming dalawa lang naman palagi ni Jia ang hinahatid sundo niya.

La EsperanzaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon