La Series #1 - The Hope
***
Si Nara ay isang babae na punong-puno ng pag-asa sa buhay. Nang yumao ang kaniyang ina, na siya ring nag-iisa niyang pamilya ay hindi na niya alam kung paano pa siya magpapatuloy sa buhay. Isang kaklase niya ang nag-alok...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
NARA
Iniayos ko ang aking mga gamit sa desk nang marinig ang tunog ng school bell. Ganoon din ang ginawa ng kaibigan kong si Phanny sa tabi ko.
"Nara, wait mo ako ha, sagutin ko lang 'to." Senyas ni Phanny sa kaniyang mamahaling telepono bago lumabas ng classroom.
Maingay ang buong silid dahil lunch break na. Nagkakagulo na ang lahat. Tiyak akong mag-uunahan na naman silang pumila sa canteen.
Lumipas ang ilang minuto at natapos ko nang ayusin ang mga gamit ko. Ngunit hindi pa rin bumabalik si Phanny.
"Nara!" hinihingal na tumakbo si Phanny papunta sa akin.
"Oh? Anong nangyari?" kitang-kita ko ang butil-butil ng pawis sa kaniyang makinis na mukha.
"E-emer--gen-cy," hingal niyang sagot.
"Sandali, magpahinga ka muna." Itinuro ko ang upuan sa kaniya matapos kong tanggalin ang bag ko. Mukhang tumakbo pa siya pabalik dito sa classroom.
"Wews!" nagbuga siya ng hangin. "Si Daddy nasa hospital na naman. Gumawa na naman ng kalokohan si Kuya Jandro!" litanya niya. "Sorry Nara, hindi kita masasabayan ngayon."
"Ayos lang, mas kailangan ka ng Daddy mo roon. Pupuntahan ko na lang si Dam sa room nila." Ngumiti ako saka hinawakan ang kaniyang balikat.
"Sorry talaga, una na ako nasa parking lot na si Kuya Berting." Nagbeso siya sa akin bago umalis.
"Sige, ingat."
Mahal na mahal niya talaga ang Daddy niya. Sa tuwing may gagawing kalokohan ang mga kuya niya, siya palagi ang nauunang magpunta sa hospital.
Isinukbit ko sa aking balikat ang aking bag at saka lumabas ng aming classroom. May mga estudyante na rin akong nakasalubong habang naglalakad sa hallway.
Pinili ko na lamang na sa likod ng building nila Dam dumaan dahil doon ang mabilis na daan. Safe naman dumaan doon dahil katapat lang nito ang Guidance Office.
Umakyat pa ako sa hagdan, dahil sa second floor pa ang room niya at talaga namang nakakapagod ang pag-panhik.
"Hi, Lois," bati ko sa kaklase ni Dam na nasa tapat ng pinto. Kilala ko siya kasi kalapit bahay rin namin.
"Uy, Nara! Ikaw pala!" ngumiti naman siya sa akin. "Si Dam ba ang hanap mo? Hindi siya pumasok ngayon, eh."
"Ay, gano'n ba? Akala namin ni Phanny pumasok siya ngayon..." Umiling lamang siya. "Sige, salamat Lois!"
"Walang anuman Nara!" Nagpaalam na ako sa kaniya pagkatapos.
Nagdesisyon na lang akong pumunta mag-isa sa canteen.
Saan naman kaya nagpunta ang lalaking 'yon? Bakit kaya hindi siya pumasok ngayon? Hindi man lang siya nagsabi sa akin... sa amin ni Phanny.
Sa harap na ako ng building lumabas. Dahil mas malapit ang isang canteen rito. Kaunti lang ang pumipila rito dahil kaunti lang ang mga tinda. Kagagawa lang din kasi. Sa dami ng mga estudyante rito sa school hindi na ma-cater ng isang canteen ang lahat ng mga estudyante.