Halos isang buwan na din nang mangyari yung mga bagay na yun. Kinalimutan ko na rin naman kasi hindi na din naman naulit na magkita kami. Mabuti na rin yun ng makalimutan ko na lahat ng problema na idinulot nang gabing iyon.
Tamad akong bumangon sa aking kama kahit na masama ang pakiramdam ko. Para akong nasusuka pero wala namang lumalabas. Pero kailangan ko pa ring magtrabaho dahil dumadami na ulit ang mga kliyente na dapat asikasuhin.
Halos takbo-lakad na ang ginawa ko para maka-abot sa opisina. Wala na kasi akong masakyan kaya napili kong lakarin na lang. 'Di na nga ako nakapag-ayos sa bahay kahit pulbo lang sa sobrang pagmamadali ko. Paano ba naman kasi nakatulog ako sa banyo ng halos trenta minutos. Buti nga nagising pa ako.
Tinakbo ko na din ang elevator pagkatapos kong mapasok ang building. Tinadtad ko nga yung buton pero nasa seventh floor pa kaya naghagdanan na lang ako papunta sa third floor. Hingal na hingal kong nilabas ang I.D ko at nag-swipe. Ayun, late ako ng 13 minutes. Halata sa mukha ko ang inis at pagod pagkaupo ko sa station ko. Hinilot ko yung paa ko dahil medyo sumakit habang iniisip kung ilan na ang late ko. Sa pagkakatanda ko, pangatlo pa lang ito. Baka ibawas na nila sa sweldo yung mga susunod na late ko ngayong buwan. Huwag naman sana.
Nagsimula ako ng trabaho na medyo masama ang pakiramdam. Parang gusto ko na ngang tumambay sa CR para handa ako kung sumuka ako. Pero nung mga bandang Lunch time, humupa na ang mga nararamdaman ko. Kasama ko nga pala si Mariel ngayon habang naglalakad sa isang pasilyo papunta sa Conference Room. May pinaaabot kasi si ma'am baby sa amin. Ilang hakbang na lang ang layo namon sa Conference Room ng maramdaman ko na parang naduduwal ako ulit. Walang sabi-sabi na ibinigay kay Mariel yung isang box na hawak ko at dumiretso sa CR. Sumuka ako ng sumuka hangga't meron. Binuksan ko yung faucet para magmumog at mawala yung mga sinuka ko sa bibig ko. Pero nakarinig ako ng boses... ng lalaki. Nagtaka naman ako bigla kaya pinasadahan ko ng tingin ang buong Restroom. Halos tumalbog pa-alis sa lalagyan ang mata ko ng makita ang urinal na panlalaki. Kaya agad akong nagtago sa pinakamalapit at bukas na cubicle. Ni-lock ko agad ito at tinakpan ang Toilet Bowl para makatuntong ako at hindi mabisto. Inabangan ko ang pagpasok ng lalaki gamit ang pagsilip sa itaas.
Habang wala pang pumapasok ay maraming sumasagi sa isip ko. Diyos ko! Sana walang makakita sa akin dito. Ayokong mapagiyaㅡ Kung wala suporta ang mga mata ko at ang panga ko ay siguradong na sa sahig na ito. Agad akong umupo sa bowl na hindi lumalapat ang pwetan ko. Sh!t! I saw him again at dito pa sa opisina. Sumilip ulit ako ng dahan-dahan kahit hindi na magkamayaw ang puso ko sa kaba. Nakaharap sya sa salamin kaya kita ko ang repleksyon ng mukha nya. Mas lalo pang bumilis ang tibok nang puso ko na 'di ko namalayan na nakatingin na sya sa repleksyon ko sa salamin.
Umupo ako ulit at pinindot ang flush button para lamunin na ako ng kubeta. Pero dahil imposible 'yon, dinaga na ako sa loob ng cubicle. Feeling ko mahihimatay ako sa kaba. Lalo na nung nagsimula na syang kumatok.
"May tao ba dyan?" Tanong niya. Mas bumigat ang napararamdaman ko nang marinig ko ang manly nyang boses. Kaba ata ang ikamamatay ko.
Kumatok ulit sya "May tao ba dyan?" Narinig ko ang pag-galaw nya. Feeling ko sumilip sya sa ibaba. Buti na lang at nakatungtong ako sa bowl.
Bigla na lang tumahimik kaya pinakiramdaman ko ang buong CR. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad akong lumabas ng cubicle. Pero nandoon pa siya, nakatayo at nakatingin sa akin. Ganun din ang nakita kong reaksyon nya. Hindi dahil may babae dito, kung hindi dahil nakikilala nya ako. Tatakbo na sana ako palabas pero naduduwal ulit ako kaya sa lababo ako dumiretso. Nagmumog ulit ako at halos magpakain na sa tiles dito. Hindi ko alam ang ire-react ko, kaya tumingin na lang ako sa repleksyon nya. Hindi ko mabasa ang iniisip nya. Gulat? Takot?
Akala ko aalis na sya nung pumunta siya sa pintuan pero ni-lock nya lang pala yun. Binalot ulit ako ng kaba.
"Ahh… Sh!t!" Ginulo nya yung buhok nya gamit ang mga kamay nya. Kung titingnan sya ngayon mukha syang frustrated. Nag-iwas ako ng tingin. Feeling ko ako lang ang may kasalanan kung bait nangyayari eto.
"Umamin ka nga..." Napatingin ako sa kanya na may takot. "May dapat ba akong panagutan sayo?" Tanong niya na parang kinakabahan din.
"DiㅡDi ko alam" Maikling tugon ko saka nag-iwas muli ng tingin.
"Bakit di mo alam?" Nagulat ako sa biglang pagsigaw nya. Ano bang ikinagagalit nya?
"'Di ko nga alam eh!" Sumigaw na din ako. Hindi ko alam pero nag-init na din ang ulo ko.
"Are you idiot? Nagsusuka ka na mga na parang buntis ka. Unless, False Alarm lang yan at may iba kang nakain." May yabang na sa boses nya. "May iba pa bang sintomas?" Mahinahon naman ngayon.
Hindi ko sya agad nasagot kaya nagtanong ulit sya. "Nakakaramdam ka ba ng... Morning Sickness?" Pamilyar lang ako sa sinabi nyang Morning Sickness pero hindi ako sigurado kung tama ba ang kahulugan na alam ko.
"Nausea and Vomiting na nararanasan sa umaga." Kinagat ko muna 'yyng labi ko bago tumango sa tanong nya.
"Then you're pregnant! Oh Great! I'm the Fvcking Father!" Ginulo nya ulit yung buhok nya but still ang gwapo pa rin nyang tingnan.
"Hindi pa naman sㅡsigurado eh!"
"Bakit may nai-kama ka pa ba pagkatapos ko?" Boglang nag-init yung mukha ko at nasampal ko sya ng malakas.
"Kung ano man yang iniisip mo, hindi ako ganyan! Hindi ako katulad ng ibang babae na halos maghubad pag nakakita ng gwapo!" Hindi ko na napigilan ang galit ko. "Kung ayaw mong panagutan. Edi huwag! Hindi naman namin ikakamatay yan." Aalis na sana ako nung nagsalita sya.
"Wala akong sinasabi na hindi ko pananagutan. Alam ko din na kilala mo ako at ang apelyido ko. Pero please..." Tumigil sya saglit at hinawakan ang braso ko. Ginapangan naman ako ng kuryente sa buong katawan ko. "Huwag mo munang sabihin sa parents ko. Ako nang bahala. Sasabihin ko din sa kanila but not now."
Kakatapos nya pa lang magsalita nang bumukas anv pinto ng CR.
"Napaka-irresponsable mo talaga. Wala ka nang nagawang matino. Naka-buntis ka tapos hindio sasabihin sa amin. You don't deserve what you have, son. Kailan ka ba titino?"
Biglang ngabago ang reaksyon nya. Para ngang gusto ko syang ipagtanggol sa ginagawang pagsesermon ng tatay nya... o ng boss ko. Pero wala akong nagawa kundi ang yumuko na lang.
"Ms. Rodriguez and Luke. Go to my office. Let's talk about your issues."
Wala naman kaming nagawa kung hindi ang sumunod. Hiyang-hiya nga ako habang naglalakad kami papunta sa office. Lahat kasi nakatingin sa amin. Kasama ko ba naman ang CEO at ang Soon to be CEO eh. Nang madaanan nga namin ang station ko hindi ako makatingin kay Mariel at sa iba ko pang mga ka-team. Pero may isang bumabagabag sa akin... Kung buntis ako at ang ama ay ang Soon to be CEO... Magiging Soon to be Wife ako ng magiging CEO.
------------------------------------
#JasEne or #JaXene ??
BINABASA MO ANG
S3X Zone
General Fiction[MATURE CONTENT | COMPLETED ] Tahimik ang buhay ni Maxene pero talagang nakakapagod ang buhay- lalo kung tamad ang mga kasamahan mo sa trabaho. Kaya nagdesisyon siyang magbakasyon para sandaling takasan ang realidad. Pero sa pagtakas niyang ito ay s...