Kabanata 23

333 20 0
                                        

NARA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NARA

"Goodluck Narabells!" nakangiti si Jia. Masaya pa rin talaga siya ngayon. Akala mong hindi nasermonan ni ate Juls.

"Goodluck Nara, galingan mo sa practice!" si Kira.

Ang presko niya palagi tingnan. Dahil siguro iyon sa ginagamit niyang mga produktong pampaganda.

Nagpaalam na ang dalawa sa akin. May klase pa kasi sila. Samantalang ako ay in-excuse na pagkatapos nang lunch. May practice raw kami noong ka-partner ko mamaya sa gymnasium.

Nag-ayos muna ako ng gamit. Nagdala na rin ako ng extra damit na nilagay ko sa locker. Nagkaroon na rin iyon ng laman. Nagtungo muna ako sa locker area para kunin ang dala kong damit at para makapagpalit na rin.

Iniwan ko na ang iba kong gamit sa locker. Dadaanan ko na lang ito mamaya pag-uwi.

Naglakad na ako papunta sa gymnasium. Nadatnan ko naman ang isang umpukan sa bandang gitna ng gymnasium. Kasama ang isang professor na hindi ko kilala at isang lalaki na may naka-ikot na balabal sa kaniyang leeg.

"Nasaan na ba ang mga representative?! Ang tagal nila! Gosh! Sumasakit ang ulo ko!" nagulat naman ako sa paraan ng kaniyang pagsasalita.

Sa tikas at laki ng katawan niya ay ganoon siya magsalita. Satingin ko ay siya ang magtuturo sa amin.

Tiningnan ko ang oras sa aking relo. Maaga pa naman ako ng mga thirty minutes. Akala ko nga ay wala pang tao rito.

"Ms. Garcia?" lumapit naman sa akin 'yung professor na kasama nila.

"O-opo, ako ng apo," sagot ko.

"I'm Sir George, a business management professor in second year." Nakipag-kamay naman siya sa akin. "Ako ang in-assign ni Dean na tumutok dito."

"Ah, hello po Sir," ani ko saka ngumiti.

"Where's Mr. Cortezano?" tanong niya.

"A-ah, 'yung partner ko po? Ah, eh, hindi ko po alam eh."

Hindi naman kami magkakilala noong ka-partner ko. Nakita ko lang siya noon sa Dean's office.

"My gosh! Ito ba ang babae?!" lumapit naman sa akin ang magco-coach sa amin. Tiningnan niya ako simula ulo hanggang paa na animo'y sinusuri niya ako ng mabuti.

"Gosh! Dapat ay si Yssa na lang ang sinali niyo," kumento nito.

"Ms. Sugar." Napatingin si Sir George dito.

"Why? I think mas fit si Yssa—"

"Ms. Sugar, nasa harap tayo ni Ms. Garcia. Please, respect the decision of the admins. Si Dean ang may gusto sa kaniya." Bakas na sa tono ni Sir George ang pagka-inis.

"Tsk!" umirap pa si Ms. Sugar saka nag-walk out.

Nakaramdam ako ng hiya. Napatungo lang ako. Hindi ko rin naman gusto na sumali sa ganito. Parang gusto ko na tuloy umalis dito.

La EsperanzaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon