Zone Fourteen

18.6K 213 5
                                    

Nagising na lang ako at tanghali na. Nagbihis muna kami bago sya nagluto. Nagpasundo na rin kami kay manong bangkero para makabalik sa rest house. Uuwi na kasi kami ngayong araw. Kanya-kanya na kaming impake. Kasi magkahiwalay kami ng kwarto.

Nung nasa private plane na kami, antok na antok ako kaya hinayaan na lang ako ni Luke. Alam nya kasi kung bakit hindi ako masyadong nakatulog kagabi.

Naalimpungatan ako nang marinig ko ang isang cellphone na nagri-ring. Agad na may sumagot dito para hindi maingay. Hindi ko na sana papansinin yung usapan nila pero rinig ko kasi yung boses nang kausap ni Luke sa kabilang linya.

"Kasama ko yung… asawa ko. Diba sabi ko ako ang unang tatawag?" Sabi nya agad  pagkasagot sa cellphone nya.

"Duh! Luke, kung hindi ko pa  tinanong yung pinakamalapit na kapitbahay nyo, hindi ko pa malalamanan na umalis na kayo. Hindi mo pa sinabi na wala kayo buong araw kahapon. Pinaghintay mo ko!" Hindi malinaw sa akin lahat pero sigurado ako na iisa lang yung babae na nakita ko sa kwarto at yung kausap nya.

"'Di ka ba nag-iisip? Paano kung hindi pala kami umalis, edi nakita ka nya!" Pabulong na sigaw ni Luke.

"Edi thank you dahil umalis kayo. Wait… umalis kayo na kayo lang dalawa? Huwag mong sabihing may nangyari sa inyo?" Napataas yung kilay ko. Pero agad ko ding binaba. Baka makita ni Luke.

"Yeah."

"What? Hindi porket asawa mo sya pwede nyo na yung gawinㅡ"

"She sucked mine." Namula ako sa sinagot nya sa babaeng iyon.

"Gosh, Luke! I can do it too! I can do better kung hinayaan mo lang ako."

"Pagod nga kasi ako nun." Ramdam ko na sumandal si Luke sa upuan.

"Pumunta ka na lang sa condo ko, Luke. Gagawin ko lahat ng gusto mo."

"Nakauwi ka na ba?" Naguluhan naman ako ng konti.

"Papauwi pa lang pero dumiretso ka na, please. I miss you na."

"Okay." Akala ko ibaba na nila yung tawag pero nagsalita ulit yung babae. Parang gusto ko na ngang dumilat para ibaba na ni Luke yung tawag.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong ng babae.

"Are you jealous, Kathy?" Ahh. So Kathy is the name.

"No. Bakit naman ako magseselos. Alam ko namang mas magaling ako dyan." Tumawa si Luke sa sinabi ni Kathy. "So, nasarapan ka nga?"

"Pwede na."

"Para namang first time mo pa lang naramdaman yun." Hindi ako ang first? Well, anong aasahan mo sa isang Luke Gonzales.

"Bakit kasi ayaw mong gawin ko din yun? Ilang beses na kitang inaya pero umaayaw ka." Feeling ko naka pout sya dahil sa tono ng pagsasalita nya.

"Diba sabi mo baog ka? So, hindi ka mabubuntis kahit anong gawin ko." Nagulat ako sa narinig ko. Baog si Kathy?

"Kahit na. Hindi lang naman dapat pinaparamdam, dapat pinapakain din." Natawa ulit si Luke. 'Pag ganito ang usapan, tuwang tuwa sya.

"Oo na. Ipapakain ko na sayo." Gumalaw ako ng konti at feeling ko napatingin si Luke sa akin.

"Okay. Bye" Bulong nya bago binaba ang tawag.

Kahit nakapikit ako. 'Di na ako makatulog ulit. Iniisip ko yung mga pwede nilang gawin nung babaeng ma-Kathy na yun. So, naisip ko na sundan ang asawa ko pag pumunta na sya sa condo ni Kathy.

Umuwi kami sa bahay ng mga Gonzales. Pinapagawa pa daw kasi yung bahay namin kaya dito daw muna kami pansamantala. Pinapasok nya yung mga gamit namin sa loob ng bahay. Dumiretso naman si Luke sa kwarto nya ㅡna kwarto ko na rinㅡ Sumunod ako at nakita ko sya na pumasok sa banyo. Pag labas nya, naka bihis na sya.

"Saan ka pupunta?" Kunwaring tanong ko kahit alam ko na naman kung saan sya pupunta.

"Kay… Renz." Maikling sagot nya sa akin. Lumabas na sya. Ako naman ay tumingin sa bintana. Nang nakasakay na sya sa kotse nya ay bumaba na ako at agad nagpara ng taxi nang hindi nya nakikita. Pinasundan ko iyon sa driver at nakarating na kami sa nasabing condo makalipas ang halos trenta minutos.

Hinintay ko muna syang makapasok bago ako lumabas ng taxi. Hinarang ako ng guard nung pumasok ako.

"Saan po kayo ma'am?" Tanong ng lalaki na hindi ganong katangkad. Maitim ito at malaki ang tiyan.

"Ah… KㅡKasama ko po yung lalaking naunang pumasok. Si Luke." Napatango yung guard nang sabihin ko yung pangalan ni Luke. Mukhang hindi ito ang unang pagpunta ni Luke sa condo ni Kathy ah.

Tiningnan ko yung floor na pinagbabaan ni Luke at agad sumunod dito. Nagtago ako nang makita kong nag-uusap sila. Sandali lang iyon at pumasok na sila sa loob… habang naghahalikan. Napako ang tingin ko sa pintuan na pinasukan nila.

Tinitigan ko lang iyon na parang mabubutas ito pag nanatili ang mga mata ko sa pintong iyon. Idinikit ko yung tenga ko sa pinto para makinig pero wala akong narinig na kahit ano. Tinawagan ko ang cellphone ni Luke at sumandal sa kabilang pader. Limang segundo bago nya sinagot.

"BㅡBakit?" Tanong nya agad ang narinig ko.

"Saan kayo nila Renz? Gusto kong sumunod. Boring dito sa bahay eh."

"Uhm… All bㅡboys lang kami." Nauutal na sabi nya. Pumikit ako sa narinig ko na kasinungalingan.

"Ahh… Ganun ba?"

"May kailangan ka ba?" Tanong ulit ni Luke.

Umiling ako kahit alam kong hindi nya naman nakikita. "WㅡWala. Ingat ka na lang."

Baka magkasunog dyan sa loob eh.

Ako na yung unang nagbaba sa tawag. Nag-iisip kung ano pang pwedeng magpatigil sa kanila.

Napatitig ako sa kulay pulang nandoon sa dulo ng hallway. Halatang halata ito dahil sa itim at puting kulay ng mga pader. Lumapit ako doon at tiningnan yung dalawang salita.

Fire Alarm

Luminga-linga ako sa paligid at nakitang ako lang ang tao. Hindi na ako nagdadalawang isip na pindotin iyon. Mabilis pero dahan dahan akong naglakad para mabilis akong makapunta sa elevator. Nagsisilabasan na ang mga tao at sigurado akong napatigil na ang dalawang iyon ngayon. Pumara na ako ng taxi at umuwi na sa bahay. Madiskubre man nila na wala namang sunog atleast nabitin silang dalawa. Wala na akong pakialam kung gawin nila ulit yon. Wala naman akong karapatan eh.

S3X ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon