Zone Fourty Five

11.5K 133 2
                                    

Nagkatotoo ang mga sinabi ni Luke. Sobrang naging busy sya lalo na at sya na ang bagong CEO. Umuuwi sya nang pagod na pagod pero nabubuhayan pag hinahalikan ako. At ngayong araw ay gusto ko syang sopresahin sa opisina. Natutunan ko na kasing lutuin ang Caldereta. At balak ko syang dalan ng lunch.

Sinarado ko na ang lalagyanan kung saan nakalagay ang bagong saing kong kanin. Nilagay ko na yun sa paper bag na naglalaman ng dalawang lalagyan na naglalaman ng Caldereta at dalawang lalagyanan din para sa kanin. May paper plate na din at kubyertos. Dun na lang ako bibili ng maiinom.

Dumiretso na ako agad sa floor nya at hindi na pinansin ang mga matang nakatingin sa akin. Siguro kailangan ko nang masanay na tuwing papasok ako dito sa building ay titingin sila sa akin. Nang makita ako ng sekretarya nya ay agad nya akong nginitian at tinawagan si Luke sa loob.

"Sir, nandito po ang asawa nyo." Sabi ni Jenjen. Ang sekretarya ni Luke na alam kong kahit kailan ay hindi lalandi. Hindi naman sa nilalait ko sya pero masyado syang seryoso sa trabaho nya.

"Pasok daw po kayo." Sabi nya sa akin. Nginitian ko sya bilang pasasalamat.

Pagkapasok ko ay nakita ko si Luke na subsob sa mesa nya dahil sa trabaho. Inangat nya ang tingin nya sa akin at agad akong nginitian. Nang makalapit ako sa kanya ay agad nya akong hinila para halikan. Binalik ko ang halik na gusto nya. At nang maramdaman ko na gusto nyang ipasok ang dila nya sa bibig ko ay binukas ko na ang bibig ko. Agad nya namang ginawa ang halik na nakapanghihina ng tuhod kaya napahawak ako sa buhok nya at napasabunot.

Tapos na kaming maghalikan pero magkadikit pa rin ang noo, ilong at mga labi namin. May space naman yung sa labi namin dahil naghahabol pa kami ng hininga. Ngayon ko lang din na-realize na naka-upo na ako sa table nya. At nakabukaka pa ako habang nasa gitna sya ng mga hita ko.

"Kahit hindi na ako mag-lunch. Labi mo lang pwede na." Sabi ni Luke na parang may iba pang gustong gawin. Tinanggal ko na ang pagkakasabunot ko sa kanya at inayos yun gamit ang kamay ko. Pagkatapos nun ay tumayo na ako at inayos ang mga papel na nalukot ko.

"Hala, nalukot." Sabi ko at pilit pa ring inaayos. Bigla naman nya akong niyakap sa bewang kaya napatigil ako sa ginagawa ko.

"Hayaan mo na." Sabi nya at hinila ulit ako para makaupo kami. Nakakandong ako sa kanya. At nakasubsob ang mukha nya sa batok ko.

"Luke, may dala akong pagkain." Sabi ko at pilit na kumakawala kahit gusto ko din naman.

"Mamaya nㅡ" Hindi natuloy ni Luke ang sinabi nya dahil kumalam ang sikmura nya. Agad akong natawa kaya nakalaya na ako sa yakap nya. Hindi nga pala sya nakakain ng madami kagabi dahil pagod sya nang umuwi sya.

"Kakain ka." Sabi ko at hinanda na ang pagkain. "Wala nga pala tayong inumin. Bibili na lang ako sa baba." Aalis na sana ako pero pinigilan ako ni Luke.

"Uutusan ko na lang yung secretary ko." Sabi nya at kinausap na nga ang sekretarya nya. Pinagpatuloy ko na ang paghahanda at kahit ako ay natatakam sa sarili kong luto. Tinikman ko naman ito bago umalis kaya alam kong masarap naman ito.

Kumakain na kami nang dumating ang dalawang litro ng coke. Kasama ang dalawang baso.

"Kain, Jen." Sabi ko kay Jenjen.

Tumango sya. "Salamat po. Kumakain na rin po ako." Sabi nya bago umalis.

"Bakit dalawa? Kasya na naman yung isa." Tanong ko nang kami na lang ni Luke ang tao dito sa opisina nya.

"Baka kulang eh." Sabi nya at sumubo ng kanin. "Ang sarap ng caldereta mo. Gusto ko ganito ulit ang ulam na dadalhin mo bukas." Dagdag nya pa.

"Bukas? Ngayon lang 'to." Seryosong sabi ko pero ang totoo ay nagbibiro lang ako. Napatigil sya sa pagkain at tinitigan ako.

"Oo na." Sabi ko at pinakawalan na ang ngiti na kanina ko pa pinipigilan. Ngumiti din sya at pinagpatuloy na ang pagkain.

Nang matapos kami sa pagkain ay agad ko nang niligpit ang mga kinainan namin. Si Luke naman ay bumalik na sa trabaho nya. Gusto pa ngang makipaglandian pero hindi ako pumayag. Tinakot ko na lang na hindi ko sya tatabihan mamayang gabi.

Pagkauwi ko ay iniwanan ko na lang muna ang maduming lalagyan. Wala namang natira kaya wala na akong tinago o tinapon. Dumiretso ako sa kwarto ni Liam na iniwan ko sa bahay dahil pumunta ako sa opisina.

Binuhat ko sya. Napakain ko na rin naman sya bago umalis kaya wala nang problema.

Nang mawala na ang araw ay naisipan kong igala na lang si Liam. Pumunta kami sa park na malapit at umupo ako sa isang bench. Nakaharap sa akin ang stroller ni Liam at nilalaro ko lang ang kamay nya.

Pero sa di kalayuan ay may nakita akong matanda na patawid na sana pero dahil mabagal sya ay nahagip sya ng truck!

Napatayo ako agad pati na rin ang ibang mga tao sa paligid na mga naka-saksi. Agad kong tinulak ang stroller para mapuntahan ang matanda. May ilan na ding lumapit at may ilan na ding tumawag nang ambulansya.

Bumaba yung nakasagasa at agad nilapitan ang nasagasaan nya. Tiningnan ko ang kalagayan nang matanda at halos masuka ako ng may nakita akong dugo. Medyo umatras ako at yon ang pagkakataon na kinuha nang ibang nakakita para pumalit sa pwesto ko.

Nang medyo makalayo ako ay halos magsuka na ako. Hindi matibay ang sikmura ko sa ganyan kaya ganito ang reaksyon ko. Minsan lang ako makakita ng ganito kaya talagang nakapanginginig.

Nang makarecover ako ay napagdesisyunan ko nang umuwi. Pero bago yon ay may madadaanan kaming boutique na makikita mo ang repleksyon sa salamin. Napatingin ako doon sa repleksyon ng stroller at ginapang ako ng kaba nang wala akong makitang paa. Kanina kasi nung madaanan namin yun ay nakita ko pa yung medyas ni Liam pero ngayon wala na. Hinarap ko ang stroller at nanlaki ang mata ko nang hindi ko nakita ang anak ko.

"Oh my..." Sabi ko at pinipilit na huwag mag-panic. Pero hindi ko napigilan.

ASAN SI LIAM?!

Hinila ko ang stroller at bumalik sa pinanggalingan ko. Kung saan ako muntik na na masuka pati na din sa bench na inupuan ko. Huli kong napuntahan ang kumpol ng tao.

Nakita ko na umandar na ang ambulansya kaya nagsisialisan na yung mga tao.

"MㅡMiss, may nakita kayong bata?" Tanong ko sa isang babae na mas matanda sa akin.

"Gaano ba kalaki?" Tanong nya.

"Wala pa pong isang taon..." Humina ang boses ko.

"Paano makakalakad yon?" Tanong nya ulit at umalis na.

Sinuri ko ang paligid at baka may kumuha kay Liam na baliw o kahit na sino. Pero naiyak na ako pero hindi ko pa rin makita si Liam. Kung saan saan na ako nagtanong na baka may nakita silang baliw na may hawak na baby pero wala. Ako pa ata ang nagmukhang baliw.

Umupo ako sa isang bench habang nakatitig sa stroller na walang laman. Mas lalo akong naiyak. Nasaan ang anak ko?

Dumilim na pero hindi pa rin ako sumuko. Inikot ko pa rin ang lugar kahit ilang beses. Nagtanong ako sa mga tao pero napagkakamalan pa akong baliw minsan.

"Grabe ka! Maayos naman yung damit eh." Rinig ko pa na sabi nang babae sa syota nya habang naglalakad sila paalis.

"May mga nanay na ganyan. Nawalan ng anak kaya nagiimagine na lang. Akala nya kasama nya pa yung anak nya kaya nakapag-ayos." Pahabol ng lalaki.

Hindi ko na pinansin. Hindi ko naman mahahanap si Liam pag nakipagaway pa ako.

Sa tingin ko ay seven o'clock na pero nakatulala pa rin ako sa kawalan dito sa isang bench. May tumutulong luha sa mata ko habang hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"LㅡLiam..." Tawag ko sa pangalan nya habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

Biglang nag-ring ang phone ko kaya walang buhay ko yung kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag.

"LㅡLuke..."

"Max? Nasaan ka? Kakauwi ko lang. Kasama mo ba si Liam?" Pagkasabi nya sa pangalan ng anak namin ay napahagugol ulit ako.

"LㅡLuke..."

"BㅡBakit? UㅡUmiiyak ka ba? Nasaan ka?" Tanong nya.

"LㅡLuke, si Liam... nawawala..."

S3X ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon