Zone Twenty Three

17.6K 221 5
                                    

Nagising ako na wala na sa tabi ko si Luke. Napansin ko na din na naka-robe na ako samantalang parehas kaming hubad nang natulog kami kagabi. Bumaba ako at pumuntang kusina dahil hula ko ay nandoon si Luke.

Pagkarating ko ay nakita ko sya na nasa harap ng stove. Wala syang suot kundi ang boxer nya. Nakatalikod sya sa akin kaya hindi nya napansin ang pagdating ko. Tinitigan ko lang sya habang nagpriprito nang kung ano. Maganda ang likod nya at halatang may mas maipagmamalaki pa kung haharap sya. Napatingin din ako sa pwetan nya na medyo bakat dahil sa manipis na suot nya. Hula ko nga wala syang underwear. Hindi ko nakita na bumakat eh.

Bigla naman syang humarap kaya napaiwas agad ako ng tingin. Hula ko namumula ako dahil sa mabilis na pagwawala nang puso ko. Ngumiti sya sa akin na parang may nakuha syang matagal na nyang pinapangarap. Ngayon ko lang sya nakitang ngumiti sa akin ng ganon kaya napatitig ako sa kanya. Hindi na tuloy ako makalma.

"Good morning, baby." Sabi nya gamit ang malanding boses.

"GㅡGood morning din." Sabi ko na hindi man lang masuklian ang ngiti na ipinapakita nya sa akin. Umupo na ako sa upuan dahil feeling ko babagsak na ang tuhod ko pag nakita ko pa ang mga muscles niya sa harap.

Nagulat ako nang sa akin sya tumabi. Napapikit tuloy ako ng mariin. Feeling ko hindi sya nagbibiro sa mga sinabi nya kagabi.

"Kain na." Sabi nya at nilagyan nya ng itlog ang plato ko. Tumango na lang ako sa kanya at hindi pa rin sya tiningnan.

Kumain na din naman sya. Pero ako ay parang walang gana. Hindi sa wala akong gana pero hindi na maalis sa isip ko yung mga nangyari at mga sinabi nya sa akin kagabi. Halos mag-flashback sila kaya minsan di ko mapigilang hindi mapatingin sa katawan nya nang pasimple habang kumakain sya.

Napansin nya siguro na hindi ako kumakain kaya medyo hinarap nya ako sa kanya.

"Bakit di ka kumakain? Ayaw mo ba nang mga niluto ko?" Sabi nya at tumitig sa mata ko. Pero napaiwas ako. Hindi ko kayang tumitig sa mata nya. Nakaka-suffocate.

"WㅡWala. May naalala lang ako." Sabi ko at binalingan na ang plato ko na halos hindi ko na ginalaw simula pa kanina.

Kumain na ulit sya pero minsan ay tumitingin tingin sa akin. Pinagpatuloy ko na lang din ang pagkain kahit medyo nakakailang ang mga titig nya.

"I promise. Lalayuan ko na si Kathy." Napatingin ako sa kanya nang inalis nya ang ulo nya sa leeg ko at tinitigan ako na parang sincere sya sa sinabi nya.

"I'm sorry sa mga nagawa ko. I…" Nag-iwas sya ng tingin pero nanatili pa rin ang titig ko sa mata nyang nakabaling sa ibang direksyon. Talagang bang si Luke itong nakapatong sa akin ngayon at humihingi nang tawad? Unbelievable.

"May masakit ba sayo? Nahihilo?" Nagising ako sa lalim ng iniisip ko. Hindi ko namalayan na napatigil ulit ako sa pagkain. Nilapit ni Luke ang upuan nya sa upuan ko at kinuha ang kubyertos ko.

"Susubuan na lang kita." Sabi nya at kumuha na ng kanin at ulam na nasa plato ko. Wala na akong nagawa kundi ang ngumanga at nguyain ang pagkain na nasa bibig ko. Nginuya ko iyon ng dahan dahan. Minsan sumusubo din sya ng pagkain pag ngumunguya ako. Gutom din ata sya pero sinusubuan nya pa rin ako.

"Ako na." Sabi ko at kinuha sa kamay nya ang kubyertos pero hindi nya hinayaan na makuha ko iyon.

"Pinagod kita kagabi kaya dapat kumain kayo ni baby. Ayokong tungangaan mo lang ang mga niluo ko." Sabi nya at kumuha ulit ng pagkain sa plato ko. Unti unti akong ngumanga dahil hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nya. Sinubo nya iyon sa akin ng dahan dahan. Parang slow motion kaya napatitig ako sa kanya habang pinapasok na nya yung kutsara sa bibig ko.

Dinilaan nya ang pinkish nyang labi at medyo namula. Napansin nya siguro ang titig ko kaya tumingin na rin sya sa akin. Sabay kaming nag-iwas dahil sa kakaibang feeling na naramdaman namin.

"Shit! I remembered when you sucked all of me." Bulong nya at medyo namula. Namula rin ako sa narinig ko. Bigla kasing nag-flash sa utak ko kung paano ako lumuhod sa harap nya at unti unting pinasok yun sa bibig ko.

Wala nang nagsalita sa amin pagkatapos nyang ibulong iyon. Pero may napansin ako sa ibaba nya. Sa boxer nya. Parang may umangat doon at gustong sumilip. Agad na akong nag-iwas nang tingin bago pa nya ako mahuli na tinitingnan yon.

Natapos kaming mag-almusal na wala na ulit nagsalita. Bakit nya pa kasi sinabi yon eh. Umakyat na agad sya sa kwarto pagkatapos. Ako naman ay hindi malaman ang gagawin. Ayoko namang sumunod sa kanya sa itaas at baka hindi ko na mapigilan na halikan sya sa labi. Taeng labi yan! Nakakapang-init.

Nanginig ako sa mga naisip ko. Ganun ba talaga pag naka tikim na? Parang gusto mo pa? Napailing na lang ako at napahiga na sa sofa. Nakahiga lang ako doon habang nakapikit ang mata.

Maya-maya nakarinig ako ng mga yabag galing sa itaas. Dumilat ako at nakita si Luke na naka V-neck t-shirt at jersey short. Medyo basa ang buhok nya kaya feeling ko naligo sya. Nakatingin sya sa robe ko na naka-angat pala dahil sa paghiga ko. Agad akong bumangon at inayos ang suot ko.

Naisip ko na maligo na lang din kaya sinalubong ko sya sa hagdanan. Hindi ako makatingin sa kanya pero sya ay titig na titig sa robe ko. Feeling ko tumatagos yung titig nya at nakikita nya ang nasa loob nito. Napabilis tuloy ako ng akyat. Bago ko pa binuksan ang pinto sa banyo ay tinanggal ko muna yung robe. Naligo ako at pilit na binura sa isip ko ang pagpapantasya ko.

Bumaba ako na suot ay puting spaghetti strap at maikling short. Nakita ko si Luke na nakasandal sa sofa at nakapatong ang mga braso nya sa taas ng sandalan nito. Nanonood sya pero bigla nyang nilipat ang channel nang mapansin ang pagbaba ko.

Umupo ako sa sofa kung saan sya nakaupo. May distansya naman kaya hindi masyadong nakakailang. Nakatitig lang ako sa TV na may ipinalalabas na drama.

"Iniisip mo pa rin ba yung mga sinabi ko kagabi?" Bumilis ang tibok ng puso ko nang i-open nya yung topic na ayaw na ayaw kong pag-usapan.

"I'm serious, Max." Kahit kabado ay tumingin pa rin ako sa kanya.

"Alam ko hindi maganda yung ginawa ko. Harap harapan kong pinapakita na may kabit ako." Yumuko sya ng konti at pinagpatuloy ang sinasabi nya. "Alam ko rin na hindi ko nagagawa ang mga responsibilidad ko sayo bilang asawa mo at tatay ng anak… natin. Pero pinagsisihan ko na yun. So, Max can you give me a second chance?"

S3X ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon