Zone Fourty One

12.9K 143 1
                                    

"Baby..." Nagising ako nang may maramdaman akong nakakakiliti sa leeg ko. Hinawakan ko ang ulo ni Luke para ilayo sa akin. Nakikiliti ako sa buhok nya.

"Sasamahan mo pa ko sa office diba?" Bulong ulit ni Luke kaya napabangon na ako. Nakalimutan ko na ang pagsama ko sa kanya don. Inaantok pa kasi ako. Nakaubos na naman sya. Marami na naman akong itatapon.

Kahit walang damit, pumasok na ako sa banyo. Naghilamos ako at nag-toothbrush. At nakatitig lang si Luke sa akin habang ginagawa ko yon. Nakahubad din sya kaya hindi lang sya ang nag-eenjoy na tumingin sa mga repleksyon namin sa salamin.

Nang matapos ako ay agad nya akong nilapitan at niyakap. "Inaantok ka pa?" Tanong nya.

"Nangaasar ka ba?" Masungit kong sabi sa kanya. Tumawa lang sya at hinila na ako palabas sa banyo.

"Pwede naman gisingin pa kita. Kaso male-late tayo. Pero okay lang din naman yon. Maiintindihan ni papa yun." Sabi nya habang hinahalikan na ang batok ko.

"May pinagmanahan ka pala." Sabi ko. Akala mo masungit pero wild sa kama. Lumipat yung kamay nya sa dibdib ko at sinimulang paglaruan yon. Nagpaubaya lang ako pero nang may marinig kaming iyak ay natigil kami. Si Liam!

Kahit walang damit, lumabas ako ng kwarto at pinuntahan si Liam. Kinarga ko agad ang anak ko na umiiyak.

"Dapat nagbihis ka muna. Paano kung may tao pala tapos nakahubad ka." Sabi ni Luke na naka-boxer na.

"Wala namang tao." Sabi ko habang pinapatahan ang anak namin. Lumapit sa amin si Luke at kiniss ang noo ni Liam.

"Kiss mo din." Sabi nya na agad kong sinunod at maya maya ay natigil na sa pag-iyak si Liam.

"Tingnan mo. Pati si Liam ayaw akong napapagod." Sabi ko. "Kaya magpigil ka na. Lagi nang iiyak si Liam tuwing hahalikan mo ko."

Umiling lang sya at bumalik na sa kwarto. Inilapag ko na ulit si Liam sa higaan at aalis na sana nang hagisan ako ni Luke ng damit.

"Magbihis ka na nga muna." Sabi nya. Ngumiti lang ako dahil alam kong nagpipigil na sya.

"Pinagbigyan lang kita ngayon kasi may importante pa tayong dapat ibunyag. Humanda ka sa susunod na araw, Max. Magli-leave ako." Banta sa akin ni Luke. Hindi ko alam pero medyo na-excite ako.

Hindi na kami nag-almusal dahil wala naman kaming pagkain. Sabay kaming naligo ni Luke pero wala namang nangyari maliban sa sya ang nagpaligo sa akin. Nauna akong lumabas at nagtagal pa sya doon.

Maya maya kinatok ko sya. "Ano bang ginagawa mo? Ang tagal mo."

"AhhㅡSandali lang." Sabi ko na nga ba. Nakumpirma ko kung anong ginagawa nya dahil sa boses nya. Halatang nagpaparaos.

"Akala ko ba nag-iipon ka?" Tanong ko sa kanya paglabas nya. Gets naman nya agad at walang kahiya hiyang sumagot sa akin.

"Anong silbi ng mga naipon ko kung may nakaharang naman na condom?" Matigas na sabi nya.

Tumawa ako para maasar sya. "Family planning nga kasi." Sabi ko.

"Isang libong anak. That's my plan." Sagot nya.

"Magpasalamat ka na lang at pinagbibgyan pa kita." Sabi ko at tinuloy na ang pagbibihis. Nag make up ako para hindi naman nakakahiya. Si Luke naman ay nagbihis na ng office attire nya. Sya na din ang kumuha kay Liam sa kwarto at binihisan ng maayos.

Mabilis lang kaming nakarating sa opisina dahil wala namang masyadomg traffic pag-umaga. Dumiretso kami sa office ni Mr. Gonzales dahil nandoon sila. Pero hindi pa kami nakakapasok ay may naririnig na ako na sumisigaw na babae. Kilala namin ni Luke ang boses na yon kaya agad na kaming pumasok.

Nandoon si Mr. at Mrs. Gonzales. Pero may dalawang tao kaming hindi inaasahan. Si Kathy at si Aaron.

Lahat sila nakatingin sa amin pagkapasok namin. Agad namang nag-alab ang mga mata ni Kathy nang makita ako.

"Sinungaling sila! Pineke nila 'to! Pinagplanuhan nyong lahat ito!" Umalingawngaw sa loob ng kwarto ang sigaw ni Kathy. Halos maputol ang mga ugat nya sa leeg sa lakas ng pagkakasigaw nya.

"Ikaw ang sinungaling, Kathy." Sabi ni Luke at inabot nya ang isa pang envelope. Napansin ko din na may hawak na silang isang envelope. Yun yung mga resulta nang DNA.

"I'm so dissapointed." Sabi ni Mr. Gonzales. "Kilala ang pamilya nyo sa isa sa pinakamagaling maghawak ng bussiness pero ano to? Pinaikot nyo lang kami. Wala kang karapatan sa anak ko."

"No! Huwag kayong maniwala! Anak to ni Luke!" Desperadang sabi ni Kathy. Tumingin sya sa 'kin kaya napaatras ako. Agad nya akong sinugod kaya agad din akong kumilos. Pero naabot nya pa din ang dulo ng buhok ko.

Agad naman nilang pinigilan si Kathy pero lalong humihigpit ang pagkakasabunot nya sa buhok ko.

Natigil lang ang pagsabunot nya sa akin nang dumating ang mga magulang nya. Agad syang yumakap sa nanay nya.

Hinila na ako ni Mrs. Gonzales sa tabi nya at inayos ang buhok ko. "Ayos ka lang ba?" Tanong nya. Tumango lang ako dahil nabibigla pa rin ako sa mga nangyayari.

"Bakit nyo ba pinagtutulungan ang anak ko?" Sigaw ng tatay ni Kathy.

"Wala kang karapatan magsalita nang ganyan. Sya pa nga ang unang nanakita. Sa tunay na asawa pa!" Sigaw pabalik ng tatay ni Luke. "Oh! Paano nyo ipapaliwanag yan!" Tapos hinagis nya yung dalawang envelope. Pinulot yun ng mag-asawa at tiningnan ang resulta.

"Pineke nyo 'to!" Sigaw nung nanay. Umiling iling na lang yung tatay.

"Tama na nga, honey! Huwag na nating kunsintihin ang anak natin. Sya lang ang masasaktan." Sabi ng tatay at hinila na ang mag-ina nya palabas. Tiningnan lang ako ni Aaron at lumabas na din.

Nilapitan ako ni Luke at hinawakan ang buhok ko. "Hindi ko na hahayaang magulo pa tayo ni Kathy, Max. Hindi na." Sabi nya at yinakap na kami ni Liam.

"Mabuti pa, ipahinga nyo na lang ang araw na 'to, Luke." Tumango lang si Luke at hinila na ako palabas.

Lahat ng empleyado ay nakatigin sa amin habang nagbubulong bulungan. Sasakay na sana kami sa elevator ng sumigaw si Luke.

"Back to work." Na-gets agad yun ng mga empleyado at nagsibalikan na sa kanilang mga station.

Agad na kaming sumakay sa kotse. Pero bago pa ako makapasok ay may mga mata akong nakita na nakatitig sa anak ko.

S3X ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon