Zone Fourty Three

12.4K 155 0
                                    

"Ang ganda mo, Ate Max!" Tuwang tuwa sabi ni Louisa. Pinapunta nya kasi ako sa bahay nila para dun ako ayusan. Nandito rin sa Luke pero nandoon sa kwarto nya. Nandito kasi ako sa kwarto ni Louisa at may ilang stylist at make-up artist na nag-aayos sa amin.

"Kaya hindi na ako magtataka kung bakit baliw na baliw sayo yung kuya ko." Puri nya ulit. Ngumiti na lang ulit ako sa kanya. Malaki naman yung salamin nya kaya kita naman kaming dalawa.

"Max! Louisa!" Katok ni Luke sa pintuan kaya napalingon kami. "Ang tagal nyo."

"Wait lang!" Sigaw pabalik ni Louisa. "Excited kang makita si Ate Max no?" May para lang kaming narinig na tawa sa labas.

Minadali na nila ang pag-aayos sa amin dahil malapit na mag-seven at naguumipsa na ang program. Kaya nagmadali na kami sa pagbaba. Agad namang napatayo si Luke nang makita kami ni Louisa.

"Ang tagal nyo." Sabi ni Luke. Agad nya akong yinakap nang makalapit ako sa kanya. "Pasalamat ka maganda ka."

Ngumiti lang ako sa pambobola nya.

"Tama na bolahan. Male-late na tayo." Sabi ni Louisa at nauna nang lumabas.

Kami lang tatlo at wala kaming driver. Si Luke ang magda-drive para sa amin na ang gwapo din sa suot nya na suit. Uupo sana ako sa likod kasama ni Louisa kaso hinila ako ni Luke at pinagbuksan ako nang pinto sa harap.

Umupo na lang ako at hindi na umangal. Habang papunta kami sa event ay asaran ng asaran ang magkapatid. May halong 'ehem' nga lang dahil nasama si Renz.

"Magpakalasing ka ngayong gabi, Louisa. Tapos ihahatid ko sa room mo si Renz nang nakahubad." Pang-aasar ni Luke.

"Tumigil ka na kung gusto mo pang makuha ang mana mo!" Sigaw ni Louisa pabalik. Ako naman ay tumatawa lang sa gilid.

"Magaling din yun sa kamaㅡ" Naputol si Luke dahil sa sigaw ni Louisa.

"Whatever!" Halatang ayaw nyang maniwala sa kuya nya. Pero ako ay naniniwala. Syempre magkaka-tropa yan. Minsan nga na-imagine ko na lahat sila ay nanonood ng porn ng sabay sabay at may ginagawang milagro sa sarili nila.

"Pansin ko gustong gusto mong kargahin si Liam. Gusto mo na atang magka-anak eh? Sabihin mo lang kay Renz." Patuloy pa rin sa pang-aasar si Luke.

"Kuya!" Halos sugurin na ni Louisa si Luke sa harap dahil sa mga pinagsasasabi nito. Natawa na lang ako at pinagbawalan na si Luke.

"Tama na. Sayang naman ang ganda ni Louisa ngayon kung iinisin mo lang." Sabi ko. Tumigil na rin naman si Luke at nag-concentrate na lang sa pagmamaneho.

Nang marating namin ang venue ay medyo grand entrance kami. Ok, tanggalin na ang medyo kasi grand entrance talaga! Pagkapasok namin ay agad akong nasilaw sa spotlight na tumutok sa aming tatlo. Pinapagitnaan ako nang magkapatid. At nakahawak ako sa braso ni Luke. Nag-offer kasi sya kanina pagka-baba ko sa kotse.

Ngiti lang ang isnukli ni Louisa habang si Luke ay seryoso. Kinalabit ko sya gamit ang kamay ko na nakahawak sa kanya.

"Ngumiti ka naman. Masyado kang seryoso." Sabi ko at ngumiti na din. Nakita ko syang ngumiti sa gilid ng mata ko pero sandali lang. Hayaan na nga atleast ngumiti.

Dumiretso kami sa harap. Agad kaming binati ni Mr. at Mrs. Gonzales at pagkatapos ay umupo na dahil magsisimula na ang program. Umakyat si Mr. Gonzales sa stage at tinest ang mic.

"Good evening, Ladies and Gentleman." Panimula ni Mr. Gonzales. Naramdaman ko din ang paghawak ni Luke sa kamay ko. Ang higpit.

"Ngayong gabi ay masasaksihan nyo kung paano namin ililipat ang pamamahala sa Landstate sa susunod na tagapagmana."

Napatingin ako sa kabilang table at nakita ko ang tropa ni Luke. Kumaway sila sa akin pati kay Louisa na nakatingin din pala. Sabay kaming kumaway ni Louisa at agad syang nag-iwas nang tingin. Kahit hindi masyadong maliwanag ay kita ko ang pamumula ni Louisa. Kindatan ba naman ni Renz eh.

"Nung una ay talagang namomroblema kami dahil ang anak ko na magmamana ay ayaw tanggapin ang respomsibilidad nya."

Tumingin ako kay Luke na seryosong nakikinig sa tatay nya na nagsasalita sa harap. Naalala ko tuloy kung paano nya tanggihan ang anak namin. Pero ngayon ay halos ipagsigawan nya na may asawa at anak na sya.

"Pero nang dumating ang babaeng nakatakdang magpabago ng pananaw nya sa buhay ay para kaming nabunutan ng tinik."

May ilang napatingin sa akin sa sinabing iyon ni Mr. Gonzales kaya napayuko ako pero napaangat din ako nang tingin nang pisilin ni Luke ang kamay ko na hawak nya. Ngumiti sya sa akin kaya ngumiti na din ako.

"Hindi namin in-expect na mamahalin nya ng sobra ang babaeng yon. Naramdaman namin ang pagbabago nya. Tinanggap nya ang responsibilidad nya. Hindi na nya tinakasan. At ngayon ay may na-close syang deal at ito ang kauna-unahan nya."

Nagpalakpakan ang mga tao. Gusto ko sanang sumama kaso hawak ni Luke ang kamay ko kaya ngumiti na lang ako.

"Pero nagka-problema pa kami. May isang babae na pinipilit ang sarili nya sa anak ko at binubuwag ang relasyon nilang dalawa. Pero sa tindi ng pagmamahalan nila ay hindi nangyari ang gusto ng babae. Nanatili pa rin sila sa piling ng isa't isa. At ngayon ay magkahawak ng kamay."

Nagbubulong bulongan sila nung una pero dahil sa mga huling sinabi ni Mr. Gonzales ay napatingin na ang lahat sa amin habang pumapalakpak. Narinig ko din ang bulong ni Luke kaya natawa ko.

"Ang corny, dad." Bulong ni Luke kahit hindi naman maririnig iyon ng tatay nya. Ako nga lang ata ang nakarinig eh.

"Kaya nagpapasalamat ako sayo, Maxene. Dahil binago mo ang anak namin. At magpapatuloy pa ang lahi ng mga Gonzales." Sabi ni Mr. Gonzales at inabot si Liam.

Nagpalakpakan ang mga tao habang sinasabi ni Mr. Gonzales to.

"Meet my son and her wife, Luke and Maxene Gonzales." Tumayo si Luke kaya napatayo na din ako. Kinabahan ako dahil lahat ay nakatingin sa amin at nasa amin lahat ng atensyon. Maayos ba yung buhok ko? Yung damit ko lukot ba?

Pero nawala na ang kaba ko nang makaakyat kami sa stage. Nakangiting inabot sa akin ni Mr. Gonzales ang anak namin at bumaba na. Tinabihan ko lang si Luke na nakatayo sa harap ng mic.

"Thanks for telling everyone my story, dad. Parang gusto ko na lang tuloy umuwi." Sabi ni Luke na ikinatawa ng lahat. Kahit ako napangiti. Minsan lang magbiro si Luke. Lubusin na.

"Pero okay na din yon. Atleast alam nyo na na ang magandang babaeng katabi ko ngayon na may karga kargang gwapong bata ay ang asawa at ang anak ko." Proud na sabi ni Luke na medyo nagpaluha sa akin.

"Nung una din kasi hindi ko akalain na mababaliw ako sa isang babae kaya nilalaro laro ko lang. Pero nang makilala ko sya, tinigil ko na. Pero hindi ko alam na may naiwan pala akong bakas. At nagpapasalamat ako sa asawa ko dahil kahit may bakas ay hindi nya pa rin ako iniwan. Nanatili pa rin sya sa tabi ko hanggang malinis namin ang lahat. At ngayon na masaya na kami ay hindi ko na hahayaan na may kumuha pa nito sa amin." Palakpakan ulit ang lahat ng tao sa sinabi ni Luke. Ako naman ay naluha na talaga. Pinunasan naman yun ni Luke agad.

"Enjoy the night!" Paalam ni Luke at um-exit na kami dahil naiiyak na talaga ako. Pinatahan nya ako sa gilid habang nagpatuloy pa ang programa.

"Don't cry, baby." Pagtatahan nya sa akin. "Ang corny nga eh."

Hinampas ko sya kahit na umiiyak ako. "Ang sweet nga eh." Sabi ko.

"I love you." Natigil ako sa pag-iyak dahil sa sinabi nya. Ngayon ko na lang ulit narinig to sa kanya at gusto ko araw araw ko nang maririnig to.

"I love you too." Sagot ko.

Pinunasan nya ang luha ko at inayos ang mukha ko. Hindi nya tinantanan ang mukha ko hanggat hindi nawawala ang bakas ng pag-iyak ko.

"I love you." Ulit nya ulit.

"I love you too."

S3X ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon