Zone One

84.9K 403 10
                                    

Maxene's POV

Ibinagsak ko ang huling folder na inasikaso ko. Natapos ko na din sa wakas ang sandamakmak na trabaho na ang deadline ay ngayon. Bakit ba naman kasi ang tatamad ng mga kasamahan ko dito sa trabaho, sa akin tuloy pinapagawa lahat ng mga gawain nila.

Pumikit muna ako sandali dahil sa nararamdaman kong pagod. Ginalaw-galaw ko rin yung kamay ko para mawala yung ngalay. Pagkatapos ng ilang minuto, dumilat na ako, pinatay ko na yung computer at inayos ko na yung mga gamit ko para maka-uwi na ako. Ala-una na rin kasi ng umaga.

Lumabas ako ng building ng pinagta-trabahuhan ko na parang zombie. Matamlay ang lakad at papikit-pikit. Magpa-file talaga ako ng Vacation Leave bukas na bukas. Kailangan kong magpahinga kahit isang linggo lang. Hindi sapat ang bahay lang para mawala ang pagod ko kaya pupunta na lang ako sa isa sa pinakasikat at pinakamagandang resort sa Laguna.

"Aahhh!" Napasigaw ako ng biglang may lumabas na kotse sa parking lot ng kumpanyan kung saan ako nagta-trabaho. Muntik na nya akong masagasaan pero hindi man lang sya nag-abala na bumaba at tanungin kung okay lang ako. Idiniretso nya pa ang kotse para makalayo na. Tiningnan ko ang salamin ng kotse nya at base sa anino ay mukha itong lalaki dahil hindi mahaba ang buhok nya. Wala na talagang matinong lalaki ngayon.

* * *

Dumiretso na ako sa kwarto ko, pagka-uwi ko. Bukod sa pagod ako na pagod ako, badtrip pa ako. Bwisit sya ang yabang nya. Binato ko na lang yung bag ko sa kung saan at humiga nang padapa sa kama ko. Agad naman akong winelcome at yinakap ng mahal kong kama na parang ayaw nya na akong pakawalan pa. Pero hindi pa ako nakakatagal ay may umistorbo na sa amin.

"Bakit ngayon ka lang babae? Mag-a-alas-dos na nang madaling araw ah?" Narinig kong sabi ng walang hiyang sumira sa moment ko at ng kama ko. HIndi ako gumalaw. Magtutulog-tulogan na lang ako at baka sakaling ma-realize nya na tulog na ang kausap nya kaya titigil na sya kakatalak at iiwan na ulit ako mag-isa sa kwarto ko.

"Hoy! Alam kong gising ka pa kaya bumangon ka dyan at sagutin mo ang tanong ko. Tumambay ka na naman siguro sa sogo at naghanap ng malalandi mo no?" Pagkatapos nyang tumalak ay tumawa sya nang malakas. Binato ko nga ng unan. Napaka-ingay eh.

"Yuck! Anong sogo? Tsaka hindi ako malandi at hindi ako lalandi. Para sabihin ko sayo, nag-trabaho ako buong araw kaya alis! Gusto kong magpahinga" Sabi ko habang itinutulak sya palabas ng kwarto ko. "Let me rest kung ayaw mong mawalan ng ka-share sa pagbabayad sa apartment na 'to!" Isinara ko na yung  pinto at muling humiga sa kama ko.

* * *

Nagising ako sa dahil sa bango ng pagkain ay hindi dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng kwarto ko. Dumilat na ako kasi nararamdaman ko na nagugutom na ako. Ayoko nang pahirapan pa ang sarili ko no! Pagod na nga ako gugutumin ko pa sarili ko.

Tumayo ako upang ihanda ang aking sarili para sa pagpasok ko sa opisina. Naligo ako at ginawa ang mga lagi kong ginagawa sa umaga. Hindi ko alam pero na-e-excite akong mag-file ng Vacation Leave siguro dahil na din sa dalawang linggo na wala akong kapahingahan nang dahil sa pesteng tambak na trabaho.

S3X ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon