NARA
"Nara! Handa ka na ba?!" lalo naman akong kinabahan sa tanong ni Yssa. Nakangiti siyang nakaharap sa akin. Katatapos lang akong ayusan ng Ys-team.
Tumango ako. "U-uhm."
Lumayo naman sa akin si Yssa nang tumunog ang kaniyang cellphone.
"Ay, wait!" sagot ni Yssa sa kaniyang mamahaling cellphone. "W-what?" tumingin lang sa akin si Yssa at sumenyas na lalabas lang siya.
Naiwan akong nakaupo. Sa harap ng vanity mirror na dala ng Ys-team. Dito nila ako inayusan. Simple pa lang naman ang make-up ko dahil uniform attire pa muna ang mauunang irarampa.
Kanina bago kami pumunta ng back stage ay ang dami ng mga tao. Napuno na ang buong quadrangle. Sa quadrangle kasi nagpahanda si Dean ng malaking stage. Para maraming mga estudyante ang makanood ng laban. Open gate rin kasi ang aming campus para sa mga ibang students na galing sa iba't ibang campus.
'Yung iba pa nga ay may dalang malaking banner ng mga representatives nila. Sobrang prestihiyoso pala talaga ng kompetisyon na ito. Ginalingan talaga ni Dean sa paghahanda.
Sinilip ko ang cellphone ko na nakapatong sa mesa nang bigla itong umilaw.
From: Phan
Goodluck Nara! Fighting! Kahit wala ako riyan, I am supporting you with all my heart! And don't worry, nagpadala na ako ng mga alagad ko d'yan! You're the best and prettiest for me! Wahh! Love you!!
Hindi ko mapigilang mapangiti sa message ni Phanny. At saka kung anu-anong kalokohan na naman ang naisip no'n. May nalalaman pang alagad.
Pagkatapos kong magreply ay tumayo na ako para hanapin si Rux. Kanina pa kasi siya wala, matapos siyang ayusan.
"Oh! Nara, saan ka pupunta?" tanong ni ate Luz sa akin.
"A-ah nakita niyo po ba si Rux? May kailangan pa po kasi kaming i-practice," sambit ko.
"Pabalik na siguro 'yon, paano' yan eh magsisimula na rin ang program ilang minuto na lang kaya 'wag ka ng umalis." Nag-aalala naman ang mukha ni ate Luz.
Dahil sa sinabi ni ate Luz ay hindi na nga ako umalis. Bumalik na lang ako sa pwesto ko kanina.
Mula rito naririnig ko ang hiyawan ng mga estudyante sa labas. Iba't ibang University ang sinisigaw nila. Shempre, hindi magpapatalo ang DNU. Nag-announce pa noon si Dean na kailangan nilang mag-cheer para sa amin ni Rux. Dahil magkakaroon daw kami ng party kapag maganda ang performance nila. Kahit manalo o matalo man kami ni Rux.
"DNU! DNU! GO! GO! GO! DNU!!!"
"Go! NaRux! Go! NaRux!"
"We love Dean! We love Dean! Ey, ey! Yow!"
BINABASA MO ANG
La Esperanza
General FictionLa Series #1 - The Hope *** Si Nara ay isang babae na punong-puno ng pag-asa sa buhay. Nang yumao ang kaniyang ina, na siya ring nag-iisa niyang pamilya ay hindi na niya alam kung paano pa siya magpapatuloy sa buhay. Isang kaklase niya ang nag-alok...