Mabilis lumipas ang panahon. Nanganak na ako at isa syang lalaki! Natatandaan ko pa kung paano namin pinagawayan ang gusto naming gender bago namin nalaman. Syempre si Luke, lalaki at babae sa akin.
At nang malaman naman namin na lalaki ay pangalan naman yung pinagawayan namin.
"Baby, Liam na lang." Pagpipilit ni Luke habang nagpapacute.
"Ayoko! Gusto ko Edison." Hindi ko alam kung saan ko nakuha yung Edison. Basta nung minsan kong narinig yun sa TV ay yun na ang gusto kong maging pangalan ng magiging anak ko.
Pero sa huli napagdesisyunan na lang namin pagsamahin ang pangalan na naisip namin.
Liam Edison Gonzales.
Nakaupo ako sa swing ngayon sa likod ng bahay namin. Hinihintay ko si Luke na umuwi. Pinag-leave na sya sa opisina pero biglang nagkaroon ng problema kaya napasugod si Luke doon kaninang umaga. Karga-karga ko si Liam Edison na natutulog sa bisig ko. Kakapanganak ko lang din nung isang buwan.
Napaangat na ang ulo ko nang marinig ko na may dumating na kotse. Pumasok na ako sa loob at sinalubong ang kotse ni Luke papasok. Lumabas sya na nakangiti pero halatang pagod sya.
"Mukhang pagod na pagod ka ah." Sabi ko kahit halata na.
"Kanina pero ngayong nakita ko na kayo… pwede na ulit tayong gumawa ng baby." Sabi nya at hinalikan ako sa lips. Gusto ko sana syang hampasin dahil sa kapilyuhan nya pero dahil karga ko si Liam hindi ko magawa.
Yumuko sya at kiniss din ang pisngi ng anak namin. Napangiti ako. Ang sarap tingnan na tanggap na ni Luke ang anak namin.
Pumasok kami sa bahay habang tinatanggal nya yung coat nya. Umupo sya sa sofa at sumandal doon.
"Kumain ka na ba?" Umiling sya kahit nakapikit. "Wait ipaghahanda kita." Sabi ko at umakyat sa itaas. Sumunod sa akin si Luke.
"Wag na. Gusto ko nang matulog." Sabi nya at yinakap ako sa likod. "Sunod ka ah."
Napailing ako habang nakangiti. Pumasok si Luke habang ako naman ay dumiretso sa kwarto ni Liam. Nilagay ko sya sa crib at hialikan sa noo.
"Goodnight, baby." Sabi ko at umalis na.
Sumunod na ako sa kwarto at nakita ko si Luke na nakadapa sa kama. Tulog na ata sya. Hindi na din sya nakapagpalit at nasa kamay nya pa yung necktie nya. Kinuha ko iyon at nilagay sa side table. Sapatos lang din ang natanggal nya kaya tinanggal ko pa yung medyas nya. Kinumutan ko din sya dahil medyo malamig.
Umupo ako sa tabi nya at hinaplos ang buhok nya na magulo. Kawawa naman si Luke. Natulog nang walang kinain.
Masaya na ako ngayon lalo na at wala nang nanggugulo sa amin ni Luke. Wala nang Kathy. Wala na yung higad na dikit ng dikit sa kanya noon. Pero di ko pa rin maiwasan na hindi magtampo. Hindi ko pa rin kasi naririnig yung tatlong salita na yun eh. Ayoko maging assuming pero yun yung pinaparamdam ni Luke sa akin nung hindi pa ako nanganganak. Tinupad nya yung pangako nya. Pinanindigan na din naman nya yung responsibildad nya. Pero kahit kailan hindi ko pa narinig na sinabi nya sa akin. Pero okay lang, alam ko sasabihin nya rin yon sa tamang panahon. Ang kailangan ko lang gawin ay maghintay.
Natigil ang paghagod ko sa buhok ni Luke nang may umilaw sa may bandang unan. Nandun yung cellphone ni Luke at may tumatawag. Unknown number lang pero sinagot ko pa rin. Baka kasi importante at baka tungkol ito sa kumpanya.
"Oh god! Thank you, Luke at sinagot mo na rin yung tawag ko. Akala ko hindi mo na ako papansinin eh. I miss you, Luke. So much. So, please magkita tayo bukas. May sasabihin ako sayong importante. Please…"
Bigla akong kinabahan nang marinig ko ang pamilyar na boses galing sa isang malantod na babae. Hindi ako sumagot. Hinintay ko pa na may idugtong sya.
"Ite-text ko na lang sayo kung saan at anong oras. Please, Luke pumunta ka." At doon na natapos ang tawag.
Nanginginig kong ibanaba ang phone mula sa tenga ko. Hindi ko mapigilang hindi maghinala. May contact pa sila? Ang alam ko nag-iba na nang number si Luke pagkatapos nyang mangako sa akin. So, paano nalaman ni Kathy ang number nya? Binigay ba ni Luke? O pinahanap talaga ni Kathy? Alam nyo naman yung babaeng yun. Napaka-Kathy.
Na-receive ko na yung text makalipas ang isang minuto.
From : +639*********
Sa Barbiq. 11 pm. Please, pumunta ka.
Nag-reply lang ako nang ok. At Dinelete na ang text nya at ang history ng tawag nya.
Kinabukusan, bago pa mag-eleven ay bihis na bihis na ako.
"Sure ka ba na hindi na ako sasama?" Tanong ni Luke habang nanonood ng action movie sa Cinema One.
"Oo. Alagaan mo na lang si Liam. Dyan lang naman ako sa E-Star babalik din ako agad. Tutulong lang ako kay Tita Grace at Jamie." Pagisisinungaling ko.
"Ingat ka ah." Sabi nya at hinalikan ako sa labi. Gumalaw ang labi nya kaya hindi ko na rin napigiliang tumugon. Tumagal iyon hanggang sa maubusan kami ng hininga. "Sige na at baka hindi ka na makatulong. Magtampo pa si Jamie." Ngumiti lang ako.
Papunta pa lang ako inatake na ako agad ng kaba. Hindi ko alam kung paano kokomprontahin si Kathy.
Nagpara ako sa harap ng Barbiq. At huminga nang malalim bago pumasok. Hinanap ko sya at nakita ko sya na nandoon sa gitna. Pabilog ang upuan don at pang maramihan pero hindi ko alam kung bakit yun ang kinuha nyang upuan gayong dalawa lang naman sila ni Luke.
Umupo ako sa harap nya na nagpapawi sa ngiti nya.
"WhaㅡWhy are you here!?" May diin na sabi nito at halatang gulat.
"Kathy, stop bothering us. Masaya na kami." Mahinahon kong sabi.
"Porket may anak kayo, masaya na agad?" Sabi nito at halatang bitter.
"Oo. Tanggap na nya ang lahat. Kaya please, sana ikaw din matanggap mo na. Mag move on ka na. Maramㅡ"
"How dare you! Anong karapatan mong sabihin sa akin yan! Ako ang nauna, nagpabuntis ka lang kaya ikaw ang pinakasalan nya!"
Tumayo na ako dahil alam kong kahit anong sabihin ko hindi na sya maniniwala. "Mahal na namin ang isa't isa. Back off, Kathy!"
"No! Hindi ko kayo hahayaang maging masaya. Humanda ka bukas, ipahanda mo na ang ambulansya ng mental para maisugod ka na nila agad pagnasabi ko na ang ikaguguho ng mundo mo!" Pagbabanta ni Kathy habang nanatili pa rin sa pag-upo.
Inatake na ulit ako ng kaba. Hindi naman sana ako matatakot kasi alam kong nandyan naman si Luke. Alam kong hindi nya kami iiwan ni Liam. May tiwala ako sa kanya. Pero kung paano i-describe ni Kathy ang sasabihin nya bukas ay sobrang nakakakaba. Parang may masisira bukas.
No, Max! Trust Luke okay? Trust him.
Umalis na lang ako at baka mapatay ko si Kathy.
BINABASA MO ANG
S3X Zone
General Fiction[MATURE CONTENT | COMPLETED ] Tahimik ang buhay ni Maxene pero talagang nakakapagod ang buhay- lalo kung tamad ang mga kasamahan mo sa trabaho. Kaya nagdesisyon siyang magbakasyon para sandaling takasan ang realidad. Pero sa pagtakas niyang ito ay s...