Zone Twelve

19.8K 248 4
                                    

Nagising ako dahil sa pagtapik ni Luke sa pisngi ko.

"Gising na. May pupuntahan pa tayo."

Pagkadilat ko, bumungad sa akin yung gwapo nyang mukha. Nagkatitigan pa muna kami kaya naamoy ko pa yung mabangong hininga nya. Halatang kaka-toothbrush nya lang kasi naamoy ko pa yung toothpaste na ginamit nya. At nung lumayo sya at pumunta sa pintuan, dun ko lang napansin na wala syang pang itaas at tanging boxer shorts lang ang suot nya. Medyo basa pa yung katawan at buhok nya. Kakaligo nya lang pala.

Nag-iwas ako ng tingin dahil madami akong naaalala sa pagtingin sa katawan nya. Sariwa pa rin kasi yung mga nakita ko kahapon.

Pagkatapos pumunta ng banyo, pumunta na ako ng dining room. para kumain. Nakita ko si Luke na nakaupo sa isang upuan habang umiinom ng kape at nagbabasa ng dyaryo. Topless pa rin sya pero di ko alam kung naka-boxer pa rin sya sa ibaba. Umupo ako sa harap nya at nagsimula ng kumain.

"Pupunta tayo sa iba pang isla dito kaya kung gusto mo mag-swimming sa dagat, mag-bikini ka na agad. 'Wag ka nang magalala, may pampalit na tayo doon." Sabi nya ulit habang tinatabi na ang dyaryo. Tumango na lang ako at kumain na ulit.

Nang patapos na ako ay tumayo na sya. At doon nakita ko na naka shorts na sya na pang-swimming. Pumasok sya sa unang kwarto habang ako ay sa ikalawa. Nagsuot ako ng black na bikini at pampatong na robe na hindi visible. Lumabas na ako at nakita ko sya sa sofa na naghihintay sa akin. Naka simple white t-shirt sya at beach shorts. May dala din syang isang maliit na bag na camera ata ang laman. Tumayo sya numg nakita nya ako at sabay kaming lumabas.

Sumakay kami sa isang bangka na kaming dalawa at yung taga-sagwan lang ang sakay. Habang papunta naman kami sa unang isla. Ramdam ko ang init ng palad nya sa baywang ko. Hinayaan ko na lang baka kasi biglang tumuwad ang bangka. Hindi pa naman ako marunong lumangoy.

Yung unang islang pinuntahan namin ay maraming tao. May mga souvenir shop din kaming nakita. Pero agad nagyaya si Luke sa susunod na isla. Wala naman akong nagawa. Doon sa pangalawang isla ay medyo kumonti ang mga tao, may ilan akong nakita tuwang-tuwa sa pagtatampisaw sa tubig. May nakita akong mga tao sa taas na nakasakay sa zipline papaikot sa buong isla pero nag-aya na ulit si Luke sa huling isla na pupuntahan namin.

"Bakit tayo umaalis agad?" Tanong ko habang pasakay na ulit sa bangka. Umupo na muna kami bago sya sumagot.

"Gusto kong mahaba ang oras natin don." Sabi nya at ipinulupot ang braso nya sa balikat ko. Natahimik na tuloy ako.

Malayo pa lang tanaw ko na ang mga nagtataasang mga puno. Maganda ang isla. Mas maganda pa ito kaysa sa naunang dalawa. Pero may napansin ako habang pababa kami sa bangka. Walang ibang tao kundi kami.

Agad na umalis yung bangkero kaya naiwan na talaga kami. Naka-akbay pa rin sya sa akin. Kaya hindi pa ako maka-alis. Naramdaman nya siguro na gusto kong libutin ang maliit na isla na ito kaya pinakawalan na nya ko. May isang kubo akong nakita sa di kalayuan. Maliit lang ang isla pero napakaganda nito. Tahimik at malamig ang hangin. Wala kang makikitang bakas na may tao dito. Lumingon ako kay Luke at nakita ko na  tinatanggal na nya yung white t-shirt nya. Kumabog agad ang dibdib ko. Naglahad sya nang kamay habang hinagis lang nya ang kanina nyang suot.

"Alam kong kanina mo pa gusto mag-swimming. Let's go."

Tumango ako at tumakbo sa kanya. Kakalimutan ko muna ang mga ginawa nya kahapon. Ie-enjoy ko na lang muna ito habang maganda ang mood nya. Nang makalapit ako sa kanya, agad nyang hinawakan ang kamay ko at sabay kaming lumusong sa tubig.

"Marunong ka bang lumangoy?" Tanong nya pagka-ahon ng aming mga ulo mula sa tubig. Napatingin muna ako sa buhok nya na ngayong ay basa na. Halata yung kulay ng buhok nya na kulay brown dahil sa sinag ng araw.

"Hindi." Simpleng sagot ko habang hindi pa rin mapigilan ang pagtitig ko sa buhok nya.

"Edi tuturuan kita." Tinuruan nga ako ni Luke. Inubos namin ang oras sa pagtatawanan tuwing papalpak ako. Tanghali na at gutom na din kami kaya umahon na muna kami. Kinuha ko yung robe at sya naman ay yung t-shirt nya at yung camera. Dinala nya ako dun sa kubo at namangha ako sa loob nito. Aakalain mong hindi ito kubo kapag nasa loob ka na. Hindi ito ganun kalaki kaya iisa na lang ang kusina, dining room at sofa. May dalawa namang pintuan sa gilid na sa tingin ko ay kwarto at banyo.

"Magpalit ka na sa banyo. Eto yung damit." Sabi nya at binigay ang pampalit ko.

"Thanks." Sabi ko. Paglabas ko, nakapagpalit na din sya.

"Anong gusto mong lutuin ko?" Tanong nya bigla sa akin. Wala akong maisip kaya sinagot ko na lang sya nang kahit ano. Agad naman syang kumilos. Ako naman ay pumasok sa kwarto. May isang kama, malaking cabinet sa gilid at side table. Nilapitan ko yung bukas na bintana at namangha ako sa nakita ko. Yung dagat ay tanaw dito at ramdam din ang malamig na hangin. Parang ang sarap tumira dito.

Pumunta na lang muna ako sa sala at binuksan yung TV. Wala akong nagustuhan na palabas kaya pinatay ko na lang ito. Pumunta ako sa kusina at pinanood si Luke habang naghihiwa ng patatas.

"Marunong ka pa lang magluto?" Tanong ko.

"Naturuan lang ako ng konti ni mama. Tapos yung iba nung camping sa school. Kami yung pinagluto." Tumango na lang ako sa sagot nya.

Makalipas ang halos isang oras, luto na yung nilaga nya. Ako na yung naghapag nung mga plato, baso, kubyertos at kanin. Nakakahiya naman eh. Sya na nga yung nagluto.

Pagkatapos kumain, pinabayaan na lang namin sa lababo. Ipapautos na nya lang daw. Gusto ko pa sanang mag-swimming pero magpapatunaw muna ako. Umupo ako sa kama at sumandal. Sumunod si Luke at ganon din yung ginawa.

"Bakit nga pala tayo lang yung tao?" Tanong ko.

"Akin 'to eh." Sabi nya. Lumingon ako sa kanya.

"Talaga? Kailan pa?"

"Akin na 'to nung twenty ako."

"Uh.… Ilan taon ka na  ba ngayon?" Nahihiyang tanong ko.

"25 na ako. Limang taon na din. Eh ikaw, ilang taon ka na?"

Nakakatuwang isipin na kasal na kami pero edad lang ng isa't isa 'di pa namin alam.

"23." Simpleng tugon ko at pumikit. May aircon naman yung kwarto pero hindi namin binuksan. Mas ninanamnam namin yung lamig ng isla.

"Are you tired? You can sleep." Sabi nya.

Inayos ko yung higa ko nang hindi dumidilat. Nagpahila na ako sa antok. Hindi pa naman ako tuluyang tulog nang maramdaman kong binuhat yung ulo ko. Lumapat yung ulo ko sa isang matigas at mabangong bagay. Hindi na ako dumilat para tingnan pa kung ano yung hinihigaan ko. Basta ang alam ko komportable ako doon.

"I love the feeling when you're in my arms. Parang nung unang may nangyari sa 'tin."

S3X ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon