EPILOGUE
Maxene Rodriguez
Unti unti kong pinakiramdaman ang sarili ko. Wala akong maigalaw kaya nang magalaw ko ang ilang daliri ko ay tinuloy tuloy ko na. Hanggang sa maramdaman ko na ang iba pang mga parte ng katawan ko. Unti unti akong dumilat pero nasilaw ako. Habang naga-adjust ako ay may mga ingay na akong naririnig. Pamilyar sila.
Nang tuluyan na akong makadilat ay naaninaw ko na ang mga pamilyar na mga mukha nila.
"Maxene!" Tawag nila sa pangalan ko. Umiiyak na si Mama habang maluha luha naman si Mrs Gonzales. Kino-comfort lang sila ng mga asawa nila.
Nandito rin si Jamie, Andrew, Aaron, Mariel, Louisa, Renz at ang iba pang kaibigan ni Luke. Napansin ko naman ang pag-atras ni Louisa habang may kinukuha sa bulsa nya. Nakita kong nag-dial sya sa phone nya.
Hindi ko alam pero nang hindi ko sya makita ay nagtampo ako. At feeling ko si Luke ang tinatawagan ni Louisa. Napilitan lang?
"Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong sa akin nang tinawag nila na doktor. Ngumiti muna ako bago sumagot.
"Ok na po ako." Simpleng sagot ko.
"Wala ka namang nararamdamang masakit o kakaiba?" Tanong nya ulit. Umiling ako kaya nagpatuloy sya. "'Pag nakaramadam ka ng sakit, sabihan nyo agad kami. Magi-stay ka pa dito ng ilang araw para mabantayan ka pa at masigurado kung makakalabas ka na." Tumango ako.
"Pasalamat kayo at malakas ang pasyente." Narinig ko pa na sinabi ng doktor bago sila lumabas kasama ang mga magulang ko at ni Luke.
Pagkalabas ng mga matatanda ay nagsilapitan na sila sa akin.
"Buti naman at gising ka na. Pinagalala mo kami!" Papaluin na sana ako ni Jamie buti at napigilan agad ni Andrew. At doon pa lang ay may naramdaman na akong kakaiba sa kanilang dalawa. "Mag-paliwanag ka nga, please. Ang gulo eh." Dagdag ni Jamie.
Kaya kahit tinatamad pa ako ay napilitan na lang ako. Nakinig na lang sila. Patapos na sana akong mag-kwento nang may lalaking pumasok. Natigil ako sa pagkwe-kwento kaya napatingin din sila sa pumasok.
"Tara, guys." Sabi ni Louisa. Tiningnan nya sila lahat pero nang matapat ang mata nya kay Renz ay napairap sya. Gusto ko sanang tumawa pero mukhang seryoso ang pagtataray ni Louisa tsaka nandyan si Luke. Pagkalabas ni Louisa ay agad syang hinabol ni Renz. May something din sila eh.
Nang wala nang tao ay ni-lock ni Luke ang pinto. Nanghila sya ng upuan para makaupo sya malapit sa kama. Agad nyang hinawakan ang kamay ko.
"Gusto ko sana ako ang una mong makikita pagkagising mo kaso…" Panimula ni Luke. Nakatitig lang ako sa kanya habang hinihintay na ipagpatuloy nya ang pagsasalita. "I'm sorry, baby." Pero yan lang ang idinugtong nya.
Maraming minuto ang katahimikan bago sya ulit nagsalita. "Buti at nagising ka na. Sabi kasi ng doktor pag umabot ng isang buwan baka…" Hindi nya na naman tinuloy dahil iniba nya na ang topic. "Galit ka ba sa kin? Para kasing hindi ka natutuwa na nandito ako eh."
"Nasaan si Liam?" Tanong ko na lang. Nakita ko ang pagbabago ng mukha nya.
"Pinaalaga nila mama sa bahay. Ayaw nilang mag-stay si Liam dito sa ospital." Sagot nya. "Huwag ka nang mag-alala, ligtas na ang anak natin."
"Luke…" Sabi ko habang humuhugot ng hininga at lakas ng loob. "Ang dami nating naging problema at gusto ko munang magpahinga."
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong nya at halatang naguguluhan.
"Gusto ko sanang… Gusto ko munang kunin si Liam at magpapakalayo layo. Ayoko nang madamay pa ang anak ko sa mga kaguluhan na meron tayo." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
S3X Zone
General Fiction[MATURE CONTENT | COMPLETED ] Tahimik ang buhay ni Maxene pero talagang nakakapagod ang buhay- lalo kung tamad ang mga kasamahan mo sa trabaho. Kaya nagdesisyon siyang magbakasyon para sandaling takasan ang realidad. Pero sa pagtakas niyang ito ay s...