Kabanata 2

860 32 4
                                    

NARA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NARA

Kinuha ko ang maliit kong telepono sa lamesita nang umilaw ito. Katatapos ko lang maglinis ng buong bahay kasi walang pasok. Inabala ko ang sarili ko sa pag-aayos ng mga gamit. May isang box pa akong ililigpit, pero hinayaan ko na dahil napagod na ako.

1 new message.

Hindi ko inaasahan ang laman ng mensahe na galing kay Jia. Ang akala ko ay si Phanny ang nag-text o kaya si Dam. Binigay ni Jia ang numero niya noong araw na alukin niya ako ng isang trabaho.

Baka sakali raw na magbago ang isip ko at dumating nga ang araw na iyon. Nagtext ako sa kaniya na pumapayag na ako...

Kahapon lang.

Pero ngayon lang siya nagreply. Akala ko ay nagbibiro lamang siya kaya hindi nagreply.

From: Jia

Hi, Nara! Sorry, late reply ang lola mo. Medyo busy kasi ako. Payag ka na ba talaga? Kailan ka ba available? Gusto mo ba ma-meet si Ms. Ky? Ano girl? G na agad!

Hindi ko alam ang isasagot ko. Halata naman na sobrang excited siya. Pinaulanan agad ako ng mga tanong.

To: Jia

Payag na ako. May pasok na tayo bukas, linggo naman ngayon kaya pwede ako. Okay lang ba?

Ilang minuto ko pa lang bago mai-send kay Jia ay nagreply na ito.

From: Jia

Ok, see u. Sunduin kita d'yan sa inyo mag ready ka na lang. 3pm. :-)

Medyo maaga pa naman kaya naisipan kong maligo muna at magluto na rin ng tanghalian. Ubos na rin ang na-stock ko na mga de lata at noodles. Hindi na rin ako makapag-part time kasi bumalik na 'yung mga regular employee sa bake shop sa plaza.

Mabilis na lang akong naligo. Nakakahiya naman kay Jia kung dumating siyang hindi pa ako tapos. May tuwalya pa'ko sa ulo nang mag-umpisa akong magluto.

Huling de lata na ang lulutuin ko. Naghiwa muna ako ng sibuyas saka ginisa ang cornedbeef. Bahala na bukas sa school. Wala na rin kasi akong pera.

*boogsh*

"AY KALABAW!!" napatalon ako sa gulat nang biglang bumukas ang pinto.

"Nara!!" si Phan.

Habol ko pa rin ang paghinga ko. "Phanny!! Akala ko naman kung ano na? Bakit hindi ka man lang kumatok?"

La EsperanzaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon