Zone Fifty

13.4K 150 9
                                    

"Tara na, Kuya." Yaya ni Louisa sa akin. Wala akong ganang sumunod sa kanya. Lahat naman kami walang gana at hindi lang ako.

"Pahiram na lang ako kay Liam. Para kahit papaano ay maging masaya ako sandali." Sabi ni Louisa sa akin at inilahad ang kamay nya.

Umiling ako at medyo nilayo sa kanya ang anak ko. Sumimangot na lang sya at nanahimik sa tabi ko.

"Sino pa bang hinihintay natin? Pwede namang mauna na tayo don." Sabi ko. Ayaw ko na kasi. Gusto ko na lang matulog buong araw.

"Si Andrew at Jamie." Simpleng sagot ni Louisa.

"May sasakyan naman si Andrew ah." Sabi ko.

"Nakalimutan mo na ba? Ikaw pa kaya ang nagyaya sa kanila. Diba nagpapatulong ka? Ganyan ba talaga pag nawalan ngㅡ" Natigil sya sa pagsasalita. Tumigil na sya dahil alam na alam nya na hindi ko magugustuhan ang mga susunod nyang sasabihin.

Maya-maya dumating na sila kaya sumakay na kami sa kotse na maghahatid sa amin doon sa sementeryo kung saan magaganap ang libingan.

"Ano bang klaseng tulong ang hinihingi mo sa amin?" Tanong ni Jamie sa loob ng sasakyan. Napa-iling na lang ako. Napakadaldal talaga nya.

"Ang sungit no? Excited umuwi at matulog eh." Nagtawanan lang ang dalawang babae kaya nairita ako.

"Okay ka na ba pare?" Tanong ni Andrew. Minsan lang kaming mag-usap kaya nagulat ako na ako ang kinakausap nya ngayon.

"Okay na. Ganito kasi ang buhay. Hindi ka makakausad kung ayaw mong humakbang. Nagmu-move on na ako kaya ikaw Louisa itigil mo na ang pagsasabi sa pangalan nya. Okay?" Nagulat si Louisa nang mabanggit ko ang pangalan nya. Nagdadaldalan sila ni Jamie kaya hindi nya alam kung bakit sya nasama sa sinabi ko.

"Wala." Sabi ko na lang. Para naman syang nagkaroon ng question mark sa ulo. Si Andrew naman ay tumawa na lang sa gilid.

Nang makarating na kami ay madami dami ng tao.

"Sabi ng lola ko dati, pag namatay daw yung isang tao na mabait, marami daw pupunta sa burol nya." Sinasabi yan ni Louisa habang papalapit kami sa tent. Gusto ko sanang batukan pero pinigilan ko.

Umupo kami sa harapan. May ceremony pa kaya lalo akong inantok. Nitong mga nakaraang araw kasi ay palagi ko syang naiisip. Ayaw nyang matanggal sa isip ko. Ayaw nya akong patulugin. Pati sa minsan na nakaktulog ako ay napapaginipan ko sya.

Nang matapos ang ceremony ay dumating na ang mga magulang nya. Umiiyak sila dahil sa nangyari sa anak nila. Ako naman ay parang wala lang. Sawa na akomg umiyak. Wala namang napupuntahan ang pag-iyak ko.

Pagkatapos nilang mag-paalam sa anak nila ay nagiiyak lang sila sa likod. Nang ako na ang dapat magpaalam ay pumunta ako sa harapan.

Karga karga ko pa rin si Liam na wala pa ring alam sa mga nangyayari.

Tumingin na lang ako sa mukha nya. Nakaramdam ako ng lungkot kahit papaano. Pero hindi ako pumunta dito sa harapan para iyakan at magpaalam sa kanya, pumunta ako sa harap para magpatawad. Ayoko namang dalawin nya pa ako sa pagtulog ko at sakalin nya ko. May plano pa ako bukas.

Umupo ako at tumanaw na lang sa langit. Ano kayang ginagawa nya? Hinalikan ko na lang yung noo ni Liam. Bakit nya kasi kami iniwan? Hindi ba nya gusto na alagaan si Liam? Hindi nya ba kami mahal?

Huminga na lang ako ng malalim. Para akong tanga. Ipagpapabukas ko na lang lahat ng pangungulila ko.

Nang matapos ay hindi ako agad umalis. Parang hindi ko kaya yung gusto nya.

"Let me go..."

Muntik na akong mapaluha, buti na lang tinawag na ako ni Louisa.

"Kuya!" Narinig ko ang nakainis na boses nya. Pinunasan ko muna ang papatulo na luha bago ko sila hinarap. Ang hirap pala alalahanin yun. Ang sakit...

"Saan na tayo?" Tanong ni Jamie.

"Sa malapit na Italian Restaurant." Sagot ko kaya nag-drive na ang driver papunta don.

Sumandal na lang ako sa upuan at niyakap ang anak namin. Nang makarating na kami ay dun lang ako dumilat. Naka-reserve na kami dito kahapon pa. Kaya pagkaupo namin ay nag-serve na agad sila ng mga pagkain.

"Ano na?" Tanong ni Jamie nang magsimula na kaming kumain.

"Let's eat first." Sabi ko na lang. Gutom kasi ako. Ilang araw din akong hindi kumakain simula nung...

Kumain na nga kami. At nang i-serve na yung mga dessert ay dun na ako nagsimula.

"Help me." Simple kong sabi.

"Mag-move on? Gayahin mo lang si Renz." Bitter na sabi ni Louisa. Hindi ko pa nga pala nakakausap si Renz kung bakit ang bitter nang kapatid ko sa kanya.

Hindi ko na lang pinansin ang pagiging Bitterella ni Louisa at nagpatuloy sa sinasabi ko na.

"Kailangan ko ng tulong nyo kung paano ko sya mapapapayag na makipagkita sya sa kin bukas."

Na-gets na rin naman nila agad ang sinasabi ko kaya hindi na ako masyadong nagpaliwanag.

"Gamitin mo ang anak nyo." Suhestyon ni Andrew. Napakunot ako ng noo.

"Paano?"

"Sabihin mo may nangyari sa anak mo." Sagot ni Andrew.

"Dapat kasi yung mas kapanipaniwala." Sabi ni Louisa. "Baka kasi malaman ni Ate na niloloko lang natin sya. Matalino yun eh."

Napatango kaming tatlo sa sinabi ni Louisa. Maya maya ay nag-react si Jamie kaya sa kanya naman nalipat amg atensyon namin.

"Alam ko may nabanggit sya dati sa akin na ayaw nyang magkakabulutong ang anak nya. Yun na lang ang idahilan natin."

Napangiti ako sa narinig ko. Pwede ba yun? Normal lang naman sa tao ang magkabulutong.

"Okay. Pwede na yun. Tulungan nyo na lang din ako sa venue..." Lahat ng kinakailangan ko ng tulong ay sinabi ko sa kanila. Wala namang problema sa kanila dahil para naman sa ikasasaya nya to.

Umuwi na ako sa bahay. Pinaubaya ko na lang kay Louisa si Liam.

Habang nakahiga ay hindi ko mapigilang ma-excite para sa mangyayari bukas. Miss na miss ko na sya. At feeling ko hindi na ako makakatulog ngayong gabi dahil sa nararamdaman ko.

See you tomorrow, Maxene.

S3X ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon