Zone Twenty One

16.6K 198 2
                                    

Maaga pa lang, nagpadala na si Mommy Helena nang gown na isusuot ko. Kulay violet ito at halatang pang mayaman dahil sa magandang disenyo nito. May mga nag-make-up din sa akin at ilang nag-ayos ng buhok ko. May sumundo din sa amin ni Luke papunta sa kung saan gaganapin ang party ni mom. Pareho lang kaming tahimik. Pero nang makarating namin ang venue na isang sikat na hotel ay hinawakan nya ang kamay ko. Hindi ko na lang pinahalata na parang nakuryente ako.

Habang naglalakad kami ay napapatingin ang lahat sa amin. Medyo yumuko ako at nagpasalamat sa bangs na nakaharang sa mukha ko. Nanliit na naman ako dahil sa mga taong bisita dito. Halatang galing sa mayayaman na pamilya. Kahit hindi naman ganun kahirap ang pamilya ko, hindi ko pa rin mapigilan mag-isip ng ganun. Lalo na at katabi ko yung soon to be CEO ng Landstate. Umupo kami sa assign seats namin at wala akong kilala sa table kundi si Luke. Hindi ko na din pinansin ang babaeng katabi ko na ilang beses na ako tinitingnan mula ulo hanggang paa. Base sa nakita ko bago kami umupo ay mas bata pa ito sa akin.

"Kuya! Hindi mo ba ako ipapakilala sa asawa mo?" Medyo malakas na sabi ng katabi ko. Nagsitinginan tuloy yung mga kasama namin sa table pati na rin yung ibang tao sa kabilang table.

"Magi-start na yung program, Louisa." Nagulat ako ng sumagot si Luke sa tabi ko. Kuya yung tinawag sa kanya diba? May kapatid sya? Di ko alam.

"Sungit mo na naman. Minsan na nga lang akong makita eh. Manang-mana ka kay dad." Umirao sya sa kuya nya na hindi naman nakatingin sa kanya. Nang mapansin nya na nakatingin ako sa kanya ay nginitian nya ako at tumingin na sa emcee na nagsimula nang nagsalita.

Pero hindi nagtagal ay inilapit ni 'Louisa' yung upuan nya sa upuan ko at bumulong.

"So, ikaw pala si Maxene. Nice meeting you ate." Sabi nya na may ngiti sa labi. "Ako nga pala si Louisa, nakababatang kapatid ni Luke. Hindi mo ako nakikita kasi dun ako sa states nag-aaral."

Napatango ako at ngumiti din. Sasagot na sana ako nang pumulupot ang mga braso ni Luke sa akin. "Mamaya na kayo mag-usap, Louisa." Sabi ni Luke at mas lumapit. Si Louisa naman ay sumimangot at medyo lumayo.

Nang magkainan na ay dinaldal na ako ni Louisa.

"Buti napagtitiisan mo yang kuya ko." Sabi nya. Hindi ko naman alam ang isasagot ko kaya ngumiti na lang ako. "Sabihin mo po sakin pag nangaliwa ah. Sisipain ko yung twitter nya."

"Twitter?" Tanong ko. Ang alam ko kasi ay website yon.

"Yung ibon. Hahaha!" Nakitawa na lang ako.

Pinakilala na din ako ni Louisa sa iba pa nilang pinsan. Masaya sila kasama. Nakalimutan ko na nga si Luke pati ang problema namin. Pero nilapitan ako ni Luke at hiniram muna ako sandali. Pumunta kami sa mommy at daddy nya na may mga kausap na ilang businessman. Nang makita kami ay agad akong nilapitan ni Mommy  Helena.

"Ang ganda mo, hija. Sabi ko na nga ba bagay sayo ang napili ko." Sabi nya at nakipag beso sa akin. Ngumiti ako at binati sya.

"Happy Birthday po." Sabi ko. "Thank you po. Nag-abala pa kayo."

"Thank you din." Sabi nya at humarap na sa mga businessman sa harap namin. "By the way, eto nga pala si Maxene R. Gonzales, ang asawa ni Luke."

Ngumiti ako at tumingin sa kanila. Hindi lang pala puro matatanda ang nasa harapan namin. May mga ilan ding mga binata na kasing edad lang ni Luke at naka tingin sila sa akin. May nakita pa nga akong kumagat labi. Mabilis naman akong inakbayan ni Luke at pinaalam na.

"Bakㅡ"

"Bumalik ka na kay Louisa." Pagputol na sa akin at medyo tinulak ako sa table nina Louisa. Tumalikod na din sya pagkatapos. Dumiretso na lang ako sa table at umupo sa tabi ni Louisa na bakante.

Maya-maya ay nagpaalam ako para mag CR. Walang tao pagpasok ko. Pumasok na ako sa isang cubicle at naghugas pagkatapos. Tumingin ako sa salamin at nagulat ako nang makita ang isang pamilyar na babae.

"Hi, Maxene." Sabi ni Kathy at lumapit sa akin. "Kumusta mapakilala bilang asawa ni Luke? Masarap ba sa pakiramdam?"

Hindi ko sya pinansin at akmang aalis na pero hinila nya ako pabalik.

"Huwag kang bastos!" Sigaw ni Kathy sa akin. "Kinakausap pa kita diba?"

"Huwag akong bastos?"  Sabi ko at bahagyang tumawa ng peke. "Ako dapat magsabi nyan sayo. Huwag kang bastos. May asawa na kinakama mo pa." Inirapan ko sya.

"Nahiya naman ako sayo. Nagpabuntis para makakuha ng pera." Pumamaywang pa sya. "Kung tutuusin ako dapat ang asawa ni Luke. Pumasok ka lang sa eksena!"

"Ang alam ko mana-mana ang tradisyon ng pamilya. Pero sino ang tagapagmana nyo kung di mo sya mabibigyan ng anak." Sabi ko at nilagay din ang kamay ko sa bewang.

Nakasimangot pa sya nung una pero ngumiti din.

"Hindi mo ko kilala." Sabi nya at nauna nang lumabas.

Naka-ilan pa akong malalim na hininga bago lumabas. Bumalik ako sa upuan ko na hindi pa rin mapalagay.

"Are you okay?" Biglang tanong ni Louisa. Napatingin din si Luke na bunalik na din pala sa upuan nya. Tumango ako at tumahimik na lang ulit ako.

At sa mga lumipas pa na oras ay pakiramdam ko may nakatitig sa akin na demonyo. Luminga-linga ako ng pasimple para hanapin iyon. Hanggang sa makita ko ulit si Kathy na may masamang ngiti. Nag-iwas agad ako ng tingin dahil feeling ko may gagawin syang masama.

S3X ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon