Kabanata 18

387 24 1
                                        

NARA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NARA

Huling araw na nang pasukan namin dahil tapos na ang midterm. Wala na kaming ginagawa pero pinapapasok pa rin kami. Ngayong araw kasi maglalabas ng grades at i-aannounce ang mga dean's lister.

Malapit na rin ang pasko. Ito ang unang taon na hindi ko kasamang magpasko si ina.

"Teka! Paano ba buksan 'yung sa site natin?!" naghihisterikal na tanong ni Jia. Kahapon niya pa ako kinukulit dahil may isang subject daw siya na sumablay.

Pinapaikot-ikot niya pa ang kaniyang ID sa kamay habang naglalakad kami.

"Nabasa ko sa group chat namin, mamayang alas tres pa raw," ani ko.

"Oh my god! Narabells! Kapag nagkaroon ako ng tres! Madadagukan ako ni te Juls!" hindi pa naman bagsak ang tres, pasang-awa nga lang.

Nakausap na kami ni ate Juls tungkol sa pag-aaral namin. Lalo na sa makukuha naming grades.

Hindi naman sa pine-pressure niya kami. Pero ang gusto niya lang naman palagi ay 'yung sa mapapabuti kami ni Jia.

"Hindi 'yan, bawi ka na lang sa finals o kaya next sem."

"Tch! Narabells naman, hindi naman ako matalino gaya mo 'no," aniya. Paikot-ikot pa rin ang ID lace niya sa kamay.

"Kinakabahan nga rin ako eh," sagot ko naman.

Tumingin lang siya sa akin at sumimangot. Kinakabahan naman talaga ako, sa totoo lang. Hindi pa kasi ako sanay sa sistema ng DNU.

Nagulat na lang ako sandamakmak ang gawain namin. May mga professor na maluwag at nagbibigay ng consideration. 'Yung iba naman, sobrang strict pagdating sa deadlines ng mga requirements.

"Scammer," saad niya at saka bumuntonghininga. "Ano bang bibilhin natin? Dumiretso na kaya tayong apartment?"

Palabas kami ng Deion ngayon. Pwede naman kaming maglabas pasok ngayong araw, basta may suot na ID.

"Ilang oras na lang naman," sabi ko.

"Lagot talaga ako nito, akala ko bobo na ako noong senior high! Mas may ibo-bobo pa pala! Huhuhuhuhuhuhu!!" nagmamaktol talaga siya sa daan. Kahit pinag-titinginan na siya ng mga nakakasalubong namin.

"Wala pa naman Ji, tsaka bumawi ka na lang nga next sem kung may bagsak ka."

"Huhuhuhuhuhuh!" binatukan niya pa ang sarili niya.

"Nako! Gan'yan din ang anak ko. Parang nababaliw kapag labasan na ng grado," sambit naman ni kuya Timo nang mapadaan na kami ng gate.

"Kuya, may bibilhin lang po kami," sambit ko.

Hinila naman ako bigla ni Jia. Inakbayan pa ako saka mahinang bumulong sa akin.

"Ano ba? Narabells, dapat hindi mo na sinabi na bibili tayo! Para diretso na tayo apartment!"

La EsperanzaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon