Pagdating namin sa kusina, agad na hinanda ni Mariel ang mga kakailanganin para sa mga lulutuin nya. Oo daw, mga, sya nagsabi nyan eh. Sabihin ko lang daw lahat nang gusto ko at lulutuin nya daw agad.
"Grabe ka naman. Bobondatin mo ata ako eh." Sabi ko habang tumatawa ng peke.
"Hindi naman. Gusto lang kasi kitang tulungan para kahit sandali lang makalimutan mo yang problema mo." Wika nya habang hinuhugasan yung kutsilyo.
Kahit nabanggit nya yung salitang problema, hindi nawala yung pekeng ngiti sa mukha ko. Wala naman kasing mangyayari pag umiyak ulit ako. Hindi na mababago ang mga nangyari na.
"Mag-bake ka na lang. Basta someting sweet." Tugon ko sa kanina nyang tanong. Sinenyasan nya ako na sandali lang kaya umupo muna ako sa upuan.
"Max, Sorry ubos na pala yung mgaㅡAy! Wait! May Marshmallows pa." Sabi nya at naglabas ng ilang supot ng Marshmallows, Crash Graham at Sprinkles. "Graham ball na lang."
"Graham ball?"
"Oo. Graham Ball. Sa loob yung Marshmallows tapos babalutan natin nito tsaka ng Crash Graham." Sabi nya at tinuturo isa-isa ang mga sangkap.
"Paano 'tong Sprinkles?" Tanong ko ulit.
"Gawa tayo ng chocolate tapos isasawsaw natin dun tapos sa Sprinkles ." Sagot ni Mariel sa tanong ko. Inimagine ko na yung kalalabasan. Ayun medyo naglaway ako.
"Ikaw na lang gumawa ng chocolate. Ako na sa graham." Utos ni Mariel sa akin. Sabay labas nung cocoa. Mahilig magluto at mag-baked si Mariel kaya marami kaming mga ganyan.
Tinimpla ko na yung chocolate habang ginagawa nya yung graham ball. Nung nakatapos sya agad nang isang bilog ay pinakita nya sa akin.
"Ang cute. Mukhang masarap."
"Sige, kainin mo. Try mo dyan sa chocolate. Kung okay na" Sinunod ko yung sinabi nya. Nasarapan naman ako nung tinikman ko.
Dahil nga tapos na yung chocolate. Tinulungan ko na lang sya sa paggawa. Mabilis naman akong natuto kasi madali lang kung paano gawin tsaka magaling ang nagturo sa akin. Inubos namin yung tatlong supot ng Marshmallows kaya natagalan kami sa paggawa.
Kumain kami hanggang sa magsawa kami. Yung mga natira tinago namin sa Ref.
"Ano masarap ba?" Tanong nya na halatang nasarapan sa nagawa namin.
"Sobra."
"Buti naman at nagustuhan mo." Sabi nya at uminom ulit ng tubig na malamig.
"Parang medyo nasuya ako. Inom kaya tayo?"
"Kakainom ko lang. Kunin ko ulit yung pitsel?" Sagot nya sa sinabi ko.
"No. I mean inom tayo ng alak. Sa Bar." Umiiling-iling pa ako dahil mali ang pagkakaintindi nya sa sinabi ko.
"Ah! Hahaha! Sige kung yan ang gusto mo" Kita ko sa mukha nya ang hiya. Nahihiya sya kasi pinairal na naman nya yung ka-slow-an nya.
Pumasok kami sa kanya-kanya naming kwarto at nag-ayos ng sarili para sa pagpunta namin ng bar.
* * *
Nakaupo na kami sa high stool dito sa isang bar malapit sas tinitirahan namin. At umiinom ng in-order naming cocktail. Kahit may masama akong naaalala sa mga bar na katulad nito, hindi ko pa rin natanggihan ang isip ko na pigilan ang pagsasalita upang sabihin na pumunta kami dito. In fact, parang gusto ko makita ulit yung lalaking 'yon. Pero walang ibig sabihin 'yon. Gusto ko lang makita ng malinaw kung sino sya, hindi yung lasing ako at doble yung paningin.
"Uy! Nakikinig ka ba?!" Nagitla ako sa pag-iisip ng malalim ng kalabitin ako at sigawan ni Mariel. Umiling na lang ako. Yun naman kasi ang totoo eh.
"Sabi ko, makikipagsayaw muna ako. Dito ka lang ah! I'll be back!" Pasigaw na sabi nya dahil palayo na sya sa 'kin. Himala ngang narinig ko pa ang boses nya sa lakas ng tugtog ng bar na ito. Sinundan ko ng tingin si Mariel na kasalukuyang sumasayaw na ng dirty dance with a hunk guy. Ang ganda talaga ng taste nya sa lalaki. Pogi kasi yung kasayaw nya. Dagdag mo pa ang fit na shirt nito. Bakat tuloy yung malaki't magandang katawan at mga braso nito.
Uminom ako ng isang lagok sa baso ko at agad ding binalik ang tingin ko kay Mariel pero wala na sya dun. Bagkus, isang lalaki ang nakatingin sa akin habang may kasayaw na mukhang pokpok dahil sa kapal ng lipstick nya at sa super-revealing dress nito. Balik tayo sa lalaki, kagat-kagat nya yung ibabang labi nya. Hindi ko nga alam kung inaakit nya lang ako o dahil nasasarapan lang sya masyado sa ginagawa ng pokpok na kasayaw nya at nagkataon lang na nakaharap lang sya sa akin kaya nakatitig ito sa mga mata ko. Hindi ko na lang pinansin. Hindi ko naman kailangan ng kasayaw. Ang ipinunta ko dito yung alak dahil nasuya ako.
Maya-maya, natanaw ko ulit sa Mariel sa Dance Floor na iba na ang kasayaw. Talaga itong babaeng 'to! Pero hindi yan pokpok. Masyado lang syang friendly. Haha! Tumayo ako nang makaramdam ako na kailangan ko nang magbawas. Kaya tumayo ako at tinungo ang restroom. Wala naman sigurong masama kung mag-CR muna ako saglit. Busy naman kasi si Mariel at sigurado ako na matagal pa yan bago mapagod. Napatigil ako nang may mamataan akong pamilyar na bulto. That broad shoulder, the not-so-messy hair at ang chinito eyes na malakas ang dating. I can feel my heart beating so fast.
Nagtago ako para hindi nya ako makita. Papunta din pala sya sa CR. Pagkapasok nya, nag-CR na rin ako agad. Pinakalma ko na rin ang sarili ko habang nagbabawas ako. Binilisan ko na dahil alam kong mabilis lang magbawas ang mga lalaki. Nag-abang ako sa may tabi kung saan kita kung sino ang mga lalabas sa CR. Wala pang isang minuto, nang makita ko na sya. Hindi galing sa CR kundi palabas na! Napamura ako sa isip ko. Naunahan nya ko. Hinabol ko sya kahit medyo may kalayuan. Pansin ko din ang pagmamadali nya. Agad syang sumakay sa kotse nya at nag-drive palayo sa bar. Naiwan ako sa labas na nakatanaw sa palayong kotse.
"Max! Bakit bigla-bigla kang lumabas na parang may hinahabol? May problema ba?" Tanong ni Mariel na bigla na lang sumulpot sa gilid ko.
"Nakita ko sya, Mariel." Sabi ko na naka-tulala pa rin hanggang ngayon.
"Ha? Ano? Sino? Hindi kita maintindihan" Naguguluhang sabi ni Mariel.
"Nakita ko si Kuya. Yung nagma-may-ari sa relo. Yung naka-ano ko..." Halatang nagulat si Mariel sa mga sinabi ko. Ako din naman eh. Hindi ko akalain na makikita ko sya dito.
BINABASA MO ANG
S3X Zone
General Fiction[MATURE CONTENT | COMPLETED ] Tahimik ang buhay ni Maxene pero talagang nakakapagod ang buhay- lalo kung tamad ang mga kasamahan mo sa trabaho. Kaya nagdesisyon siyang magbakasyon para sandaling takasan ang realidad. Pero sa pagtakas niyang ito ay s...