Zone Fourty Seven

10.7K 145 1
                                    

"Kunin nyo na lahat ng mga kailangan nyo. Unahin nyo na yung passport." Nagising ako sa pagkakatulog nang makarinig ako ng mga boses sa baba. Agad akong tumayo at kinuha ang kutsilyo. Nagtago muna ako sa veranda at kinalat ang kurtina.

Maya-maya may pumasok na sa loob ng kwarto. Sumilip ako at nakita ko si Kathy. Gulat sya sa nangyari sa kwarto nya kaya napasigaw sya.

"DAD!" Sigaw nya kaya nag-akayatan ang mga magulang nya. Pagkakita ko sa nanay nya ay gusto ko na sanang lumabas pero napigilan ko. Huwag padalos dalos, Max.

Hawak nang nanay ni Kathy ang anak ko. Hinawakan ko ang hawak kong kutsilyo. Wala naman talaga akong balak pumatay. Panakot ko lang 'to. Pero ngayong kitang kita ko kung paano nila angkinin ang anak ko ay mukhang magkakasala ako.

"Huwag mo na alalahanin yang mga yan. Kunin mo na yung passport mo para makatakas na tayo." Tapos umalis na ang mag-asawa na dala ang anak ko.

"Kathy..." Tawag ko sa kanya gamit ang sobrang lamig na boses. Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at agad pinulupot ang kamay ko sa leeg nya. Tinutok ko ang kutsilyo sa kanya. "Sisigaw ka o..." Nilapit ko pa ang kutsilyo kaya napasarado agad sya nang bibig.

"Ibigay mo ang anak ko." Sabi ko. "Tawagin mo ang nanay mo."

"Mom!" Medyo nanginginig na sabi ni Kathy.

Nakatitig ako sa pintuan at hinihintay ang pagdating ng nanay nya. Nang makapasok ay agad akong inatake ni Kathy. Napalayo tuloy ako sa kanya.

"Takbo, mom!" Sigaw nya at tinulak sila palabas. Hindi naman ako makapapayag na hindi ko makuha ang anak ko ngayon abot kamay ko na sya kaya hinabol ko agad sila.

Natawa pa nga ako ng kaunti kasi kabaligtaran ito ng panaginip ko. Ako na yung humahabol. At kung nasaksak ako dun sa panaginip ko, ngayon ako yung mananalo.

Pumasok si Kathy sa isang room pero hindi ko sya hinabol. Wala naman sa kanya si Liam, nasa nanay nya. Tumakbo palabas ang nanay at ngayon ay nakasunod na ang tatay sa akin. Nang makalabas na din ako ay agad kong ni-lock ang pinto.

Hinabol ko ang nanay ni Kathy kahit wala na ako masyadong lakas. Nang makadating kami sa dulo ng village ay wala nang nagawa ang nanay ni Kathy kung hindi ang harapin ako.

"HㅡHuwag kang lalapit!" Sigaw nya. Nagmamatapang lang sya pero ang totoo ay sobra ng nangingnig ang tuhod nya.

"Ibigay mo yang anak ko at mananatiling buo ang pamilya mo." Sagot ko habang naglalahad ng kamay.

Hindi sya sumagot at nakita ko na lang na nakangiti na sya habang nakatanaw sa likod ko. Lumingon ako at nakitang may papalapit na kotse. Kotse nila Kathy.

Agad silang lumabas ng tatay nila. Kaya tumakbo na ako sa nanay ni Kathy na manghang mangha sa pagpasok ng mag-ama nya sa eksena.

Tinutok ko sa kanya ang kutsilyo kahit braso nya lang ang hawak ko dahil medyo nakapalag sya. Nahila ko nga lang ang buhok nya kaya nahabol ko pa sya.

"Don't you dare, Maxene!" Sigaw ni Kathy at tinutok sa akin ang baril na hawak nya. Nagulat man pero mas tinatagan ko ang loob ko. Tumingin ako sa batang karga ng nanay ni Kathy. Si Liam... ang anak ko.

"Sigurado ako galit sayo si Luke dahil pabaya kang ina!" Sigaw ulit ni Kathy at unti unting lumapit.

"Ikaw ang pabayang ina! Nasaan ang anak mo ngayon? Iniwan mo kay Aaron! Dahil hindi mo kayang tanggapin ang anak mo dahil hindi si Luke ang ama!" Sigaw ko pabalik. Isa yan sa mga narinig ko sa labas ng pintuan.

"Wala kang pakialam!" Sagot nya sa kin.

Lalo akong nagalit. Baliw na tong babaeng 'to.

"Bitawan mo na yang nanay ko o ipuputok ko sayo to?"

Hindi ako gumalaw. Hindi na ako natatakot sa kanila. Ako ang nasa tama kaya ako ang magwawagi.

"Isa lang ang gusto ko..." Panimula ko. "Ibigay nyo lang sa akin ang anak ko at hindi na namin kayo kakasuhan."

"Oo na." Sabi nang nanay ni Kathy. Nagulat kaming lahat sa sinabi ng nanay nya.

"Mom! Are you crazy?!" Tanong agad ni Kathy.

Pero hindi pinakinggan ng nanay ni Kathy ang anak nya. Humarap sya sa akin at nilahad sa akin ang anak ko. Kinuha ko sya at pagkatapos nun ay pinakawalan ko na sya. Umaatras sya pero naka harap pa rin sa akin.

Yinakap ko ang anak ko at hinalikan sa noo. "I'm so sorry, baby." Sabi ko.

"Pero dahil hindi ako baliw o tanga..." Sabi bigla ng nanay ng Kathy. "Tumakbo ka na bago pa kita paliguan ng bala!"

Hindi ko agad nakuha ang ibig sabibin nya kaya napatunganga lang ako dun. Pero nang magsimula na syang mag-bilang ay tumakbo na ko. Para sa anak ko.

"Hanggang sampu lang 'to. Isa..." Pagsisimula nya at inagaw.pa ang hawak na baril ni Kathy.

Tumakbo na ako. At inis na inis ako kung bakit ang laki laki ng village na ito. Kung saan saan na ako sumuot para mailigaw ko sila. Maya-maya nakarinig ako ng isang putok. Tapos na ata ang bilang nya.

Mas binilisan ko na ang takbo ko. Pero napagod din ako. Wala na akong lakas. Wala pa akong kain. Pero sa tuwing titingnan ko si Liam na wala pang malay na nasa panganib ang buhay ko ay nabibigyan ako ng konting lakas. Konting pag-asa. Konting liwanag.

Natatanaw ko na ang gate sa malayo. At halos manlumo na din ako. Eto na malapit na ako.

"MAXENE!" Hindi na ako lumingon sa likod ko. Alam ko na sila yan at baka naka-kotse sila kaya mas binilisan ko na kaya kahit hirap na hirap na ako ay nagpatuloy pa rin ako. "Goodbye..."

At nagsimula silang magpaulan ng bala. May nakita akong mga bala na lumagpas sa akin. Hindi ko nga alam kung sinasadya ba nila yon o hindi lang talaga marunong magpaputok ang may hawak ng baril.

Pero may isang beses na natamaan ako. Hindi ko alam kung saan tumama pero hindi ko na lang pinansin. Nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo.

Mas dumami ang sakit na naramdaman ko sa bawat sandali ng paglalakad ko. Alam ko na natamaan pa ako pero hindi ko ulit pinansin. Para kay Liam. Para kay Luke.

"Argghhh! Bakit di ka pa mamatay?!" Sigaw ni Kathy sa likod ko. Hindi ko na lang pinansin. Nakatuon lang ang titig ko sa gate sa mga taong nakatingin sa amin. Sa lalaking naghihintay kay Liam.

Nanghihina man pero nakatawa pa ako. Nakapag-imagine pa kasi ako kahit na madami na akong tama.

"Luke!" Sigaw ko.

"Thank god at ligtas kayo!" Sabi ni Luke pagkalapit ko sa kanya. Niyakap ko sya at ganun din sya. Nagyakapan kami at hindi pinansin ang pag-aresto sa pamilya Lopez.

"Bakit ka nawala ng ilang araw? Saan ka nagpunta?" Tanong ni Luke habang magkayakap pa rin kami.

"Nasa bahay lang ako nila Kathy. At hinihintay sila para makuha ko yung anak natin. Sorry, Luke. Napabayaan ko si Liam." Sabi ko at naiyak na.

"Huwag ka nang mag-alala. Simula ngayon, wala nang makakapanakit sa inyo." Sabi ni Luke at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Kahit na may luha ako sa mata ay napangiti pa rin ako.

"LㅡLuke!" Totoong sigaw ko. Patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Malapit na ako sa kanila. Pero hindi ko na kinaya. Nang makatanggap pa ako nang isa pang tama ay napaluhod na ako. Niyakap ko na ng mahigpit si Liam para hindi sya masaktan kung sakaling bumagsak ako sa lupa. At hindi nagtaggal ay hindi ko na nga kinaya.

Ang huli ko na lang nakita ay kung paano ako yakapin ni Luke bago magdilim ang lahat.

S3X ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon