Pumunta ako ng beach na naka shorts at t-shirts. Naka two piece na ako sa loob pero ayoko pang tanggalin kasi kahit papano nahihiya ako. Wala kasi akong kasama, paano na lang kung may mag-tangkang mang-rape sa akin. Edi wala akong tagapangtanggol.
I silently sit on the white sand. I'm staring at the sunset now at ang masasabi ko lang ay nakakasilaw sa mata. Hindi ako sya matingnan ng diretso kaya ang tiningnan ko na lang yung tubig kung saan nag-re-reflect yung papalubog na araw. Tumingin ako sa paligid at nakita ko na maraming "Couple" ang nanonood ng sunset. Tumayo na lang tuloy ako at pupunta na lang sa bar. Mukha kasing di ko ma-e-enjoy ang pag-si-swimming dahil pagabi na. Dapat pala sinama ko na lang si Jamie para may ka-kwentuhan ako.
Tumigil ako sa harap ng isang bar. Sa labas pa lang amoy ko na yung alak at rinig na rinig ko yung ingay sa loob. Medyo natakot tuloy ako. Baka kasi mabastos ako dyan. Nagda-dalawang isip na tuloy ako kung papasok pa ako. Kaso naisip ko na wala pala akong gagawin at baka ma-bored lang ako sa room.
Pumasok ako sa kabila ng pagda-dalawang isip ko. Pagpasok ko may ilang tumingin sa akin pero agad ding nag-iwas ng tingin. May kanya-kanya kasi silang ginagawa. Yung iba, umi-inom lang, yung iba . . . Alam nyo na . . . Making Out. Umupo ako sa harap ng bartender. Di ko alam tawag duin. Ilang beses pa lang naman kasi ako nakakapunta sa mga bar. Tatlo o dalawang beses pa lang ata.
"Pahingi nga nung katulad nung sa kanya" Sabi ko at tinuro yung hawak na inumin ngung katabi ko. Agad namang kumilos yung bartender. Ganun din yung katabi ko, Agad nya akong tiningnan. Nginitian ko na lang sya at hinintay yung order ko. Pagkabigay sa akin nung inumin ko, Umalis na din yung lalaking katabi ko. Ang sungit nya ah. Tinuro ko lang naman yung ininom nya.
Uminom lang ako ng uminom dun sa bar na 'yon. Kung may nakikipag-usap naman sa akin, kinaka-usap ko naman. Etong kausap ko nga nagayon tinatanong ako nya kung bakit ayaw kong mag-two piece . Halos lahat daw kasi ganun yung suot. Ang sagot ko lang ay "Bakit yung iba nakahubad na?" Tumawa lang sya atv pinilit pa rin akong hubarin yung short at t-shirt ko. Mukha naman syang mabait kaya nung nakaramdam na ako ng init, Hinubad ko na din. Napa-"Wow" naman sya. Maganda naman daw kasi yung katawan ko, Bakit hindi ko daw pinapakita?
"Nahihiya kasi ako at baka mabastos ako" Sagot ko.
Nakipagkilala pa sya pagkatapos sa akin. Ang pangalan nya pala ay Andrew. Bagay yung pangalan nya sa kanya, ang gwapo nya kasi. Lumipas ang ilang oras at magkausap pa rin kami. I enjoyed his company kaya tumaggal ang pagu-usap namin at parang ganun din naman sya.
Alam kong lasingh na ako kasi umiikot-ikot na yung paningin ko. Pero itong katabi ko, parang walang epekto sa kanya yung alak.
"Saan at ano yung trabaho mo?" Tanong nya na ikinataas ng kilay ko. Lasing na din ata 'to eh, di nya lang pinapahalata.
"Ilang beshes mo na bang tinatanong yan?" Sabi ko na pa-pikit-pikit ang mata. KUmapit ako sa lamesa kasi parang lumilindol dito sa bar.
"Talaga? Hahaha! Di ko na matandaan" Tama nga ako, may tama na ang isang 'to. "Walang ka bang talagang kasama?" Dugtong na tanong nya.
"Alam mo para kang shi Maryel. Daldal ng daldal. Inubos mo na ata mga words sa diksyunaryo eh!" Sabi ko at tumangga ulit.
BINABASA MO ANG
S3X Zone
General Fiction[MATURE CONTENT | COMPLETED ] Tahimik ang buhay ni Maxene pero talagang nakakapagod ang buhay- lalo kung tamad ang mga kasamahan mo sa trabaho. Kaya nagdesisyon siyang magbakasyon para sandaling takasan ang realidad. Pero sa pagtakas niyang ito ay s...