NARA
"Jiaaaa!!" pagtawag ko kay Jia. Nasa loob kasi siya ng banyo ngayon dahil ang tagal niyang maligo.
"Heto na Narabells! Saglit na lang!" hindi naman ako gagamit ng banyo pero kasi oras na nang pag-inom niya ng gamot. Mahigpit akong binilinan ni ate Juls tungkol dito. Dahil kung hindi, parehas kaming malalagot.
"Bilisan mo na! Tapos uminom ka kaagad ng gamot, 'wag mong kalimutan ha!"
"Oo!" nag-e-echo pa ang halakhak niya sa loob.
Nakaligo na rin ako. Si Kiara ang nauna, sumunod naman ako at huli si Jia na ubod ng tagal maligo. Katatapos lang kasi namin maglinis ng apartment. Ang napagkasunduan naming tatlo ay tuwing sabado ang general cleaning namin.
Isang buwan na rin simula nang magsimula ang klase. Ayos naman ang simula nang pagpasok ko. Pwera lang sa isang beses na na-late ako. Hindi na talaga ako uulit.
Palagi ko na rin nakikita si Zian mula noon. Pumupunta siya sa classroom namin at sinusundo ako. Sumasabay siya sa akin kapag wala si Jia. Minsan kasi hindi ko mahagilap si Jia sa building nila dahil kung saan-saan nagpupunta 'yung babae na 'yon.
Kinuha ko muna ang cellphone ko sa kwarto at pinindot ang numero ni Phannea. Naka-ilang ring pa ito bago niya sinagot.
"Hello, Nara! Sorry! May ginagawa pa kasi ako," bungad niyang sabi.
"Hindi, ayos lang, salamat pala sa ipinadala mong chocolate cake at mga chuckie!"
"H-huh?"
"Binigay sa akin ni Zian kahapon. Pinadala mo raw sa kaniya," sabi ko.
Kahapon kasi bago ako umuwi iniabot niya sa akin 'yung cake at isang pack ng chuckie na nakalagay pa sa paper bag.
"A-ah h-hehe, oo! N-nagustuhan mo ba?" sambit ni Phannea. "Lecheng kurimaw 'yon, ginamit pa ako," bulong niya pero naririnig ko naman.
"Bakit Phan?" tanong ko.
"Ah! Wala! Sige Nara, pasensya na busy talaga ako ngayon. Ang dami naming bine-bake na cupcakes eh," aniya.
"Ay, sige, bye na muna! Mamaya na lang ulit gabi kapag hindi ka na busy, tawagan mo ako ha."
"Uhm. Sige na ba-bye! I love you! I miss you! Mwah mwah!"
"Bye! I love you too, I miss you too!" saka na niya binaba ang tawag. Lumabas naman na ako ng kwarto at dumiretso sa sala.
Naabutan ko si Kiara sa sala. Nag-aayos siya ngayon ng mga paninda. Magsisimula na raw siyang mag-online business. Nakapag-ipon na kasi siya ng puhunan sa pagpa-part time job niya.
Si Kiara o Kira, mas gusto niya na Kira na lang para mas madali. Parang sinabit lang daw kasi 'yung letter A sa pangalan niya. Med-student siya pero sa aming dalawa siya 'yung nagbi-business.
BINABASA MO ANG
La Esperanza
General FictionLa Series #1 - The Hope *** Si Nara ay isang babae na punong-puno ng pag-asa sa buhay. Nang yumao ang kaniyang ina, na siya ring nag-iisa niyang pamilya ay hindi na niya alam kung paano pa siya magpapatuloy sa buhay. Isang kaklase niya ang nag-alok...