Zone Thirty Four

12.8K 152 0
                                    

"Nandon ba si Luke sa bahay nila Kathy?" Tanong nya. Akala ko naman tungkol na talaga kay Kathy.

"Oo." Sabi ko at sumubo ulit. Gusto ko pa ngang sumubo ng marami. Nagutom kasi ako sa byahe eh. Kaso nakakahiya kay kuya. Sya kasi lahat nagbayad.

"Sorry sa dinulot na problema ni Kathy sa inyo." Sabi nya at seryosong seryoso na ang mukha. Hindi na nya hawak ang kubyertos na parang mahalaga talaga ang sasabihin nya. Binitawan ko na din ang hawak ko at tumingin na sa kanya. Ng seryoso. Kinakabahan na ako pero tinatago ko.

"Hindi talaga si Luke ang ama ng baby ni Kathy..." Panimula nya na ikinasabog ko. Nanlalaki ang mata ko. "Ako ang ama pero pinipilit ni Kathy na kay Luke 'yon. Pinigil nila lahat ng ginagawa ko. Gustong gusto ko na talagang sabihin sa inyo ito ni Luke pero pinapahabol na nila ako. Sa ngayon nga ay nagtatago ako." Nanlalaki pa rin ang mata ko habang mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa mga naririnig ko sa lalaking ito.

"Ngayon na ang pagkakataon kaya sasabihin ko na lahat. Ako talaga ang ama at hindi si Luke pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin kaya kailangan ko ng tulong. Gusto kong akuin yung bata at para hindi na kayo gambalain ng mga Lopez." Sabi nya.

Wala akong masabi kaya nakinig lang ako sa mga sinasabi nya. At pagkatapos na pagkatapos ay umalis na kami. Nagpa-take out na din ako para kay manong driver.

"Nga pala, anong pangalan mo?" Tanong ko habang papunta kami sa parking lot.

"Aaron. Aaron Castillo." Nakangiti na nyang sabi. Hinatid nya ako sa sasakyan kaya nagpasalamat ako.

"Wala 'yun. Ingat pala kayo." Sabi nya at kinatok ang driver. Bumaba ang salamin. "Sige, pasok ka na." Sinunod ko na sya. Nag-usap sila sandali ng driver at maya maya ay bumyahe na kami. Binigay ko na kay manong driver yung tinake-out kong pagkain.

"Salamat po, ma'am." Nahihiyang sabi ni manong driver. Ngumiti na lang ako at tumango.

Mabigat ang hininga ko nang sumandal ako sa sandalan. Hindi ko na ata kakayanin kung may mangyayari pa ngayong araw. Nag-relax ng lang ako hanggang sa makadating na kami sa bahay.

Umalis na rin ang driver pagka-hatid sa akin. Pupuntahan nya pa daw kasi si Mr. at Mrs. Gonzales.

Pumasok na ako sa bahay na medyo excited. Gusto ko nang ikalat ang balita na nalaman ko kay Aaron. Sa wakas at mawawala na sa buhay namin si Kathy.

Kaso pagkapasok ko ay may mga pictures na nagkalat. Nandito si Louisa at Luke sa sala at tinitingnan ang mga pictures na nagkalat. Pinulot ko yung isa at nagulat ako nang makita ko ang litrato ko na kasama si Aaron na naglalakad habang nakangiti. At kung hindi kami kilala ng mga makamakita ay mukha kaming may relasyon.

"Ano 'to, Maxene?!" Malakas at may diin na sigaw ni Luke. Napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kaya tumingin ako kay Louisa na halatang naguguluhan din sa mga nakita. "Ano 'to, Maxene? Bakit ka may kasamang lalaki?"

"NㅡNag lunch lang kamiㅡ" Naputol ako nang sumigaw ulit si Luke. Napapikit na lang ako nang makarinig ako ng masasakit na salita.

"Lumalandi ka? Nawala lang ako saglit may kalandian ka na agad!"

Lumapit na sa akin si Louisa at hinarap ang kuya nya.

"Kuya!" Sigaw din ni Louisa. "Kaibigan nya lang siguroㅡ"

Lumabas ako sa likod ni Louisa at lumapit kay Luke kaya natigil si Louisa sa pagsigaw. Lalaban na ako ngayon. May hawak na ako ngayon. Nahanap ko na ang butas ni Kathy.

"Hindi ko alam kung saan mo narinig 'yan pero hindi 'yan totoo! Hindi ko din alam kung saan ba nanggaling ang mga pictures na 'yan at kung sino ang kumuha nyan! May pinag-usapan kami ni Aaron tungkol kay Kathy na niloloko lang tayo!" Medyo hiningal ako nang matapos ako sa pagsasalita.

"Hindi ko maipapaliwanag ng mabuti ang lahat ngayon pero sasabihin ko na agad. Wala kang dapat panagutan kay Kathy, hindi ikaw ang ama ng anak nya. Kaya nga ako kinausap ni Aaron para sabihin 'yon. Si Aaron ang ama. At niloloko lang tayo ni Kathy."

Hindi ko maipaliwanag ang reaksyon ni Luke sa sinabi ko. Hindi ko na rin naman inintindi. Nilapitan ko na sya at agad niyakap sa bewang.

"Mahal kita, Luke. At hinding hindi ako maghahanap ng iba." Sabi ko at niyakap pa sya ng mahigpit. Naramdaman ko ang mabigat na paghinga nya habang nagsasalita.

"Explain all to me." Sabi nya at niyakap na din ako. "I'm sorry."

Humiwalay ako sa yakap nya at in-explain sa kanila ni Louisa lahat. Kita ko naman sa mukha nila na naniniwala sila sa akin at pagkagalit kay Kathy.

"Puntahan natin si Kathy ngayon." Sabi ni Luke. Sumunod si Louisa sa kuya nya na agad nang nag-martsa sa labas. Sumunod na din ako.

Habang nasa loob kami ng sasakyan ay nag-kwento si Luke kung paano sya pina-ikot ni Kathy.

"Ang tanga tanga ko." Sabi nya. Si Kathy daw kasi ang nagpakita ng mga pictures na yon. Pinasundan ako.

Pagkarating namin ay agad kaming pumasok. Nakita namin si Kathy na pinapakaladkad si Aaron palabas. "Bitiwan nyo sya." Utos ni Luke na agad sinagot ng mga guard.

"What? Bakit Luke?" Medyo galit na sigaw ni Kathy. Dumako na rin ang tingin nya sa akin. "At bakit nandito yang babaeng yan?!"

"Sinabi ko na sa kanila, Kathy." Sabi ni Aaron.

"No! Si Luke ang ama ng anak ko!" Sigaw ni Kathy. Agad namang tumawa si Louisa sa likod.

"Baliw ka na talagang babae ka!" Sigaw nya at agad na silang nagsugudan.

Hinila namin ni Luke si Louisa habang si Aaron kay Kathy.

"Fuck you! Lumabas kayo sa pamamahay ko!" Sigaw ni Kathy habang nagpupumiglas.

"Ano nangyayari?!" Sigaw agad nang kakapasok lang na gurang. Napa-irap agad ako nang makita ko ang maputi nyang mukha. "Bakit nyo sinusugod ang anak ko? Bakit kayo nandito sa pamamahay ko? Ang kakapal ng mukha! Buti hindi pa kami nakakalayo."

Agad nyang dinaluhan ang anak nya. Ang tatay naman ni Kathy ay sinuntok agad si Aaron.

Agad hinila ni Luke si Mr. Lopez at agad naman akong dumalo kay Aaron. Pumutok ang labi nya.

"Wala kang karapatang pumunta dito! Pati ikaw!" Turo nya sa aming dalawa ni Aaron.

"Meron dahil may ipinaglalaban kami." Natigilan ang lahat nang magsalita si Luke. Agad nyang tinulak ang tatay ni Kathy papunta sa anak nya at asawa nya. Nainis naman ang tatay ni Kathy kaya sumugod ito.

Umilag si Luke at hinawakan ang mga kamay nito para hindi na makasuntok ulit.

"Umalis na kayo! Bago pa ako magpatawag ng security!" Sigaw ng nanay ni Kathy. Inirapan ko sya nang dumako ang tingin nya sa akin.

Lumabas na kami kasama si Aaron. Nagmamadali kaming pumasok sa mga sasakyan namin.

"Aaron!" Nasa loob na kami ni Louisa nang isigaw ni Luke ang pangalan ni Aaron. "Sumunod ka sa 'min." Tumango si Aaron at pumasok na din sa sasakyan nya.

Agad pinaandar ni Luke ang sasakyan pagkapasok nya. Tinanaw ko rin ang kotse ni Aaron kung sumusunod ba sya sa likod. At may nakita mga akong itim na kotse na sumunod sa pagliko namin.

Iba ang direksyon na tinatahak namin kaya nagtanong ako.

"Saan tayo pupunta? Hindi ito ang daan sa bahay."

"Magpapa-DNA Test tayo." Simpleng sagot ni Luke at tinuro ang tsupon na nasa dashboard ng sasakyan nya.

S3X ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon