NARA
Nang buksan ni ate Juls ang pinto ng room 11 ay nagulat kami nang bumungad ang isang babae. Palabas na siya ng apartment. Nagtama naman ang mata naming dalawa at halos kasing tangkad lang namin siya ni Jia.
Ang kulay ng kaniyang balat ay kagaya rin nang kay Jia. May mahaba at kulot siyang buhok. Kahit na kulay kayumanggi ang kaniyang balat ay kitang-kita pa rin ang freckles niya sa mukha.
Pinagmasdan ko pa siya nang mabuti. Parang pamilyar ang kaniyang mukha. Hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita.
"Wow! Living Moana!" manghang banggit ni Jia.
"Magandang araw sa inyo!" bati ng babae. "Kayo po ba si ate Julia? Nara at Jia? Ako si Kiara, 'yung makiki-share sa apartment."
"Hi Kiara!" masiglang bati ni Jia. "Jia nga pala!" inilahad naman niya ang kaniyang kamay.
Tinanggap ito ni Kiara.
"Nice to meet you Jia."
"Hello, ako naman si Nara," ani ko. Nakipag-kamay rin ako sa kaniya.
"Hi Nara, nice to meet you rin!" ngumiti naman siya.
"Kararating mo lang ba ineng?" tanong ni ate Juls.
"Opo, nakapag-ayos na rin po ako ng mga gamit sa loob." Tumango naman si ate Juls. "At saka po pala, mauna na muna ako may kailangan lang puntahan."
"Sige, mag-ingat ka ineng," ani ate Juls.
Nilagpasan na niya kami. Pumasok na kami sa loob ng apartment pagkatapos noon.
Malaki at malawak naman ang apartment. Ang linis at simple tingnan ng loob dahil kulay puti lang ang pintura. May mga minimalist lang din na disenyo ang pader.
Satingin ko naman ay kasya na kaming tatlo rito. Dalawa lang ang kwarto nito nang libutin ko. Na-occupy na ni Kiara ang isa.
"Ate Juls? Magkasama po ba kami ni Jia sa isang kwarto?"
"Oo, dalawang kwarto lang kasi talaga ang mayroon sa bawat apartment. Ang kaso 'diba ay may kasama pa kayo kaya magshe-share talaga kayo ni Jianett," paliwanag ni ate Juls.
"Luh!! Seryoso?!" gulat na gulat na tanong ni Jia.
"Bakit? May angal ka?" walang ganang tumingin si ate Juls kay Jia.
"Wala te Juls! Gulat lang ako ano ba, gg naman agad," sagot ni Jia. Lapad na lapad naman ang ngiti niya. "Omg! Nara! Tabi tayo ha!" lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"Sure, basta walang sipaan ha."
"Grabe, hindi naman ako malikot matulog!" depensa niya. Kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin. Pasayaw-sayaw naman siyang pumunta kay ate Juls. Napa-iling ako. Parang may saltik talaga siya minsan.
BINABASA MO ANG
La Esperanza
General FictionLa Series #1 - The Hope *** Si Nara ay isang babae na punong-puno ng pag-asa sa buhay. Nang yumao ang kaniyang ina, na siya ring nag-iisa niyang pamilya ay hindi na niya alam kung paano pa siya magpapatuloy sa buhay. Isang kaklase niya ang nag-alok...