NARA
Tumigil ang R-van sa isang liblib na parte ng talahiban. Ang kuta ng Croc 'D Lite ay nasa gitna ng isang malawak na lupain. Isa itong malaki at malawak na hacienda. Napalilibutan ng mga matataas na puno at halaman.
Private property ito kaya walang mga tao na nangangahas na pumasok dito. Ang alam lang nila ay isa lamang itong simpleng hacienda na pinag-iimbakan ng mga pananim.
Ang sabi ni ate Juls sa akin noon ay hindi alam ng CDL kung nasaan ang kuta namin. Ang Rocks and Stones na nagtatago sa isang normal na botique ni Ms. Ky.
Sino nga naman ang mag-iisip na ang isang boutique na iyon ay kuta ng isang organisasyon... Ang aming organisasyon.
At ngayon... Nandito kami sa kanilang teritoryo. Upang iligtas ang isa sa mga ladies. Ang kasamahan at kaibigan naming si Giselle na nahuli nila na nag-eespiya sa kanila.
"Ladies. This is Tari." Dinig ko ang boses ni Tari sa aking earpiece.
"Naka-connect na ba kayong lahat?" boses naman iyon ni Ms. Ky.
"Yes, Master!" sabay-sabay naming tugon.
Magkasama sila ngayon sa opisina ni Tari dahil ang tanging koneksiyon lang namin sa kanila ay ang aming R-watch. Hindi nila saulado ang kuta ng CDL. Hindi gaya noong nakaraan naming misyon na madali naming nakontrol ang hotel.
"Mag-iingat kayo Ladies." Paalam ni ate Juls nang makalabas kami ng R-van. Maiiwan lang siya sa sasakyan.
Naghiwa-hiwalay na kami. Kasama ang aming mga ka-buddy. Si Jia ang aking ka-buddy.
"Narabells, sa likod tayo diba?" tanong ni Jia.
"Uhm."
Nagtungo naman kami sa bandang likuran ng hacienda. Nagtago muna kami sa mga halaman. Ang tatlong palapag na hacienda ng CDL ay parang normal lang talaga kung titingnan.
Madilim na ang buong paligid. Ilang mga parte na lamang ng hacienda ang may ilaw.
"Ji..." pagtawag ko kay Jia.
"Oh?"
"Parang may nararamdaman ako?"
"Ano? Natatae ka ba?" kasabay nito ang mahina niyang pagtawa.
Sinipat ko naman siya sa tabi. Alam kong hindi niya makikita ang mukha ko dahil sa suot naming R-shades at R-mask.
"Hindi... Parang may kakaiba. Bakit walang mga bantay?" pagpapatuloy ko.
BINABASA MO ANG
La Esperanza
Ficción GeneralLa Series #1 - The Hope *** Si Nara ay isang babae na punong-puno ng pag-asa sa buhay. Nang yumao ang kaniyang ina, na siya ring nag-iisa niyang pamilya ay hindi na niya alam kung paano pa siya magpapatuloy sa buhay. Isang kaklase niya ang nag-alok...