Tapos na akong mag-hapunan pero hindi pa dumadating si Luke. Hinintay ko sya hanggang alas nuwebe pero walang Luke na dumating. Naalala ko yung sinabi ng doktora na dapat matulog ako ng maaga. Kaya umakyat na ako sa tinulugan kong kwarto kanina na may magandang view.
Pinilit kong matulog kahit hindi sya maalis sa isip ko. Nagtagumpay naman ako ng eleven o'clock na. Hindi na ito mauulit.
"Akin na yung susi mo."
Nagising ako nang may kumalabog sa pintuan sa baba. Dahan-dahan akong bumangon at tiningnan muna ang orasan. Five o'clock pa lang ng umaga. Bumaba ako at sinilip muna ang bintana. Nakita ko si Luke na may dinidiin sa pintuan. Lumipat na ako sa pinto at kinatok ang pinto bago binuksan. Nakataas ang kilay ng babae nang tingnan ako. Sinamaan ko lang sya ng tingin at kinuha na si Luke sa mga braso nya.
Agad na yumakap si Luke sa akin ng mawalan sya ng balanse. Mabuti at na-balance ko ang bigat namin kundi pareho kaming natumba. Bumaba ang kamay nya na kanina ay nasa beywang ko papunta sa pwet ko. Pinisil nya ito na nagpadiretso sa tayo ko.
"Makakauwi ka na." Sabi ko kay Kathy at hinawi ang kamay ni Luke sa pwet ko. Sinarado ko ang pinto at agad ni-lock.
"Fuck you, girl! Hindi porket asawa ka, pwede mo na akong saraduhan ng pinto!"
"I don't care, Kathy." Sabi ko at hiniga sa couch si Luke.
"Argh! Magagantihan din kitang babae ka!" Sabi nya sabay sipa sa pinto ng malakas. Napatingin ako sa biglang paggalaw ni Luke. Nagulat sya sa pagsipa ng ma-kathy-ng yun. Napangiti ako ng konti at binuhat na si Luke papunta sa kwarto. Binuksan ko yung tatlong unang butones ng polo nya para hindi sya mainitan. Tinanggal ko din yung sapatos at medyas nya.
Pinilit kong matulog pero hindi ko na magawa. Naisip ko na lang na ayusin ang mga gamit namin sa baba na hanggang ngayon at nakakalat pa rin. Linggo na pala ngayon at walang training sa opisina si Luke. Magpapadala naman daw si Mrs. Gonzales ng mga katulong para hindi kami mapagod. Nag-ayos na ako ng konti sa sofa kaya nang seven o'clock na ay nakaramdam na ako ng gutom. Pero walang stock sa ref. kundi tubig. Kinuha ko na lang yung isang pitsel at nagsalin sa baso. Ininom ko iyon. Pero dahil wala pa akong kinain tapos nalamigan yung tiyan ko, sumakit tuloy sya.
Bumalik ako sa sofa at kinuha ang telepono para sana mag-pa-deliver ng breakfast namin. Pero may nag-doorbell kaya binaba ko na lang yung telepono. Pagkabukas ko ay nakita ko si Mang Kiko ㅡna driver ni Mr. at Mrs. Gonzalesㅡ na may dalang paperbag. Bumukas ang pinto ng kotse at nakuha ko si Mrs. Gonzales.
"Good morning! Sorry, hija. Hindi ko agad naisip na wala pa lang laman yung ref. nyo." Tumawa pa ito. Tinanggap ko na kay Mang Kiko yung paper bag at nagpasalamat.
"Sige, mauna na kami." Paalam nito.
"Sige po. Salamat nga po pala ma'am." Sabi ko na nahihiya pa.
"Call me tita or mom. Pero mas gusto ko yung mom."
"Sige po, mom." Natawa na lang sya at nagpaalam na.
Pumasok na ako dala ang paper bag. Sakto namang pababa na din si Luke. Tiningnan nya yung paper bag at tumingin ulit sa akin.
"Sino yun?" Sabi nya habang inaayos ang magulo nyang buhok. Napatingin ako sa kamay nya at naalala ang pagpisil nya sa pwet ko.
"MㅡMom mo, may dala syang breakfast." Sabi ko at pumunta na sa kusina. Sumunod sya at inagaw sa akin yung paper bag.
"Ako na." Sabi nya at hinanda na ito. Karamihan sa pinadala ni "mom" ay gulay. Kaya kahit hindi ko masyadong gusto ay kinain ko pa rin. Kailangan ng sustansya ni baby eh.
"Gusto mo bang sumama sa supermarket o maiiwan ka na lang?" Sabi ni Luke na hindi man lang ako tinignan.
"Sige. Boring dito sa bahay. Gusto kong malibang."
Naligo sya sa kabilang kwarto para mabilis ang paghahanda namin sa pag-alis. Pagkadating ay agad kaming kumuha ng kart. Hindi ko naman alam ang mga dapat bilhin kaya hinayaan ko na lang si Luke.
"Uhh... Luke, may kukunin lang ako dun." Sabi ko at tumuro sa isang side ng supermarket. Pagka-tango nya ay agad kong hinanap ang dapat kong hanapin. Kumuha ako ng isang box ng gatas para sa buntis. Bumalik ako pero nakita kong may kausap si Luke na tatlong babae. Yung isa pa nga ay blond ang buhok. Umatras ako at nagtingin-tingin na lang ng mga pwede pang bilhin. Napadpad ako sa mga ice cream. Pumili ako ng isa na hindi ko pa natitikman. Isasarado na sana nang may nagsalita.
"Wait!" Sabi nito at inagapan ang pagsasara ko. Kumuha sya nung kagaya nung kinuha ko. Nakita nya namang parehas kami ng hawak kaya tumingin sya sa akin.
"Gusto mo rin 'to?" Tanong nito at binuksan ang ice cream na hawak nya.
"First time ko pa lang." Sabi ko.
"Masarap yanㅡ"
"Babe, anong ginagawa mo dyan?" Napalingon kami sa sumigaw na ngayon ay papalapit na tulak-tulak ang kart. "Kumuha ka lang ng gatas, may kausap ka na agad." Sabi ulit ni Luke at kinuha ang box sa isang kamay ko. Hinarap nya iyon sa lalaking nasa harapan ko at pinakita ng sadya ang litrato sa box na babaeng hawak ang malaki nitong tiyan. Hinawakan nya ang kamay ko at hinila na ako sa cashier. Napatingin na lang ako sa kamay namin at inisip kung tinawag nya ba talaga ako ng "babe". Ginamit nya lang siguro yun para makauwi na kami agad.
Hanggang maka-uwi kami ay hindi na umimik si Luke. Pag-uwi namin ay may mga katulong na inaayos at nililinis ang buong bahay. Nang nakita kami ay agad na kinuha ng dalawang katulong ang hawak namin at pumunta sa kusina.
Umakyat ako sa kwarto at humiga sa kama. Gusto kong matulog. Feeling ko ang dami kong ginawa. Totoo nga yung sinabi ng doktor na madali akong mapagod. Pumasok din si Luke sa room. Pumikit na lang ako at natulog saglit.
Nagising ako nang gisingin ako ni Luke na medyo pawisan. "Kakain na." Sabi nya at lumabas ng walang pang-itaas. Sumunod ako at nakitang ayos na ang kwarto at ang buong bahay. Nakahapag na naman ang pagkain kaya kumain na ako agad.
Nasa kalagitnaan kami nang pagkain, nang mag-ring ang phone ni Luke. Pumunta sya dun sa counter kung saan nandoon ang phone nya. Sinagot nya ito at lumabas ng kusina. Tumayo ako at lumapit para marinig ko ang pinag-uusapan nila. Nagtago ako para hindi ako makita. Si Kathy ata ang tumawag eh.
"Hindi ka ba pupunta sa condo ko?" Sabi ng nasa kabilang linya.
"May sinabi ba akong pupunta ako?" Masungit na sabi ni Luke.
"Wala pero kailangan mong bumawi sa'kin! Tarayan ba naman ako ng asawa mo eh." Lumingon si Luke sa kusina at nagsimula nang maglakad pabalik.
BINABASA MO ANG
S3X Zone
General Fiction[MATURE CONTENT | COMPLETED ] Tahimik ang buhay ni Maxene pero talagang nakakapagod ang buhay- lalo kung tamad ang mga kasamahan mo sa trabaho. Kaya nagdesisyon siyang magbakasyon para sandaling takasan ang realidad. Pero sa pagtakas niyang ito ay s...