"Huy, bata!" tinapik ko ang batang kanina pa umiiyak habang nakaupo sa swing.
Ang lakas-lakaaaaas nang iyak niya kaya hindi tuloy ako makapaglaro nang maayos sa padulasan.
"Hindi na ako bata! Big boy na kaya ako!" masama siyang tumingin sa akin.
Napanguso ako at umupo na lang sa katabing swing. "Bakit ka umiiyak? Naliligaw ka ba?" sunod-sunod kong tanong.
"No," tipid niyang sagot.
"Ang sungit mo naman," asik ko sabay nagduyan na lang. Napansin kong napalingon naman siya sa akin.
"Who are you?"
"Secret... no clue," maagap kong sagot sabay tawa. "Bakit ka muna umiiyak big boy?"
"What? May pangalan ako 'no."
"Sabi mo big boy ka na, eh. Kaya bigboy na lang tawag ko sa'yo." Huminto naman ako sa pagduduyan.
"Tsk."
"Sungit, ngiti-ngiti naman kapag may time. Bahala ka bigboy walang magkaka-crush sa'yo n'yan."
"I don't care, I just want to disappear in this world."
Hindi ko lubos na maintindihan 'yong sinabi niya kasi english. Pero sa pagkakaintindi ko gusto niya raw mawala na sa mundo?
"Ha?! Ang bata-bata mo pa para mawala sa mundo 'no! Gusto mo na agad mamatay?!" gulat ang aking reaksyon habang nakahawak ang dalawang kamay sa duyan.
"Wala lang, paano kung wala na akong dahilan para mabuhay?"
"Bakit naman?"
Hindi siya sumagot.
"Ang bata mo pa para maging gan'yan, bakit ayaw mo na lang maging masaya?" nakakunot ang noo ko sa kaniya. "Ako nga seven pa lang, sabi ni Ina magpakasaya lang daw ako habang bata pa, tapos ikaw problemado na."
"Hindi mo kasi alam."
"Edi sabihin mo sa akin para alam ko."
Umiling naman siya.
"Alam mo... ang bata mo pa para magpakamatay. Bahala ka... hindi ka papapasukin ni papa Jesus sa heaven," may tono pa nang pananakot ang pagkakasabi ko.
Sinamaan niya naman ako ng tingin.
"Joke lang naman! Ang seryoso mo naman!"
"Gusto ko ng mamatay." Mahina at punong-puno ng kalungkutan ang boses niya.
"Huy! Bad nga 'yon! H'wag mong gagawin!"
"Wala na akong kakampi sa buhay. Lahat naman iniiwan ako."
"Ano ba? Kahit hindi tayo magkakilala nandito lang ako bigboy! Ako na lang kakampi mo? Sino ba umaaway sa'yo?"
"Hindi mo ako naiintindihan."
"Saan ka ba nakatira?" tanong ko. "Puntahan na lang kita sa inyo tapos palagi tayong maglalaro para masaya ka na."
"Aalis na kami sa lugar na'to." Nakatingin lang siya sa malayo.
"Hala! Edi hahanapin kita!" sabay tawa ko.
"You're crazy."
"Crazy? Baka ikaw crazy!" Nguso ko sa kaniya.
"What's your name?" bigla niyang tanong.
"Secret din." Sabay hagikhik ko. Nakita ko naman ang pag-ikot ng mata niya.
"Tsk." Nalungkot na lang bigla ang ekspresyon niya.
"Huy... 'wag ka na malungkot d'yan! Sabi nga sa akin ni Ina, habang may buhay may pag-asa!"
"Wala na akong gana para mabuhay, kulit mo."
"Sige, tawagin mo na lang akong Hope! Para ako na lang ang magiging pag-asa mo! Ayan ha, may clue ka na sa pangalan ko," sabi ko. Nakakunot lang ang noo niya. "Isipin mo lang na ako 'yung kakampi mo, tapos maiisip mo na may pag-asa ka pa."
"Tsk. Ang dami mong alam," sabi niya, "and why would I waste my time to think of you? Ang swerte mo naman."
"Aba! Ang arte mo naman! Ikaw na nga tinutulungan!" pagtataray ko. "Tse, kala mo kung sinong gwapo."
"Ikaw naman madaldal, hindi ka naman maganda. Kulay blue lang ang mga mata mo," aniya na walang anu-ano.
Napanganga lang ako sa sinabi niya. Lahat kaya ng mga ka-baryo namin ay nagagandahan sa akin!
"Edi 'wag kung ayaw mo," sabi ko na lang.
"Tsk."
"Hindi ka gwapo pero cute ka, kaya sayang kapag namatay ka," bulong ko.
"W-what?"
"Wala! Sabi ko ang cute ko pero bingi ka!"
Tahimik lang kaming nakatanaw sa mga taong naglalakad sa plaza. Habang nakaupo sa duyan.
Ilang minuto ang lumipas.
"Fine," aniya bigla.
"Anong fine?"
"From now on, you will be my Hope."
"Sus!" sabay sundot ko sa tagiliran niya. Muntik pa siyang mahulog sa swing. "Payag ka naman pala eh."
Humagikhik ulit ako saka nag swing.
"Aalis ka na rito sa San Isidro diba?" tumango lang siya. "Alam ko na!" tumigil ako sa pagduduyan at bumaba. Humarap naman ako sa kaniya.
"Mag-promise ka na babalik ka rito. Para makilala mo ulit ako bigboy. Ang iyong hope!" tinapat ko ang aking hinliliit sa kaniya.
"Ano 'yan?" tanong niya sa akin.
Natawa na lang ako dahil hindi niya iyon alam. Kinuha ko ang kamay niya at pinagawa ang ginawa ko. At saka ko ni-lock ang pinky finger ko sa pinky finger niya.
"Ayan! Promise bigboy ha!"
"Anak! Halina't umuwi na tayo!" napalingon naman ako kay ina na may hawak ng bayong.
"Oh, siya bigboy. Alis na ako ha, promise 'yon," sambit ko. Tumingin lang siya sa akin at walang sinabi. "H'wag kang magpakamatay ha! Mabuhay ka pa sana ng matagal para paglaki natin gawin mo akong gerlpren!"
Natawa na lang ako nang sabihin ko 'yon sa kaniya. Parang nahiya naman siya. Nakakainis si bigboy! Kahit anong gawin 'kong pagpapatawa hindi man lang magawang ngumiti.
"Ba-bye bigboy!" lumingon ulit ako nang makalapit na kay ina.
"N-nice to meet you, H-hope!" kumaway din siya kahit papaano. "Promise, babalikan kita." Ngumiti lang ako.
"Aba, ang Nara ko may bago na namang kaibigan," ani ni Ina nang makasakay na kami ng tricycle.
"Ina, si bigboy po 'yon..." Ngumiti naman ako nang humarap kay ina. "Magiging boypren ko paglaki."
BINABASA MO ANG
La Esperanza
General FictionLa Series #1 - The Hope *** Si Nara ay isang babae na punong-puno ng pag-asa sa buhay. Nang yumao ang kaniyang ina, na siya ring nag-iisa niyang pamilya ay hindi na niya alam kung paano pa siya magpapatuloy sa buhay. Isang kaklase niya ang nag-alok...