Zone Twenty Six

15.1K 187 4
                                    

Hindi ko na alam kung paano pa ako nakauwi kahit lutang ako. Hindi ko maiwasang mag-alala lalo na sa anak namin.

Pagkagising ko kinabukasan ay hindi ako agad bumangon sa kama. Ayaw ko pa. Gusto kong pigilan ang oras at laktawan na lang ang araw na ito para wala nang magawa si Kathy.

"Hindi ka pa ba babangon?" Tanong ni Luke na kanina pa din gising. Nakatalikod ako sa kanya at yakap nya ako sa likod.

Pero hindi naman pwede na humiga na lang ako doon kaya bumangon na ako.

Naging normal ang araw namin hanggang sa dumating ang hapon. May kotse na pumarada sa harap ng gate. Sabay naming binuksan ni Luke ang gate para malaman kung sino ang dumating pero kamao ang bumungad sa kanya.

Napahiga si Luke sa lupa na agad ko namang inalalayan.

"Huminahon ka nga. Pakinggan mo muna ang anak natin." Sabi ni Mommy Helena sa asawa nyang halatang galit.

Pumasok na din si Louisa at agad kaming nilapitan. Nalilito man pero alam kong si Kathy ang nasa likod nito.

Natahimik kaming lahat nang pumasok ang isang babae na may malaking damit dahil malaki ang tiyan nito. Nang magtama ang aming mata ay halata ang kasiyahan nya kahit hindi sya nakangiti o nakatawa man lang. Ilang beses ko syang pinasadahan nang tingin at kinukumpirma kung sya nga itong buntis sa harap namin.

"KㅡKathy…"

"Mag-uusap tayo Luke!" Sigaw ni Mr. Gonzales at hinila sya sa damit. Nagulat kami. Agad namang lumapit si Mrs. Gonzales para pigilan ang pagkakaladkad kay Luke.

Pumasok kaming lahat sa loob. At agad nakatikim ng suntok si Luke mula sa ama nya.

"Sabihin mo, Kathy." Medyo huminahon na si Mr. Gonzales dahil sa paghaplos ni mom.

"BㅡBuntis ako Luke. Ikaw ang ama." Sabi nito pero ako ang tinititigan. Parang binabantayan ang magiging reaksyon ko. Medyo napangiti si Kathy nang nagulat ako pati si Luke.

"WhaㅡBaog ka diba?" Gulat na tanong ni Luke.

"SㅡSorry. Nagsinungaling ako." Sabi ni Kathy at yumuko. Nakita ko ang pangiti nya kaya hindi ko na napigilan ang galit ko. Pero naunahan ako ni Louisa.

Sinabunutan nya si Kathy. Agad namang umaksyon ang tatay nila at pinigilan ang anak nya.

"Malandi ka!" Sigaw ni Louisa habang pumapalag sa tatay nya.

"She's pregnant, Louisa!" Sigaw din ni Mr. Gonzales.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang gulo ng sitwasyon. Nabuntis ni Luke si Kathy. Niloko nya si Luke. Sinabi nya kay Luke na baog sya para gawin nila yon at para mabuntis din sya. Napaka-Kathy nya talaga.

Nakaupo na ako ngayon katabi ko si Louisa na hindi pa rin makalma dahil kay Kathy. Katabi ko rin si Luke na tulala. Habang nasa harapan naming mag-asawa at ang higad.

"Explain this shit!" Sigaw ni Mr. Gonzales. Nagising tuloy sa pagkatulala si Luke.

"Tell me, Max. Alam mo bang may ganitong nangyayari?" Tanong ni Mrs. Gonzales. Hindi ako makasagot kaya napayuko ako.

"What the hell, kuya?!" Tinanggap siguro nila ang pagyuko ko na 'oo'.

"Ako na lang po ang magpapaliwanag." Singit ni Kathy. At wala na akong ginawa kundi ang yumuko habang nagsasalita sya.

"Hindi pa kasal sila Maxene at Luke ay may nangyayari na sa amin. Hindi na mabilang sa sobrang dami pero kaya namin nagawa iyon dahil nagsinungaling ako na baog ako. Hindi talaga ako baog. Umiinom ako ng pills para hindi ako mabuntis at para gawin namin iyon ni Luke. Mahal ko kasi sya. Pero nang malaman ko na buntis si Maxene at kasal na sila ay hindi ako nagpatalo. Alam ko kasi na hindi nya naman mahal si Maxene kaya nakakailan pa rin kami. At doon ko rin naisipan na itigil na ang pag-inom ng pills kaya buntis na ako ngayon. Hindi ko sinabi agad dahil natatakot ako. Kasi alam ko kabit ako. Pero alam ko mahal din ako ni Luke at alam kong papanagutan nya ang magiging anak naminㅡ"

"HINDI KITA MAHAL!" Nagulat kami sa sigaw ni Luke para kay Kathy. Hindi ko rin alam na umiiyak na pala ako. Ang sakit pala malaman sa ibang tao. Kaya pala hindi nya sinasabi iyon dahil wala syang mahal sa aming dalawa at parausan nya lang kami. Na aksidente lang kaya nya ako pinakasalan. Pero paano ngayon, buntis si Kathy. Hihiwalayan nya ba ako?

"Tutustusan na lang kitaㅡ" Naputol si Luke dahil sa ama nya.

"Ayan ka na naman sa pagtalikod mo sa mga pananagutan mo!"

"Pero kasal na ko, pa!" Sabi ni Luke at hinawakan ang kamay ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Parang nanlambot ako pero hindi tuluyang natunaw ang galit ko.

Bumitaw ako sa paghawak ni Luke kaya napalingon sya sa akin. "Ayusin mo muna yan, Luke." Pinilit ko pa ring magsalita kahit hindi ko na kaya. Umakyat ako sa kwarto namin at agad pinaglalabas ang mga gamit ko. Sumunod si Louisa at agad ni-lock ang pinto. Yinakap nya ako habang umiiyak ako at hindi namin pinapansin ang pagkatok ni Luke.

"Max! Louisa! Open the door!"

"AㅡAalis ka?" Tanong ni Louisa at hinarap na ako. Tumango ako at nagimpake na ulit. Tumulong si Louisa. Buti at natapos na namin bago pa napasok ni Luke nang tuluyan ang kwarto namin.

"Don't leave, Max." Sabi ni Luke at niyakap ako. Nakita ko si Mr. at Mrs. Gonzales sa labas at pinapanood kami.

"Magpapalamig lang ako." Sabi ko kahit gustong gusto ko din syang yakapin pabalik.

Umiiyak si Luke. First time ko yung nakita. Kaya talagang nakapanlalambot ng tuhod pero ayokong magpadala sa nararamdaman ko. Kailangan ayusin to ni Luke.

Lumakad na kami papalabas ni Louisa pero hinila ako ni Luke. Nagpumiglas ako at sa tulong ng magulang nila ay nakalis kami ni Loiusa. Pumunta ako sa kwarto ni Liam at kinuha lahat ng gamit nya. Kinuha ni Louisa ang mga gamit ni Liam. Kinuha ko si Liam sa crib at bumaba na kami.

Dumaan kami ni Louisa sa sala kung saan nakaupo ang higad na si Kathy. Nakahalukipkip pa sya at halatang nag-eenjoy sa mga nangyayari. Pero napawi ang ngiti nya nang sumigaw si Luke nang malakas na malakas na agad nagpatibok sa puso ko.

"I LOVE YOU, MAXENE. PLEASE DON'T LEAVE ME!"

Mahal din kita Luke pero may kailangan ka pang ayusin. Ayokong maging selfish. Magkakaanak ka na sa iba at alam kong dapat panagutan mo rin yun kagaya nang ginawa mo sa akin.

Hindi na ako lumingon at baka hindi ko matiis na makita syang umiiyak dahil sa pag-alis namin ni Liam at baka tumakbo ako pabalik at yakapin sya at sabihin mahal ko din sya at hindi ko sya iiwan.

S3X ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon