Zone Thirty

15.1K 163 3
                                    

Hapon na kami umuwi kahapon, ayaw pa nga sana ni mama dahil gusto nya pa maalagaan si Liam. Sinabi ko na lang na dadalaw na lang ulit kami.

At ngayon, medyo bad trip ang umaga ko dahil kay Kathy. Ang aga aga nyang tumawag para puntahan sya ni Luke. Wala namang magawa si Luke kung hindi sumunod. Sumama na din yung mga magulang nila para makausap ang magulang ni Kathy. Kaya kami lang ni Louisa at ni Liam ang naiwan sa bahay.

Nanood lang kami habang karga karga ko si Liam. Si Louisa naman ay kanina pa may kausap sa telepono. At base sa mga naririnig ko ay parang nagkakayayaan sila na pumunta sa bar mamayang gabi.

Maya-maya ay nag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko yon at chineck ang message na na-receive.

Jamie :

Max, kung free ka punta kang E-Star. Gusto makita ni mama si Liam.

Nag-reply naman ako agad.

Me :

Sige pupunta ako dyan ng mga bandang hapon.

Habang kumakain kami ni Louisa nang tanghalian ay nasabi ko sa kanya ang pagpunta ko sa E-Star.

"Pwede pong sumama? Boring kasi dito eh." Sabi nya. Pumayag naman ako. Totoo naman kasing boring lalo na at wala naman kaming pinagkakaabalahan. Tsaka wala dito si Luke.

Sabay kaming pumasok at pinakuha ko na ng table si Louisa. Ako naman ay pumasok sa loob dala dala si Liam. Nang makita ako ni Tita Grace at Jamie ay tinigil nila ang kanilang gingagawa at nilapitan ako.

"Eto na ba si Liam? Ay! Ang gwapo!" Puri ni Tita. Pinahiram ko na muna sya kay Tita Grace. Si Jamie naman ay nakatitig din.

"Mana sa tatay nya." Sabi ni Jamie. Ngumiti lang ako sa sinabi nya.

"Nandyan din ba ang asawa mo?" Tanong ni ulit ni Tita habang hinahaplos ang ulo ni Liam na konti pa lang ang buhok.

Umiling ako. "Wala po." Gusto ko sanang dugtungan na nasa trabaho kaso baka mahalata ni Jamie na nagsisinungaling ako. 'Di ko pa kasi sinasabi 'yung pagkabuntis ni Kathy. Pero balak ko na ngayong sabihin.

"Oh sige, Jamie. Samahan mo sya sa table nyo." Sabi ni Tita habang binabalik na sa akin si Liam.

Naglakad na kami palabas.

"Nga pala, Jam. May kasama ako yung kapatid ni Luke. Si Louisa." Pakilala ko nang makalapit kami sa table.

"Hi!" Batian nila sa isa't isa.

"Hi! I'm Jamie. Pinsan ni Max." Ngumiti si Louisa. Alam ko magkakasundo din sila.

"Sya ang may may-ari nito." Sabi ko. Nabigla naman si Louisa.

"So, anong order nyo? Ako na mag-aasikaso." Sabi ni Jamie na hindi pa umuupo.

"Nakakahiya naman po. Ako na lang po kaya." Sabi ni Louisa.

"Hindi okay lang." Sagot ni Jamie. Sinabi ko na yung order ko. Ganun din si Louisa. Pagkatapos ay umalis na si Jamie para kuhain ang order namin.

"Ang ganda dito." Bati ni Louisa habang iniikot ang paningin sa buong lugar. Tumango ako bilang pagsang-ayon.

Maya-maya ay dumating na ang order namin. Kwentuhan lang kami ng kwentuhan. Hindi naman umiiyak si Liam kaya wala akong problema.

"Kayo po ba nag-design dito?" Tanong ni Louisa. Tumango naman si Jamie.

"Kaming dalawa ni mommy." Sagot nya pero umangal ako.

"Tumulong kaya ako." Pag-angal ko. Totoo naman. Ako nga din ang pumili ng na lamesa at upuan na babagay sa E-Star.

S3X ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon