Zone Nineteen

16.6K 213 1
                                    

Agad akong bumalik sa upuan ko at parang hindi man lang nakinig sa usapan nila. Kumalabog na ang puso ko nang pumasok na sya sa kusina habang nakatitig ng masama sa akin. Nagpatuloy ako sa pagkain habang papalapit sya ng papalapit. At nang makalapit na sya ng tuluyan ay ibinagsak nya ang dalawang kamay nya sa lamesa. Nabitawan ko tuloy yung kubyertos sa gulat.

"Anong ginawa mo kay Kathy?" Madiin nyang sabi. Sinalubong ko yung mata nya sinagot na sya ng diretso. Hindi na ako magkukunwaring hindi ako nakinig sa usapan nila dahil wala naman akong ginawang masama sa babaeng yun.

"Pinauwi ko sya." Sabi ko at kinuha ko ulit ang kubyertos. Susubo na sana ulit ako nang hilahin nya yung kamay ko. Natapon tuloy yung kanin at ulam na nasa kutsara.

"Tinarayan mo dawㅡ"

"Hindi ko sya sinaktan." Sabi ko at umalis na sa kusina. Dumiretso ako sa labas ng bahay. Magpapalamig muna ako ng ulo.

Nakakainis yang Kathy na yan. Kung magsumbong akala mo tatay nya si Luke. Kabit lang sya, wala syang karapatan. Eto din namang asawa ko kung pagalitan ako ay parang ako pa yung kabit at sinaktan ko ang tunay at una nyang asawa.

Umuwi ako nung napagod ako kakalakad sa buong village. Buti na lang maganda dito sa Washington P. kaya medyo na relax ako.

Pumasok ako sa bahay at hindi tiningnan ang lalaking nasa sofa at nanonood ng basketball. Dumiretso ako sa kusina para sana magluto ng hapunan kasi papagabi na at kailangan ko nang maghapunan pero may pagkain na doon sa lamesa. Ininit ko na lang ito at kumain hanggang mabusog kami ni baby.

Natapos ang araw na hindi na kami masyadong nag-imikan. Ganun din ang mga sumunod na araw hanggang sa dumating ang araw na lalabas kami ni Andrew. Plano ko sana ay isama si Jamie tulad nang ipinangako ko para magkakilala pa sila. Yun ay kung papayag si Andrew.

"Hello, Andrew!" Sabi ko nang sagutin nya ang tawag ko.

"Hello, Max! Maaga pa. Gusto mong i-advance?" Sabi nya at pagkatapos ay tumawa.

"Baliw. Tatanungin ko lang sana kung pwedeng isama si Jamie. Kilala mo na naman sya diba?"

"Sure. Sunduin ko na lang kayo sa bahay nyo ng 4?"

"Ok. Thank you." Tinapos na din namin ang tawag pagkatapos.

Nag-text naman ako agad kay Jamie na makakasama sya at pumunta sya sa bahay bago mag alas kuwatro. Nag-reply lang ng "ok" si Jamie pero alam kong nagtatatalon na iyon habang sumisigaw.

Ako ang nagluto para sa tanghalian at mag-isang kumain. Tulog pa kasi si Luke. Kakauwi nya nga lang kaninang umaga. Pinagod ata ni Kathy. Tss.

Nang sumapit ang alas tres ay nag-ayos na ako. Tumambay na lang ako sa sofa at nanood ng T.V pagkatapos kong makapag-bihis habang hinihintay si Jamie at sunduin kami ni Andrew.

Maya-maya, dumating na si Jamie na hindi na mapigilang ma-excite. Parang gusto na nga nya ako yugyugin kung hindi lang ako buntis. Pero bago pa dumating si Andrew ay bumaba na si Luke galing sa  kwarto at hindi kami pinansin. Pagkapasok ni Luke sa kusina ay nagsalita si Jamie.

"Hot sana kaso taken na." Sabi nya at nakatingin pa rin sa  pinasukan ni Luke. "Ang hot nya pala sa ganun. Gulo-gulo yung buhok pati yung polo. Ikaw, Max ah, pinapagod mo sya masyado."

Umiling na lang ako sa mga sinasabi nya. Nang may bumisina sa labas ay agad kaming tumayo ni Jamie. "Ayan pa ang isang hot!" Yuyugyugin nya ulit sana ako pero naalala nya siguro na buntis ako.

Lumabas ako na hindi man lang nagpaalam kay Luke na nasa loob pa rin ng kusina. Binabalik ko lang ang pangde-dedma nya sa akin. Natigil na ang pagi-isip ko nang nakita ko na si Andrew na may malawak na ngiti. Ngumiti na lang din ako at sumakay na kami ni Jamie sa sasakyan nya.

Pumunta kami sa mall at nanood kami ng sine. Pagkatapos nun ay dun kami sa isang sikat na restaurant. Syempre in-order ko yung healthy.

"Bakit ba kayo nakahiwalay sa bahay ng mga magulang nyo? Bakit pa kayo nag-aapartment?" Tanong ni Andrew.

"Wala lang. Gusto lang namin maging independent." Sagot ni Jamie.

"Kamusta nga pala yung E-Star?" Sabi ni Andrew na medyo nagpapula ng konti sa mukha ni Jamie.

"Okay naman. Dumadami pa lalo yung orders. Pinaplano na nga namin ni mama na magtayo ng isa pang branch."

"Wow. Well, deserve nyo naman iyon. Nakailan na rin ako sa E-Star at halos  lahat na order ko na. Masasarap kasi yung gawa nyo. Kaya nga na-recommend ko na ang E-Star sa iba kong mga kakilala."

Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa habang kumakain ng tahimik. Bagay sila.

"Salamat! Makakatulong iyon sa  page-expand namin. Ita-try na rin naming gumawa ng mga bagong recipe." Mamula-mula pa rin ang pisngi ni Jamie.

"Nga pala, saan nagta-trabaho si Maxene, hindi sya sa E-Star diba?" Tanong ni Andrew.

"Sa Landstate sya pero dahil buntis, pinatigil ni Luke." Napatango na lang si Andrew sa sagot ni Jamie.

Pagkatapos naming kumain ay tumambay lang kami saglit at nagtingin-tingin. Nang medyo nakapagpahinga na kami ay pumunta na kaming arcade. Nagpa-reserve na si Andrew  sa Dance Central . Nag-try pa kami sa iba habang hinihintay maubos ang oras ng nauna sa amin. Nag-try din kami sa Tekken. Si Andrew laban sa amin ni Jamie. Ako yung nakaupo at nakatayo si Jamie sa likod ko. Pinagtutulungan namin si Andrew pero magaling sya kaya  natatalo pa rin kami.

Nang mag-sawa kami sa Tekken dahil naubos na ang mga token namin ay hinintay na namin yung Dance Central. Hindi naman ako sasayaw eh. Kaya buong oras namin ay naglaban silang dalawa. Magaling si Andrew sumayaw pero pag pang babae  ang sayaw ay hindi nya masyadong nakukuha ito dahil masyado syang matikas at malambot  si Jamie. Pasalit-salit  lang naman sila sa pagka-panalo. Mas lalo ko tuloy nakita ang pagiging bagay nila sa isa't isa.

"Kung pwede lang sana  magpagod si Maxene ay sya na ang kinalaban ko. Siguro panalo ako palagi." Sabi ni Jamie habang papalabas na kami ng mall. Nakisali pa si Andrew sa pagtawa kaya napa-irap na lang ako.

"Huwag nyo nga akong pagtulungan." Irap ko sa kanila.

Pumasok na kami ng kotse at unang naming hinatid si Jamie dahil madadaanan ito papunta sa amin.

"Thanks for the day, Max, Andrew." Sabi nya at bumaba na pero bago pa kami umalis ay nakita ko ang pag-tilt nya sa phone nya na ang ibig sabihin ay ite-text nya ako.

Hinatid ako ni Andrew sa tapat ng bahay.

"Salamat sa paghatid." Sabi ko.

"Wala yun. Sorry nga pala kasi medyo late na kita naiuwi." Sabi ni Andrew na mukhang pagod din.

"Okay lang. Ang saya nga eh. Sige pasok na ako baka lalo kang gabihin. Ingat!" Sabi ko at nagpaalam na. Hinintay ko lang makaalis ang kotse nya bago ako pumasok.

Pero sinalubong ako ng galit na mga mata ni Luke.

S3X ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon