Zone Nine

20.5K 224 1
                                    

"Max! Bakit? May nakita ka na naman?"  Habol sa akin ni Jamie.

"WㅡWala… Tara uwi na tayo." Sabi ko na pinipilit kalimutan ang nakita ko. Tatawagan ko na ba si Mrs. Gonzales? Pero hindi ko na alam kung saan na sya pumunta. Hindi na lang siguro. Baka umasa lang yung mommy nya.

Gaya nga nang sinabi ni Jamie, dumaan muna kami ng botika bago makauwi sa bahay at nung nakarating na kami ay agad nya akong tinulak sa loob ng banyo.

"Follow the instructions. Good luck." Sabi nito.

Nang isinara nya yung pinto, tinitigan ko muna yung binili namin. Huminga muna ako ng malalim at kumuha ng lakas ng loob. Kahit kinakabahan, ginawa ko pa rin ang mga procedures.

Lumabas ako ng CR na hindi pa alam ang resulta. Si Jamie naman ay agad lumapit.

"IㅡIlang guhit? Dalawa? Buntis ka ba?" Kinakabahang sabi ni Jamie. Hindi ako kumibo. Binigay ko na lang sa kanya.

Inobserbahan ko ang magiging reaksyon nya. Iba't ibang emosyon ang nakita ko. Gulat? Takot?

"AㅡAnong resulta?" Kinakabahan na tanong ko.

Binalik nya lang ulit sa akin yung bagay na nagpapakaba sa akin. Unti-unti kong tiningnan ang bagay na hawak ko ngayon at doon nakita ko ang guhit.

Dalawang guhit…

"BㅡBuntis ka nga, Max."

* * *

"Maupo kayo." Sabi ni Mrs. Gonzales. "Ses! Dalhin mo na yung mga hinanda natin kanina!"

Umupo naman ako at ang mga magulang ko. Sa harap namin ay ang mga magulang ni Luke. Pero wala sya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin sya umuuwi.

"Pasensya na kayo kay Luke. Pinapahanap na rin naman namin sya." Paghingi nang paumanhin ni Mrs. Gonzales.

Tumango na lang ang mga magulang ko na alam kong may kinikimkim na galit sa akin ngayon. 'Di ko naman sila masisisi. Ang alam nila nagta-trabaho ako at umuuwi sa apartment kasama ni Jamie. Kaya papaanong nabuntis daw ako.

Maghapon hanggang gabi, pinag-usapan nila ang mga nangyari sa amin ni Luke. Minsan lang ako nakikisali sa usapan at nananatili na lang na tahimik. Masyadong komplikado ang sitwasyon. Pati ang kasal ay pinaplano na nila kaya nag-excuse muna ako. Ayoko munang maalala ang pagtanggi ni Luke sa anak namin.

Nilibot ko na lang yung hardin na inaalagaan daw ni Mrs. Gonzales. Marami akong nakitang iba't ibamg uri ng bulaklak. Halos lahat ata ng uri meron sa hardin ni Mrs. Gonzales. Napangiti ako kait papaano.

Nawala ang ngiti ko nang tumunog yung cellphone ko na nasa bulsa. Kinuha ko ito at sinagot ang tawag ni Jamie.

"Maxene! Pumunta ka sa bar na malapit sa apartment natin. Nandito si Luke! Lasing na lasing." Pagkasalita ni Jamie, pinatay ko na agad ang tawag. Hindi na rin ako nagpaalam sa kanila.

Nagpara ako ng taxi at sinabi agad ang lugar. Sobra na rin yung binayad ko at agad pinasok ang bar na sinasabi ni Jamie.

Agad ko silang napansin dahil may isang lalaki ang parang nagwawala. Nilapitan ko naman agad sila Jamie at mga kaibigan ata ni Luke.

"Pare, ayoko pa!" Ngawa nya at uminom pa ulit.

"Luke…" Tawag ko sabay hila sa kanya. Tinabig nya naman ako. May kung ano-ano syang sinabi na hindi maintindihan pero sa tingin ko ay umaangal sya.

Tumingin ako sa mga kaibigan nya at kay Jamie bago nagsalita. "Tulungan nyo akong buhatin sya para maiuwi ko na." Sabi ko at nagsimulang akayin ang lasing na lalaki sa harap ko.

Nagkamot nang ulo yung isa at sinabing "Ayaw nya mag-pauwi sa bahay nilaㅡ"

"Halos isang linggo na syang hinahanap ng mga magulang nya. Nag-aalala na sila sa kanya. Pero kung ayaw nyo, okay lang. Kaya ko naman ata." Tumulong na din sa Jamie, pagkasalita ko. Akala ko hindi nila ako tutulungan pero gumalaw din naman yung mga kaibigan ni Luke. Yung isa, lumabas. Yung dalawa, tumulong na sa amin.

Paglabas namin nakahanda na ang isang kotse at doon isinakay namin sya. Hindi na sumama yung dalawa pa pati na din si Jamie.

"Balik ka agad, pre." Pahabol nung isa sa nagda-drive. Dalawa kami ni Luke sa likod at nakasandal sya sa akin. Maya-maya ay gumalaw sya at itinaas ang t-shirt na suot.

"Ahh! Ang init!" Ungol nito na agad kong pinigilan sa gagawin nya.

Hanggang sa makarating sila sa bahay ay wala itong bukam-bibig kundi mainit. Na naiinitan daw sya. Dalawa kami nung driver na umalalay kay Luke para maipasok sya sa bahay nya. Nagulat naman ang mga magulang ni Luke sa nakita. Agad itong tumawag ng tulong at nagpakuha ng malamig na tubig at malinis na bimpo.

Inilapag namin sya sa kama nya. Nagpasalamat naman ako sa mga tumulong pati na din sa naging driver namin.

"Walang anuman." Sagot nya bago lumabas ng kwarto. Maya-maya dumating na yung palanggana at bimpo.

"Ako na lang po." Sabi ko sa katulong na may dala nung mga inutos ni Mrs. Gonzales. Nagsasalita pa lang sana yung katulong nang dumating si Mrs. Gonzales.

"Hayaan mo na sya, Ya." Wala nang nagawa yung katulong kundi umalis.

"Mabuti at nahanap mo sya. Hindi ko na muna itatanong kung saan. Ang mabuti nakauwi na sya." Sabi nya habang tinitingnan ang anak nya.

"Sure ka na ikaw na ang maghihilamos sa kanya?" Parang natatawa nyang sabi. Tango na lang ang sagot ko. "Ingat ka na lang kahit sino kasi sa mga katulong dito ㅡmaski akoㅡ hindi sya mahawakan." Dugtong nya at iniwanan na sila nito.

Lumapit na ako sa kanya. Tinitigan ko muna yung mukha nya. Hindi ko kasi alam kung paano magsisimula. Dapat pala hinayaan ko na lang yung katulong. Inuna ko na lang muna yung mukha nya para kahit papaano ay malamigan na sya. Nung natapos ako sa mukha, hinawakan ko na yung laylayan ng t-shirt nya pero bigla nya na lang hinawakan ang mukha ko at agad na… hinalikan.

Nang magsimulang gumalaw ang labi nya ay gumalaw na rin ang labi ko. Parang na miss ko yung halik nya. Hinawakan na nya yung baywang ko at bubuhatin na sana ako pero naalala ko yung palanggana sa lap ko. Kaya naitulak ko sya. Nalaglag tuloy sya sa kama nya.

Nung bumangon sya ay parang nagising ang kanina nyang lasing na diwa. Tiningnan nya yung hawak ko na bimpo at palanggana na nasa lap ko.

"Labas na. Maliligo na lang ako." Sabi nito at tumayo na.

Ganon din ang ginawa ko. Tumayo na ako at palabas na pero may nakita pa ako bago makalabas ng kwarto nya. Hinubad nya yung t-shirt nya kaya nakita ko yung katawan nya.

Kinakabahan akong lumabas ng kwarto nya. Inaaway ko na rin ang sarili ko kasi may pilit na nagsasalita sa utak ko na sinasabing…

Nakita mo na yun…

Nahawakan mo na yun…

Natikman mo na yun…

"Oh my god! Stop it!"

S3X ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon