Zone Fourty Four

12.5K 144 0
                                    

"Pasabay na." Pagmamakaawa ni Luke sa labas. Maliligo kasi ako at kanina pa sya katok nang latok dyan at nagpupumilit na sumabay sa akin sa pagligo. Aalis kasi kami ngayon. Date kumbaga.

"Kukunin ko na lang yung susi." Sabi ulit ni Luke sa labas kaya naalarma ako. Nakahubad na kasi ako.

"Sa baba ka na lang maligo!" Sigaw ko sa loob. Nag-echo pa nga yun kaya sigurado ako na narinig yun ni Luke pero walang sumagot sa labas. Kinuha ko na yung towel at pinulupot yun sa katawan ko.

Humalukipkip ako habang nakatayo sa harap ng pintuan at hinihintay ang pagpasok ni Luke. Pero parang ang tagal kaya sumilip na ko.

Napasara ako agad nang pintuan nang makita ko sya na nakaupo sa kama habang nakabukaka. Agad kong hinawakan ang dibdib ko dahil sa nakita ko. Nakita ko na naman sya na ginagawa yun ah? Bakit kinakabahan ako?

Umiling ako at pilit inaalis sa utak ko ang nakita ko kanina lang. Napapikit pa ako nang madiin nang marinig ko ulit sa utak ko ang narinig ko din kanina.

Wala na syang suot habang nakabukaka sa kama. Yung mga kamay nya ay may kanya kanyang ginagawa. Yung isa hawak yung phone nya at yung isa ay... alam nyo na. Tapos rinig na rinig ko pa dito yung boses nang pinapanood nya. Nakatagilid yon at halatang nanonood ng video. Pero hindi lang kasi simpleng video yun. Mahilig sya dun eh.

Puro ungol ang naririnig ko at alam kong may pinapanood syang iba kaya napasara agad ako ng pintuan nun. Dagdag mo pa na napatingin sya sa akin nung sumilip ako at nakita ko sa mata nya na nage-enjoy sya sa pinapanood nya.

Napatalon ako sa gulat nang kumatok si Luke habang tumatawa. "Hinihintay mo ko?" Tanong nya.

Agad kong hinawakan ang knob para mapigilan sya sa pagpihit non pero para akong nanghina nang marinig ko ang tunog na nanggagaling sa phone nya. Nagpe-play pa?

Nagulantang na lang ako nang mabuksan na nya yung pinto at napasilip agad ako sa hawak nyang phone. At pinagsisihan ko agad yon ng makita ko na tama ang hinala ko kung ano ang pinapanood nya.

Ngumiti sya na parang may gusto syang gawin. "Gusto mong manood?" Mapangasar na sabi nya.

Pinaghahampas ko agad sya. "Manyak! Bastos!" Sigaw ko habang patuloy pa rin ako sa paghampas.

"Para namang hindi na natin to nagawa." Sabi nya kaya mas lalo akong namula. Pinagpatuloy ko lang ang paghampas sa kanya at medyo nilakasan ko kaya di ko namalayan na nahulog ang towel na suot ko. Parehas na tuloy kaming walang kahit anong suot.

Hinuli nya ang kamay ko nung napatigil ako sa paghampas sa dibdib nya. May pinindot sya kaya umi-stop ang video pero napatitig ako dahil na-pause ang video sa mukha ng lalaki. Halatang sarap na sarap sya sa pinaggagawa nya sa babae. At ilang beses ko na ding nakita na ganyan ang reaksyon ni Luke.

Dahil sa kakatitig ko dun sa screen ng phone nya kaya nahalikan nya ako sa leeg. At feeling ko ganun na din ang reaksyon ko ngayon.

Ngiting ngiti sya nang lumabas kami ng sasakyan. Tig-isa pa kami ng hawak sa kamay sa hawakan sa stroller. Habang ang isa nyang kamay ay nakapulupot sa bewang ko. Hanggang sa makapasok kami sa mall ay nagtataka pa rin ako sa ngiti nya.

Ang ganda kasi nung ngiti nya. Hindi naman kami natuloy dun sa banyo kasi pinigilan ko na sya. Ayun sa sarili nya na lang tuloy ginawa yun. Pero parang tuwang tuwa pa sya. Minsan kasi pag pinipigilan ko sumisimangot sya.

"Saan mo gusto pumunta?" Tanong nya habang lumilingon lingon. Tumigil kami sa paglalakad lakad at ang una kong nakita ay bookstore.

"Bookstore tayo." Sabi ko at tinulak ang stroller. Agad kaming dumiretso sa mga cookbooks. Nagtataka man ay sumunod pa rin si Luke.

S3X ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon