A/N : Sorry for the super late update. I'm so busy with my school clearance. Anyway, Summer season na meaning bakasyon at makakapag-update na ako. Pero nakadipende yun sa internet namin. So, sana magustuhan nyo ang update ko. Sana din mag-comment kayo ng mga reaksyon nyo for the better flow of the story. Thanks!
* * *
Pagpasok pa lang naman sa office nakaramdam ako agad ng kakaibang pakiramdamㅡ Awkwardness and Tension ㅡKaya lalo akong nakaramdam ng kaba. Umupo si Mr. Gonzales sa kanyang swivel chair at padabog naman na umupo si Luke sa sofa nung opisina ng CEO pero mararamdaman mo pa rin na may konti syang kaba. Ako naman ay parang tanga na hindi alam kung saan ilalagay ang sarili. Para akong nasa pagitan ng away at hindi ko alam kung saan ako magtatago.
"Have a seat, Ms. RodriguezㅡOr should I call you Mrs. Gonzales." Mainit ang mukha ko habang umupo din sa sofa. Ipagdiinan ba naman kasi yung huli eh. Kung ako namula at nahiya, si Luke ay mukhang nainis, siguro naman alam nyo na yung dahilan.
Namayani ang katahimikan na nagpalala pa lalo sa awkwardness na nararamdaman naming tatlo. Parang gusto ko na ngang lumabas kung hindi lang iyon pambabastos.
"Uh... so, I heard 'some' of your conversation but I know that I don't heard all the details. So please tell me the whole story." Panimulang wika ni Mr. Gonzales. Pero walang nagsalita sa amin. May biglang nag-ring na phone at kay Luke iyon. Bigla syang tumayo at walang paalam na lalabas sana. Sana kasi bago pa makalabas ay nagsalita na ang tatay nya.
"Where the hell do you think you're going?" Tumigil lang sya sa paglalakad. Pero nagpatuloy din agad. Hinawakan nya yung doorknob at akma nang bubuksan nang sumigaw muli si Mr. Gonzales.
"Go back to your seat ang turned off your phone!" Inikot na niya yung doorknob kaya napatayo na si Mr. Gonzales. Pati rin ako sa di ko malaman na dahilan.
"I saidㅡ"
"We had s3x and now she's pregnant because of that fvcking hot night! Okay na ba?!" Ubod ng lakas na sigaw nya sa tatay nya. Nabigla naman ako dahil nakaramdaman ako na parang sinaksak yung puso ko.
"Yes! Pero kung umasta ka parang wala lang 'yun."
"Wala naman kasi talaga!" Sagot nya pabalik.
"Pero sa kanya, meron!" Tinuro ako ni Mr. Gonzales. Napaiwas ako ng tingin nang dumapo ang mga titig ni Luke sa akin. "Babae sya at may nawala sa kanya! Palibhasa hindi ikaw ang magdadala sa bata at magpapakahirap umire para mailuwal ang bunga nyo!" Halatang magpipigil lang ng galit ang tatay nya para hindi sya saktan sa harap ko.
"Sya lang ba ang mawawalan? Ako din! I will lost my freedom na tanging nagpapasaya sa akinㅡ" Naputol ang sasabihin nya ng putulin sya ni Mr. Gonzales
"Fvck that freedom! Mas gugustuhin mo pa bang maging malaya kaysaㅡ"
"Oo!" Putol nya sa tatay nya.
"Isipan mo naman kaming pamilya mo! Ano na lang ang sasabihin nila kapag nalaman ng ibang tao na nakabuntis ka pero kahit konti wala ka man lang pakialam!"
"Ganyan naman kayo eh! Pangalan lang mahalaga sa inyo kahit pati ako na anak nyo tatanggalan nyo ng kalayaan!" Walang-galang nyang sabi. Oo, naiintindihan ko sya sa nais nyang iparating pero masakit yun sa side ko. Ako ang babae, lalaki ang tiyan ko pag tumagal na ang bata sa sinapupunan ko at pag-nakita yun ng mga tao lalo na ng mga ka-trabaho ko dito sa opisina na nabuntis ako ng anak ng CEO, sasabihin nila malandi ako tapos kakaawaan kasi hindi ako pinanagutan ng ama ng dinadala ko. Ayoko ng ganun.
"Kasiyahan?! Kasiyahan ba tawag mo sa pambababae?"
"Oo."
"Ang immature mo pa, Luke. Bakit ba kasi hindi mo makuha yung piont ko! Hindi lang naman kasi apelyido natin ang mapoprotektahan mo kundi pati na din sya, sa mga pwede matanggap nyang panghuhusga pag nalaman ng ibang tao at ng pamilya nya na mabuntis mo tapos hindi pananagutan. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, papakasalan mo sya!"
"Hindi ko naman sya mahal eh! Bakit pinagpipilitan nyo pa? Pwede namang sustentohan na langㅡ" Pinutol syang muli ng tatay nya and it hit me. Ouch!
"You don't know what you're saying! Alam mo ba kung gaano kahirap lumaki nang walang tatay. Kahit nandyan ang nanay, maghahanap at maghahanap pa rin yan ng tatay."
"Edi magpapakilala ako. Ang kasal ay sagrado at para sa nagmamahalan lang. At hindi ko naman sya mahal kaya there's no way in hell na pakakasalan ko 'yang babaeng 'yan." That hit me again.
"Bakit minahal mo din ba 'yang mga kalandian mo? And I'm sure na marami ka nang babaeng napasok. Kaya hindi na ako magtataka kung magdagsaan ang mga babae na nanagrereklamo na na buntis mo daw!" Napailing si Luke sa sinabi ng tatay nya. Ako naman ay biglang bigla pa din sa mga nasaksihan at naririnig ko.
"Tsk! Hindi ka na nahiya sa babae, naririnig nya lahat ng mga sinasabi moㅡ"
"At naririnig nya din kung gaano mo sya itinatakwil." Seryosong pagputol nya sa anak nya.
Napayuko ako. Yes, it hurts pero tinitiis ko dahil may kasalanan din naman ako. Pero sana 'wag yung harap-harapan na ganun. Yung ipanamumukha sa akin kung paano sya nandidiri tuwing naaalala na may nangyari sa amin noon. Kung pwede ko nga lang ibalik ang panahon, binalik ko na at hindi ako dun nag-bakasyon. Hindi ko naman kasi alam na ganto ang mangyayari.
Naramdaman ko na may tumitig sa akin ng masama kaya hindi ko na sinalubong iyon. Hinayaan ko na lang syang lumabas.
Tumahimik ang buong kwarto nang umalis si Luke. Tanging ang paghinga ng malalim ni Mr. Gonzales ang pinakamalakas na maririnig mo.
"Sorry for the that, Ms. Rodriguez." Paghingi ng tawad ni Mr. Gonzales. Tumango na lang ako at nanatiling nakayuko. "And pwede ka nang umuwi. I know this day is hard for you." Pagpapatuloy nya bago naunang lumabas ng sarili nyang opisina.
Sumunod na din ako pagkatapos ng isang minuto. Agad akong naglakad sa station ko at pinipilit huwag pakinggan ang mga naririnig ko na wala namang katotohanan.
"Ninakawan nya daw ng 2 bilyon yung kumpanya."
"Hindi daw ginagawa ni Maxene yung trabaho nya. Nagfa-facebook, twitter at IG lang daw yan."
"Ninakaw nya daw yung mga gamit ng kumpanya, diba maraming stapler at mga bond papers na nawawala at nauubos agad. Sya daw yung kumuha at binebenta."
Pero may isang 'chismis' na tumama.
"Nabuntis daw ni Sir Luke."
At pagkarinig ko nun, tinakbo ko na yung station ko at nagligpit ng gamit. Hindi ko na nga pinansin yung mga tanong ni Mariel at agad lumabas ng building na 'yon.
Pagka-uwi ko, nagkulong agad ako sa kwarto ko. Hindi pa tapos ang araw pero ang dami nang nangyari. Pumikit ako at hinawakan ang tiyan ko. Biglang may pumatak na luha sa mga mata ko.
What the hell happened?
* * *
Sorry for the RUDE & BAD words.✌✌
BINABASA MO ANG
S3X Zone
General Fiction[MATURE CONTENT | COMPLETED ] Tahimik ang buhay ni Maxene pero talagang nakakapagod ang buhay- lalo kung tamad ang mga kasamahan mo sa trabaho. Kaya nagdesisyon siyang magbakasyon para sandaling takasan ang realidad. Pero sa pagtakas niyang ito ay s...