Hindi ako agad nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa mga mata ni Luke. Mas lalo pa ata akong nabaon nang magsimula syang maglakad papunta sa akin.
"Alam mo ba kung anong oras na?" Sigaw ni Luke. "Diba sabi ni doktora, huwag kang magpapagod at magpahinga ng maaga. Pero anong ginagawa mo? Lumalandi ka pa!" Pagkatapos na pagkatapos nyang magsalita ay sinakal ko sya ng malakas.
"Lumabas lang ako! Tsaka hindi lang naman kaming dalawa. Walang malisya samin dahil nag-saya lang kami!" Sabi ko nang di ko na napigilan ang galit ko. "Mas malala pa nga ang ginagawa mo pero binabalewala ko lang kasi napilitan ka lang naman mag-pakasal sakin kasi magkaka-anak tayo!"
Nung gabing yon ay hindi ako natulog dun sa kwarto. Hindi na rin kami nagkibuan pagdating ng umaga. Umalis sya ng bahay na parang walang taong iniwan sa loob nito. Hindi ko naman dinibdib yon.
Pagdating ng hapon ay pumunta na lang ulit ako sa E-Star. Hindi na ako kumuha ng table dahil dito na kami nag-usap ni Jamie. Medyo malayo nga kami kay Tita Grace para may konting privacy.
"Loko-loko pala yang asawa mo eh." Sabi nya habang hinahalo ang tsokolate na nasa bowl.
Magsasalita sana ako nang biglang mag-ring ang phone ko. Sinagot ko ito agad. "Hello."
"Max! Busy ka ba ngayon?" Boses ni Andrew ang narinig ko.
"Hindi naman. Bakit?"
"Wala. Baka kasi nakakaistorbo ako." Sagot nya sa kabilang linya. Nakita ko na napa-tingin si Jamie sa akin. Bumuka ang bibig nya pero walang boses. She mouthed, "Sino yan?" . Ganun din ang ginawa ko at sinagot sya ng "Si Andrew." . Agad namang iniwan ni Jamie ang ginagawa nya at pumunta sa tabi ko. Talaga 'tong babaeng 'to pag may pogi, active.
"Gusto ko ulit sanang lumabas tayong tatlo nina Jamie. Pero kung busy kayo ay okay lang naman." Namula ng konti si Jamie nang banggitin ang pangalan nya.
"Si Jamie, pwede siguro pero ako hindi. Ayaw kasi ni Luke na mapagod ako eh." Pagsisinungaling ko. Hindi ko naman kailangan i-share ang problema ko sa kanya.
"Ahh... sige. Text ko na lang si Jamie." Tumango ako kahit hindi naman nakikita ni Andrew. Napansin ko ulit ang paninitig ni Jamie habang nakataas ang isang kilay.
"Sige. Bye." Pagkatapos ng tawag ay sinalubong ko ang titig ni Jamie.
"Ayaw ni Luke? Talaga?" Sabi nito na may ngiti na sa labi. "Nai-inlove na ata yung lalaking yun sa ganda mo eh."
"May babae nga diba?" Sabi ko at umirap sa kawalan.
"Buntis ka kasi kaya di ka nya magalaw pag gabi. Parausan nya lang yung babaeng yun." Sabi nya at bumalik na sa dati nyang pwesto.
"Mas mahal nya pa nga si Kathy kaysa sa akin eh." Sabi ko. Bakit di na lang si Kathy ang pinakasalan nya? Oo nga pala baog sya. Pero yun yung gusto ni Luke diba, para malaya pa sya at walang responsibilidad na dapat panagutan.
"Pero mag-aasta ba sya ng ganun kung wala ka lang sa kanya. Dumilat ka nga, Max. He's acting like a jealous husband! Gusto nya sa kanya ka lang." Sabi nya na mukhang nangangarap. "Makakahanap din ako ng ganyang lalaki." Napa-irap na naman ako.
Natahimik na lang ako sa kinauupuan ko. Di ko alam kung tama ba talaga na nagpakasal kami dahil lang nabuntis nya ako. Di naman namin mahal ang isa't isa kaya malakas ang loob nyang mambabae. Kahit di nya man sabihin ng direkta ay kabit nya talaga iyong kathy-ng yon. Kaya habang maaga pa, pipigilan ko na ang sarili ko na nahulog sa kanya.
"So, bakit mo tinanggihan ang alok ni Andrew kanina?" Tanong ni Jamie na nagpapaangat ulit ng ulo ko.
"Tama naman kasi yung sinabi ni Luke eh. Buntis ako dapat nagpapahinga lang ako."
"Pinagtatanggol mo pa yang asawa mo." Sabi nya. "Pero kung tama sya, bakit nandito ka? Magpahinga ka na."
Nagtaas muna ako ng kilay bago sumagot. "Pinagtatabuyan mo ba ko?" Tawa lang ang isinagot nya sa tanong ko. Pero maya-maya ay bigla na ulit itong bumalik sa pagiging seryoso.
"Speaking of 'pinagtatabuyan', bakit di mo itaboy yung higad na kumakapit sa asawa mo?"
Tumitig muna ako ng limang segundo sa kanya at pagkatapos ay sinagot ang tanong nya. "Wala akong karapatan." Aangal sana sya pero dumating si Tita Grace at binigyan kami ng malamig na juice.
"Mukhang seryoso ang usapan nyo ah. Oh, ayan, magpalamig muna kayo." Ngumiti kami ni Jamie at nagpasalamat.
"Hoy! Anong walang karapatan? Meron, Max. Meron! Asawa ka, asawa mo si Luke at kabit lang yang kathy-ng yun." Sabi nya pagkaalis ni Tita Grace. "Lumaban ka! Kahit huwag muna para sayo kahit para sa anak mo. Ikaw na nga nagsabi na kaya ka pumayag magpakasal ay para may tatay yang anak mo. Gusto mo bang magkaroon ng kapatid sa labas yang nasa sina pupunan mo ngayon?"
Umiling ako. "Baog daw si Kathy."
"Paano mo nalaman? Sinabi sayo ng magaling mong asawa nang harapan. Aba ang kapalㅡ"
"Chill, Jam. Narinig ko lang dati noon nung nag-uusap sila." Sagot ko.
"Basta pag-tinarayan ka, tarayan mo din. May karapatan ka, Maxene. Magkaka-anak pa nga kayo eh." Kinuha ni Jamie ang baso at uminom. Ganun din ang ginawa ko.
Hanggang sa pag-uwi ko, tinandaan ko na yung mga sinabi ni Jamie. Ako ang may karapatan dahil ako ang asawa. Kaya pag binangon ulit ako ng Kathy na yun ay babasagin ko na sya.
Pagka-uwi ko, wala pa si Luke. Kung pupunta pa sya kay Kathy ay baka madaling araw na syang umuwi o kaya umaga na. Pero nagulat ako ng umuwi sya ng mga seven at mukhang hindi pumunta kay Kathy. Hindi ko pinansin ang pagpasok nya at nanatiling nanonood pa rin ng TV. Bago sya umakyat ay may hinagis sya sa aking envelope na mabango. Binuksan ko iyon at nakita ang isang invitation. Binasa ko iyon at nakita ang pangalan ng mommy ni Luke. Birthday nya bukas at syempre imbitado kami.
Isa lang ang pumasok sa isip ko ng ibalik ko ang laman sa loob ng envelope. Hindi kami maayos ni Luke pero kailangan naming magpanggap na wala kaming problema para sa kaarawan ni Mommy Helena. Nagbuntong-hininga ako at tumingala sa second floor.
Hindi ako magaling umarte.
BINABASA MO ANG
S3X Zone
General Fiction[MATURE CONTENT | COMPLETED ] Tahimik ang buhay ni Maxene pero talagang nakakapagod ang buhay- lalo kung tamad ang mga kasamahan mo sa trabaho. Kaya nagdesisyon siyang magbakasyon para sandaling takasan ang realidad. Pero sa pagtakas niyang ito ay s...