Zone Thirty Two

13.6K 166 1
                                    

Pagod na pagod ako kaya nang hugutin na ni Luke ay agad akong napaupo.

Agad naman akong inalalayan ni Luke para makatayo. "Maligo na tayo. Baka maituloy ko pa." Sabi nya habang may ngiti pa rin sa labi.

Mabilisan na kaming naligo at nagbihis. Ilang beses na ring nagri-ring ang phone ni Luke pero hindi na namin pinapansin dahil sa pagmamadali.

"Bilisan mo na kaya." Sabi ko nang kasalukuyan na kaming papunta sa ospital. Dahan dahan kasi ang pagmamaneho nya na parang wala lang ang pupuntahan namin. Tiningnan nya lang ako saglit pero agad ding ibinalik ang tingin sa kalsada.

"Ayaw mo ba talaga magka-anak?" Tanong ko nang umi-stop kami dahil sa red light. Lumingon sya sa akin na nakakunot ang noo.

"Mahal ko kayo ni Liam. At gusto ko pa ng maraming anak." Seryoso nyang sabi.

"Eh bakit parang hindi ka excited na magkaka-anak ka kay Kathy?" Tanong ko. Curious kasi ako. Alam ko na kasi na iba na ngayon. Na wala na syang pakialam kung ilan pa ang maging anak namin. Pero yung anak nya kay Kathy? Parang hindi nya tanggap. Kaya medyo naawa ako hindi para kay Kathy kundi para sa bata.

Naging green light na kaya umandar na ang sasakyan. Hindi na rin sya tumingin sa akin nang sagutin nya ako dahil nakatuon na ang pansin nya sa kalsada.

"Sayo okay pa, kahit ilan gagawa tayo. Pero iba kay Kathy. Aksidente lang 'yon." Sabi nya at hinawakan ang kamay ko. "I'm sorry."

"Para saan?" Tanong ko.

"Wala naman sana tayong problemang ganito kung hindi ko ginamit si Kathy dati." Sabi nya at hingpitan ang hawak sa kamay ko.

Hindi na ako sumagot. Tanggap ko na na hindi lang ako ang may karapatan kay Luke, kasama ang magiging anak ni Luke kay Kathy. Sumandal na lang ako at tumingin sa bintana.

Nang marating namin ang ospital ay agad kaming dumiretso kay Kathy. Nasa loob pa rin sya hanggang ngayon at nadatnan namin ang mga magulang nya na naghihintay sa labas. Binati ko sila pero masamang tingin lang ang binigay nila sa akin. Buti nga napigilan kong irapan sila. Kundi lang dahil sa magiging anak nila Kathy at Luke eh.

Umupo na din kami at hindi ko na nilingon ang mga magulang ni Kathy. Ramdam ko pa rin kasi ang masamang titig nila at ayokong salubungin 'yon dahil baka makalimutan kong mas matanda sila sa 'kin.

Nang lumabas na ang doktor ay agad tumayo ang mga magulang ni Kathy habang si Luke ay tamad na tumayo.

"Maayos ang panganganak ng pasyente at sa ngayon ay nagpapahinga na sya. Anyway, babae ang isinilang nya." Sabi ng doktor. "Maiwan ko na kayo." At umalis na sya.

Medyo nainggit ako sa narinig ko. Gusto ko nang babae pero lalaki ang unang naibigay. Okay lang marami pa naman kaming pagkakataon ni Luke na gumawa ng bago.

Speaking of 'gumawa ng bago' nitong mga nakaraang araw ay nawiwili na naman si Luke sa paggawa na 'yon. Baka mabuntis na ulit ako kahit hindi pa nag-iisang taon si Liam. Kakausapin ko na lang sya na magpigil sya.

May inayos lang at nilipat na rin sya sa maayos na kwarto. Nahihiya pa nga ako nang pumasok ako eh. Baka pagtulungan ako nitong mga Lopez.

Gising si Kathy pero halatang pagod. At nang makita nya si Luke ay agad umaliwalas ang mukha nya.

"Gusto ko sana bago ako manganak ay nakita ko muna ang tatay nya para may lakas ako ng loob. Bakit ba ang tagal mong dumating?" Pa-baby-ng sabi ni Kathy. Hindi ba sya napagod? Lumalandi agad pagkatapos umire ng bongga. Well, hindi na ako magtataka. Ang malandi ay malandi. Ano mang mangyari basta may pagkakataon, lalandi yan.

"Kakagising lang kasi namin." Sabi ni Luke. Medyo nahiya naman ako dun. Baka kung anong isipin nila. Pero okay lang, totoo naman eh. Hindi nga lang sa kama kundi sa banyo.

Pagkasabi ni Luke non ay agad bumaba ang tingin ni Kathy sa kamay naming magkahawak. Tumaas ang kilay nya at tiningnan ako ng masama. Naramdaman ko na din ang masasamang tingin ng mga magulang nya. Pasalamat sila may galang pa akong nabaon kung hindi ay tinusok ko na ang mga mata nila. Ang kakapal ng mukha, ako ang asawa kung makatingin sila parang ako ang kabit.

"Halika, Luke. Sumunod ka sa amin." Sabi bigla ni Mr. Lopez kay Luke. Ayaw pa sana ni Luke kaso bumitaw na ako kaya napilitan na syang lumabas.

Huling lumabas ang ang nanay ni Kathy at nagpaamoy muna ng masamang ugali bago lumabas.

"Wala ka naman sigurong masamang balak sa anak ko diba?" Mataray na tanong nya sa akin. At sa puntong ito ay naubos na ang baon kong paggalang.

Humarap muna ako sa kanya bago sumagot. "Hindi ko gawain ang gawain nyo. At mas lalong hindi ako, ikaw. Kaya 'wag mo kong itulad sayo." Mataray na sabi ko din. Lalong nagalit ang gurang sa harap ko at akma na sana akong susugurin pero nagsalita si Kathy sa likod ko.

"Ma, sige na kaya ko na 'to." Agad namang umalis ang nanay nya na may usok sa ilong at mga tenga. Ngumisi ako bago humarap kay Kathy na nakataas ang kilay.

"Hindi ko alam na may ikasasama pa pala ang ugali mo." Sabi nya.

"Ngayon naniniwala na ako na kung ano ang puno sya ang bunga." Humalukipkip pa ako pagkatapos kong magsalita.

Mas lalo syang nainis. Pero wala syang naisagot. Tumingin na lang sya ng masama sa akin.

"Bakit ka ba nandito? Titingnan mo ba kung gaano kaganda ang anak namin ni Luke?" Napatawa ako sa sinabi nya.

"Hindi eh. Titingnan ko sana kung paano ka hihilahin ng mga kapwa mo demonyo nang nakabaon yung isa mong paa sa hukay. Kaso na-late ako. Kaya nga habang papunta kami dito ay nanalangin ako na sana hindi mangyari 'yon kasi hindi ako makapapayag na hindi ko makita ang pakikipag-reunion mo sa mga kapwa mo sa impyerno." Mahabang sabi ko na kinainis nya. Kung hindi nga lang siguro 'to nakahiga sa kamang 'yon ay nasugod na 'ko nito. "Pero hindi na ako nag-aalala. Alam ko naman kasi na mangyayari ulit 'yon. Kilalang kilala ko kasi kayong mga malalandi, nangangati yang ano nyo pag hindi napapasok. Pero tandaan mo, hindi na kasama si Luke sa pagpipilian mong pumasok sayo."

Umabot na siguro hanggang langit ang galit nya kaya nagpumilit na syang tumayo. Umatras ako para mas lalo syang mainis.

"Pag nahabol mo ko. Kakamutin kita, alam ko kasi na sobrang kati mo na." Dagdag ko.

Mas lalo syang nagwala. Pero dahil siguro sa pagod kaya napaupo ulit sya. Ngumisi ako ulit kaya tumayo ulit sya. Pero tumalikod na ako.

"Nurse! May nagwawala po dito sa loob." Sabi ko at lumabas para pumunta sa nurse station. Agad namang um-aksyon ang tatlong nurse na nandoon. Pero bago pa sila makapasok ay may sinabi pa muna ako sa kanila.

"Ingat lang mga nurse. Sinasapian yata nang demonyo yung babae. Ay mali. Nasa lahi pala nila 'yon." Sabi ko at medyo humalakhak. Nagtataka nilang binuksan ang pinto at nakita ko si Kathy na palapit na sa pinto.

"Tangina mo! Naririnig ko lahat ng sinasabi mo!" Sigaw nya. Tumalikod na ako dahil baka hindi ko na mapigilang kamutin sya lalo na at wala na syang kawala sa tatlong nurse na 'yon.

Umalis ako ng ospital at dumiretso sa parking lot. Pumasok ako sa kotse at kinuha ang phone ko. Nag-text ako kay Luke na nasa sasakyan ako.

Huminga ako ng malalim at pumikit. Ang hirap pa lang makipag-sagutan sa alagad ni Lucifer.

S3X ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon