La Series #1 - The Hope
***
Si Nara ay isang babae na punong-puno ng pag-asa sa buhay. Nang yumao ang kaniyang ina, na siya ring nag-iisa niyang pamilya ay hindi na niya alam kung paano pa siya magpapatuloy sa buhay. Isang kaklase niya ang nag-alok...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
NARA
Natapos ang unang semestre ko sa DNU nang matiwasay. Ayos naman ang resulta ng final grade ko kahit na hindi ako masyadong active sa klase palagi kasi akong excuse dahil sa practice.
Lumabas na rin sa site 'yung mga grades namin. 'Yung pinaka-final grade na talaga. Natuwa naman ako kasi mataas ang nakuha kong marka.
Pero hindi lang 'yon! Ang semestral break namin ay tatlong linggo! Kaya tuwang-tuwa ako nang i-announce sa amin iyon.
Kaso nga lang...
Ang isang linggo ko ay para sa practice at paghahanda namin ni Rux sa kompetisyon. Isang linggo lang naman kaya hindi na rin masama.
"AHUHUHUHUHUHU!!" paglabas ko ng banyo ay ang boses agad ni Jia ang sumalubong sa tainga ko.
Kanina pa siya nagmamaktol. Hindi niya akalain na makakakuha siya ng 2.75 na grade roon sa subject na hindi niya natapos. Mabuti na lang daw at hindi naging tres.
"Alam mo i-kain na lang natin 'yan!" nagyaya na namang kumain si Kira. Magkasama sila ngayon ni Jia sa sala at nanonood ng TV.
Hindi ko lang alam kung may naiintindihan ba sila sa pinapanood nila dahil sa pagmamaktol ni Jia.
"Narabells! Bakit pupunta ka pa rin sa DNU? Sembreak na natin ah!" nakalupasay si Jia sa isang side ng sofa. Relax namang nahiga si Kira sa kabila.
"May practice nga kami," ani ko.
"Practice pa rin? Ang tagal-tagal na niyang practice niyo!" reklamo ni Jia.
"Eh, wala... utos ni Dean."
"Napakaano talaga niyan ni Dean Calmo Cunsino! Napaka—argh! Sem-break na hindi man lang pinagpapahinga estudyante!"
Natawa lang kami ni Kira sa mahabang salita na naman ni Jia. Kung makapagreklamo talaga siya sa mga bagay-bagay ay wagas.
Best reklamador ever!
Pero kahit ganoon, tanggap at mahal ko pa rin siya! Isa yata siya sa pinakamatalik kong kaibigan, parang kapatid ko na nga eh.
Matapos kong makapag-ayos ay nagpaalam na ako na pupunta na akong DNU.
"Bye! Ingat ka!" si Kira
"Goodluck sa practice Narabells! Sana all dancerist!" pang-aasar naman ni Jia.
"Sira!" natatawa kong sambit kay Jia bago isara ang pinto.
Kahapon niya pa ako inaasar nang malaman niya na sayaw 'yung talent namin. Nilinaw ko naman na interpretative dance 'yon kaya may kadalian naman. Hindi katulad ng mga dance steps ng hiphop. Nako, at baka mabalian nga ako ng buto kapag nagkataon.
Mabilis din naman akong nakarating ng DNU dahil walking distance nga lang ito sa apartment namin.
Binati lang ako ng gwardiya pagpasok ko. Nanibago naman ako dahil walang mga estudyante ngayon. Sobrang tahimik ng campus at ang aliwalas tingnan.