Kabanata 41

339 15 0
                                    

NARA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NARA

"Hay nako bakla! Kaloka kayo! Sabi ko na nga ba eh!" iling-iling naman ni Lou habang nilalagyan niya ako ng blush on.

"Tss, eh 'di ikaw na!" ganti naman ni ate Luz.

Naging tama kasi ang hinala noon ni Lou. Noong panahon daw ng pageant niya lang napansin. Kasi nga inaayusan niya ako. Para raw akong may kamukhang celebrity o aktres. Hindi naman namin siya pinansin no'n kasi palagi naman siyang nangjo-joke time.

Iyon pala si Yssa ang tinutukoy niya na kamukha ko. Pero noong panahon na nakilala ko si Yssa at nakasama, hindi ko naman napansin na may pagkakahawig kami. Hindi ko alam na kaharap ko lang pala ang kapatid ko.

"Nako! Indzai! Sabi ko pa nga, baka guni-guni ko lang kasi magkahawig kayo!" ani Lou. "At saka sabi ko na lang sa sarili ko baka nasasanay lang ako sa mukha ni Alyssa kasi matagal ko nang nakasama."

"Oo na! Kailangan pa talaga ipamukha sa akin ha bakla?" asik ni ate Luz. Si ate Luz kasi ang todo kontra kay Lou.

"Pati 'yung isa pa! Ang ganda niya rin kahit hindi siya maputi gaya ni Mamshie Yssa at Naranna!"

"Hoy! Parang sinasabi mo naman na maitim 'yung isa!"

"Hindi 'no! Ang galing lang!" si Lou.

Kasalukuyan nila akong inaayusan ngayon. Sa kani-kaniyang kwarto naman ng aking mga kapatid din sila inaayusan. Ang iba na kabilang sa Ys-team ang nag-aayos sa kanila.

Si Lou at ate Luz ang nag-aayos sa akin dahil mas alam na nila ang gagawin sa akin. Kasi nga may allergy ako sa makeup. Magkakaroon kasi ng party para sa amin.

Sa labas lang naman ito ng aming mansyon. Malawak kasi ang espasyo sa paligid. Nagpahanda si Dad ng party para sa aming triplets.

Inayos na ni ate Luz ang suot kong gown. Mas bongga pa ito kaysa sa nasuot ko noong laban sa University. Puting-puti ang kulay nito at punong-puno ng mga palamuti at beads.

"Ayan dzai! Bongga!" utas ni Lou nang tingnan ako mula ulo hanggang paa.

Hindi naman kataasan ang suot kong heels kaya hindi ako nahirapan kahit nakasuot ako ng gown.

"Bakla! Arat na, tapos na sila Mamshie Yssa at si... sino nga ulit 'yon?" tawag naman ni Juliet sa amin habang nakapameywang sa pintuan.

Eksakto paglabas ko ng pinto, sinalubong agad ako ng isang yakap.

"Phanny!" tumatawa lang siya habang nakayakap sa akin.

Nakita ko naman ang pagsenyas ni Lou at ate Luz sa tabi. Tumango lang ako sa kanila. Nagtungo naman sila sa kabilang pinto. Sa kwarto ni Yssa.

"Nara! I miss you so much!" humarap na siya sa akin at mariin akong tinitigan.

"B-bakit? P-panget b-ba?" tanong ko.

La EsperanzaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon