Kabanata 20

387 21 0
                                        

NARA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NARA

Nakatulala at walang gana akong naglakad palabas ng apartment. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. Lumulutang ang isip ko.

Paano na ngayon? Hindi ko na talaga alam ang gagawin. Akala ko ay may pag-asa na akong makita ang mga kapatid ko.

"Ouch!"napahawak ako sa noo ko nang tumama ito sa malapad at matigas na dibdib ng isang lalaki.

"Sorry... " kakaiba ang kaniyang bango. Kumapit agad sa ilong ko ang kaniyang pabango. Ayaw ko siyang tingalain dahil nakakahiya. "Ah, pasen—"

"Nara!" agad akong napalingon sa direksyon kung saan ko narinig na may tumawag sa aking pangalan.

"Zev?"

"Nara! Are you okay?" lumapit naman siya kaagad sa akin. Hinawakan niya ako sa balikat. Bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala.

Tumango lang ako. "Uhm."

Nilingon ko ang likod ko. Wala na 'yung lalaki na nabangga ko. Nakakahiya naman at hindi ako nakapag-sorry nang maayos.

Nang bumalik ako rito sa apartment para makipagkita kay Kira ay naabutan ko siyang kausap ang guard. Pupuntahan niya sana ako kaso wala naman ako.

Siya ang tumulong sa amin ni Kira para makapunta sa lugar na tinutukoy noong customer niya. Ipinagmaneho niya kami gamit ang kaniyang sasakyan.

Hinatid niya pa kami ulit dito sa apartment. Magpa-hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umaalis.

"Is that true?" napagawi naman ang tingin ko kay Zev. "Hinahanap mo ang mga kapatid mo?" tanong niya.

"Uhm."

"Ahm, I heard a while ago 'yung pinag-uusapan niyo,” aniya pa.

"Ah, uhm." Hindi ko alam kung nasaan ba ang utak ko. Bakit hindi ako makapag-isip ng matino ngayon.

Tumatawag si Kira. Agad ko naman itong sinagot dahil baka may nangyari sa kaniya.

"Hello? Nara! Good news! May customer akong napagtanungan! May kilala raw siyang Merina Echavez!"

"H-huh... seryoso ka ba?!"

"Oo Nara! May customer kasi ako napagtanungan tapos ang sabi niya may kakilala raw siyang Merina Echavez!"

"Sige, babalik muna ako d'yan. Magkita na lang muna tayo sa apartment," sabi ko.

Nagmadali na akong bumaba matapos ang tawag. Nagpaalam ako kay Ms. Ky at kay ate Juls. Pinayagan naman nila ako at nag-suggest pa si ate Juls na ihahatid niya ako. Pero tumanggi ako dahil alam kong pagod na siya.

Sumakay agad ako ng bus. Bilang pa lang sa kamay ang pagsakay ko ng bus mula Rocks papuntang apartment. Palagi naman kasi kaming hinahatid-sundo ni ate Juls. Hindi rin naman kami gumagala ni Jia. Kaya hindi ko pa kabisado ang mga lugar dito.

La EsperanzaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon