Huminga muna ako ng malalim para humugot ng konting lakas ng loob. Pero hindi ko pa tuluyang nabubuka ang bibig ko ay may dumating na na isang babae.Napalayo tuloy sa akin si Luke.
"Why are you here, Louisa?" Tanong ni Luke nang mapatingin kaming dalawa sa kanya nang sirain nya ang moment namin. Pero atleast nakahinga na ako. Masyadong kasing mabigat ang topic namin.
"'Wag kang mag-alala. Hindi ikaw ang ipinunta ko dito." Inirapan nya ang kuya nya at ako ang tinitigan. "Kundi si Ate Maxene!"
Lumapit sya sa akin at yinakap ako.
"Ang bango mo naman, ate." Sabi nya at tiningnan kami ng pabalik-balik sa buhok namin na medyo basa pa rin. "Wait… Sabay kayong naligo?!"
Agad nanlaki ang mata ko. Umiling ako at sinabayan pa nang hand gesture. "Hindi. Hindi."
"Mahina ka pala kuya eh." Bulong nya sa kuya nya pero narinig ko pa rin. Halata na sa mukha ni Luke ang pagka-irita sa presensya ng kapatid nya. Bakit ba ayaw nya sa kapatid nya. Pansin ko lagi nya itong sinusungitan.
"Ang aga aga pa, Lulu." Sabi ni Luke at ngumiti na parang may nakita syang liwanag sa kadiliman.
"Stop calling me, LULU! Louisa ang pangalan ko!" Sigaw nya at hinatak na ako papunta sa sliding door papunta sa swimming pool at playground. Umupo kami sa table na medyo malapit sa pool. Hindi naman mainit dito sa pwesto na 'to kaya okay lang.
"Bwisit talaga 'yang manyak na yun. Bakit sya pa ang naging kuya ko?" Sabi ni Louisa pagka-upo namin. Tumawa na lang ako sa sinabi nya pero agad ding tumigil dahil may naalala ako.
"Bakit ka namumula?" Medyo natatawang sabi ni Louisa. "Minanyakan ka na ba nya?" Namula ako kaya napatawa si Louisa.
"Well, mag-asawa na naman kayo kaya normal na yan." Sabi nya at tumayo. Lumapit sya sa pool. Tinanggal nya yung heels nya at nilubog ang paa nya sa pool.
"Alam mo ba na nahuli ko sya dati na nanonood ng porn sa kwarto nya?" At narinig ko ulit ang tawa ni Louisa.
"It's normal, Lulu." May narinig kaming nagsalita sa veranda kaya napalingon kami ni Louisa.
"Whatever! Sabihin mo malibog ka lang!" Sigaw nya ulit kay Luke. Napailing si Luke na medyo namumula sa sinabi ng kapatid nya. Pumasok sya sa loob kaya ibinaba ko na yung tingin ko.
Maya-maya ay may tumabi sa akin. Napalingon si Louisa dahil umingay ang upuan.
"I think It's not normal. Highschool ka pa lang nun tapos may alam ka na dun sa bagay na yun." Sabi ni Louisa at tumalikod na.
"Mas malala pa nga sakin si Renz eh." Nandoon na naman ang ngiti ni Luke na mukhang nagtagumpay. "Maraming video yun sa phonㅡ"
"SHUT UP!" Humarap si Louisa pagkasigaw nya. Namumula ang mukha nya at hindi ko alam kung bakit.
Natawa si Luke sa reaksyon ni Louisa. Kaya mas lalong namula ang mukha ng nakababatang kapatid nya.
"Marami nang na-'ganun' si Renzㅡ" Naputol ulit si Luke dahil kay Louisa.
"BLAH! BLAH! BLAH! I DON'T CARE!" Hanggang ngayon ay sobra pa rin ang pamumula ni Louisa.
Renz. Parang narinig ko na yung pangalan na yun. Siguro isa sa kaibigan ni Luke?
Biglang nag-ring ang phone ni Louisa. Kinuha nya iyon at agad na sinagot.
"Ma?" Sabi nya at tumalikod sa amin. Nag-usap sila ng isang minuto. Nang matapos ay humarap na sya sa akin. Sa akin lang.
"Aalis na po ako." Sabi nya na medyo mamulamula pa. "Ingat ka ate ah. Baka maging kambal na yang nasa loob ng tiyan mo."
Ako naman ang medyo namula sa sinabi nya. Ngumiti na lang din ako. "Sige. Ingat ka din." Sabi ko at tumayo para ihatid sya sa gate.
"Bakit inaya ka ba ni mama mag-shopping?" Sumunod din pala si Luke.
"Oo. Pero gusto ko pa sanang mag-stay eh kaso may naririnig ako na naninira sa ibang tao." Sabi nito at binuksan ang gate. Sakto namang may dumating na van. Sumakay si Louisa doon at nagpaalam muma bago sinarado ang pinto.
"Bye, Ate Max." Sabi nya at kinawayan ako. Nang umandar na ang van ay sinarado na ni Luke ang gate.
"Do you know Renz?" Tanong ni Luke at hinila na ako papasok sa bahay.
"Pamilyar lang."
"Nakita mo na sya. Diba hinatid nyo ko dati nung ayaw kong umuwi." Ngumiti sya na parang inalala ang pangyayaring iyon. "Unang punta pa lang sa amin ni Renz nung college ay nagustuhan na nya yon. Ayaw nya nga maniwala pag sinasabi kong maraming babae yon kahit totoo naman."
Bahagya lang ako natawa dahil may na-imagine ako. Na-imagine ko na maraming ding babae si Luke noon.
Nawala ako sa pag-iisip nun nang mag-ring din ang phone ni Luke na nasa sofa pala. Linapitan nya iyon ni Luke at i-end call.
"Sino yun? Baka importante." Sabi ko at sinilip ang screen.
"Hindi kailanman naging importante si Kathy." Sabi nya at kinuha ang phone nya. Nagpindot-pindot sya at hinarap sa akin ang phone nya.
Delete contact?
Yes Cancel
"Ikaw na mag-delete." Sabi nya at binigay ang phone nya sa akin. Nawiwindang man pinindot ko pa rin yung 'yes'. Pinatay na rin nya yung phone nya.
"Dahil wala nang istorbo… pwede na nating gawing kambal yang nasa loob ng tiyan mo." Sabi nya at binuhat ako na pang bridal style. Dinala nya ako sa malapit sa pool kung saan puro damo. "At dito ko gustong gawin yon."
Hinalikan na nya ako kaya hindi na ako naka-angal pa. Para ngang nawalan ng balanse si Luke nang tumugon ako sa halik nya. Medyo napa-atras sya hanggang nasa tabi na kami ng pool. Inihiga na nya ako sa tabi at tuloy pa rin ang halikan namin.
Mas naging intense ang halikan namin at nakalimutan naming nasa tabi kami ng pool. Kaya nung dapat magpapalit kami ng posisyon ay nahulog si Luke sa swimming pool.
Nagulat ako sa pagkahulog nya kaya tinulungan ko sya maka-ahon. Pero nang buhatin nya ako at ibagsak sa tubig ay hindi na ako naka-angal pa.
"Nagbago na ang isip ko. Dito na lang pala." At hinalikan nya ulit ako sa labi.
BINABASA MO ANG
S3X Zone
General Fiction[MATURE CONTENT | COMPLETED ] Tahimik ang buhay ni Maxene pero talagang nakakapagod ang buhay- lalo kung tamad ang mga kasamahan mo sa trabaho. Kaya nagdesisyon siyang magbakasyon para sandaling takasan ang realidad. Pero sa pagtakas niyang ito ay s...