Zone Ten

21K 238 3
                                    

I hate it. I hate awkward. I hate what I'm feeling right now.

Nakaupo kasi ako sa loob ng kotse kasama si Luke.Hindi pa kami nakakapagusap simula nung nangyari "yun". Feeling ko nga galit sya sa akin kasi ako ang nag-uwi sa kanya. Papunta nga pala kami sa Landstate sa 'di ko malaman na dahilan. Nung nakadating na kami, biglang lumabas si Luke at iniwan na ako. Lumabas na din ako at sinundan sya. Sumakay kami sa elevator at pumasok sa kwarto ng CEO. Nakita ko ang CEO at ang asawa nya na nag-uusap pero tumigil sila ng padabog ng binuksan ni Luke ang pintuan. Ngumiti na lang sila pagkakita sa akin. Nahihiya man ngumiti na lang din ako.

"Maxene, pinaayos na pala namin yung mga gamit mo sa station mo. Kunin na lang natin mamaya pag pumunta na tayo sa departmemt mo." Malumanay na sabi ni Mrs. Gonzales. Tumango na lang ako.

Nabaling naman ang atensyon namin kay Mr. Gonzales nang kunin nya ang nagri-ring na telepono sa harap nya.

"Kumpleto na ba silang lahat?" Tanong nya sa kausap nya. Hindi ko na narinig yung kausap nya pero tumayo na sya. Ganun na din si Mrs. Gonzales at si Luke. Tumayo na din ako nung lapitan ako ni Mrs. Gonazales.

"Let's go." Sabi ni Mr. Gonazales at naunang lumabas. Sumunod kaming tatlo. Nasa mgakabilang kong gilid si Mrs. Gonzales at si Luke kaya nanliit ako.

Kinakabahan ako habang naglalakad kami sa palapag na 'yon. Lahat ng department na nadadaanan namin ay napapatigil at bumbati sa tatlo. Tapos titingin sa akin na may pagtataka.

Halos hilingin ko naman na lamunin na ako nung lupa pagkadating namin sa department ko. Hindi ako makatingin sa kanila, lalo na kay Mariel.

"Starting this day, Ms. Rodriguez is no longer part of this department. You will know soon. So, ma'am Baby, go to my room for hiring a replacement."

Gulat ang lahat sa announcement ni Mr. Gonzales. Tanggal na ako sa trabaho. Ipinaliwanag na din naman sa akin ito. Kukunin ko na sana yung kahon na naglalaman ng mga gamit ko pero inunahan na ako ni Luke.

"Pumunta ka sa conference room, hija." Sabi ni Mrs. Gonzales. Tumango ako at tinungo ang nasabing lugar.

Pagkapasok, nakita ko yung mga magulang ko. Ngumiti ako kahit sa loob-loob ko ay kinakabahan ako. I think this is the time para pagusapan at ipaliwanag ko sa mga magulang ko ang buong istorya.

* * *

Kasal - Isa sa pinakamahalaga at pinakamemorable na pangyayari sa buhay ng isang tao. Yung mahal na mahal nyo ang isa't-isa kaya naisipan nyo nang bumukod at bumuo ng sariling pamilya.

Ang saya siguro nun. Pero paano kung hindi naman kayo nagmamahalan pero napilitan pa rin kayong magpakasal. Tapos magkaka-anak pa kayo. Anong pakiramdam? Hindi ko maipaliwanag. Ayokong magpakasal, ayoko ding walang kilalaning ama ang anak ko. Gusto kong umangal pero alam kong hindi papayag ang mga magulang ko at ng mga magulang na din ni Luke.

And the moment that I start walking on the aisle, naghalo-halo na yung mga pakiramdam ko : Kaba, hiya, takot at konting... excitement. Nilibot ko yung paningin ko at tiningnan ang mga reaksyon nila. Lahat sila naka-ngiti maliban sa lalaking naghihintay sa mabagal na paglalakad ko. Hindi sya nakangiti pero nakikita ko sa mata nya na nagagandahan sya sa akin dahil sa makeup ko o assumera lamg talaga ako.

Nang makalapit ako ay sabay kaming pumunta sa harap para mabasbasan na kami bilang mag-asawa. We said our vows and I Do's hanggang umabot sa...

"You may now kiss the bride."

Tinaas nya yung belo ko. Saglit syang tumigil bago sinakop ng labi nya ang labi ko.

* * *

Hanggang reception, hindi pa rin ako makapaniwala na hinalikan nya ako sa labi. Expected ko sa cheeks lang lalo na at hindi kami "ayos". Siguro nahiya lang sya sa mga bisita. Oo, yun nga siguro.

Hinayaan nila akong makagala muna kaya kausap ko si Jamie at Mariel ngayon kasama ang ibang ka-officemate ko na hindi makapaniwala na ikanasal ako sa soon to be CEO ng Landstate.

"Kainis ka, Max! Hindi ko mo man lang ako in-inform!" Sabi nya sabay hampas ng pouch nyang kulay peach na motif ng kasal.

"Mar! Buntis yan. Huwag mong paluin!" Bulong ni Jamie kay Mariel. Naging close na sila kasi parehas madaldal. Pero dapat hindi sinabi ni Jamie. Madaldal nga kasi yang si Mariel.

"Bunㅡ"

"Shhh!" Saway namin ni Jamie.

"Huwag mo munang ipagkalat, Mariel." Saway ko kahit feeling ko kalat na ito sa susunod na linggo.

Maya-maya tinawag na ako kasi kailangan ako sa harap para sa program. Nag-message yung mga magulang namin ni Luke na nagpaluha sa akin. Nagulat naman ako ng i-comfort ako ni Luke. Nag-message din sila Jamie at iba pang kamag-anak ko ganun din sa side ni Luke.

At katulad ng plano, aalis kami ni Luke ngayong gabi para sa honeymoon kuno namin. Maliit pa lang naman daw kaya pwede pa. Kaya rin daw yun diskartehan ni Luke sa mga iba't-ibang posisyon na alam nito pagdating dun.

Nasa stage kami nung in-announce yun kaya bago pa kami makababa at makaalis, narinig na namin yung tunog na likha nang pagbunggo ng tinidor sa baso.

In one move, nangyari ang gusto nilang mangyari. His warm lips touched mine. Halos 5 seconds din yun. Ngumiti na lang ako kahit naiilang.

Pero may napansin ako bago ako maka-akyat sa private plane na sasakyan namin papuntang rest house ni Luke sa Bacolod. Nakangiti sya. Nang tuluyang nakaupo ay nalaman ko kung bakit.

"Tuwang-tuwa sila nung hinalikan kita. Pati tuloy ako nahawa."

S3X ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon