Zone Eight

22.4K 224 1
                                    

"Max! Luto na yung almusal, kung gusto mo lang kumain, initin mo na lang. Una na ko, madaming orders eh. Bye!" Sigaw ni Jamie sa pinto ko na syang iki-nagising ko. Umikot ako at dumapa sa kama. Pero agad din akong tumihaya. Baka madaganan si Baby!

Naghilamos muna ako bago lumabas ng kwarto para kumain. Ininit ko muna dahil medyo lumamig na yung ulam. Madami nga akong nakain. 'Yun siguro 'yung sinasabi nila na pagbuntis yung babae, malakas kumain dahil dalawa silang kumakain.

Umupo ako sa sofa at binuksan yung T.V . Hindi na muna siguro ako papasok baka ma-stress labg ako lalo. Pero wala pang isang oras akong nanonood nang marinig ko yung doorbell nang apartment namin.

Binuksan ko ito at nagulat ako sa nakita ko.

"Good morning, Ms. Rodriguez. Alam kong masyado pang maaga para pumunta dito. Pero ngayong umaga lang kasi kami may free time." Sabi ni Mr. Gonzales at nasa likod nya ang kanyang asawa.

"Good morning!" Mahinhing sabi naman ni Mrs. Gonzales.

"Good morning din po. Pasok po kayo..." Kinakabahan kong sabi at niluwagan ang pinto. Pumasok naman sila at umupo sa sofa. "Ano pong gusto nyong inumin? Coffee? Juice?"

"Huwag na hija, nag-coffee na kami bago pumunta dito." Tumango na lang ako sa sinabi ni Mrs. Gonzales at nahihiyang umupo sa harap nila.

"So, Mrs. Rodriguez, I will straight to the point. Gugustuhin mo bang magpakasal sa anak ko?" Ani Mr. Gonzales.

Kinabahan naman ako dun. Papayag ba ako? Oo, hindi ko din sya mahal at ayokong matali sa isang lalaki na kahit katiting ay hindi ako mahal. Pero sigurado ako na pag nalaman ito ng mga magulang ko, ipagpipilitan pa nila na ikasal ako kay Luke. So, I think I have no choice.

Napansin siguro nila na hindi ako sumasagot kaya sila na ulit yung nagsalita. "Anyway, alam na ba ito ng mga magulang mo?" Umiling ako at parang gusto kong sabihin sa kanila na huwag na nilang sabihin sa mga magulang ko.

"May contact number ba 'yong mga magulang mo? Pwede ba naming makuha para hindi na namin balikan yung file mo sa opisina. Kasi may mga meetings pa kami this 9 A.M."

"Pwede po bang 'wag nang sabihin sa mga magulang ko itㅡ" Pinutol ako ni Mrs. Gonzales.

"Hindi. Kailangan nila itong malaman. Anak ka nila at sila ang mga magulang mo. Kailangan sinasabi mo ang mga problema mo sa kanila. Naiintindihan naman kita, hija eh. Na natatakot at nahihiya ka sa sasabihin nila pero isipin mo ang kapakanan ng bata."

Napayuko at nagisip-isip. Tama sya para sa balita. "Sige po." Kumuha ako ng colored paper na hati-hati na sa maliliit na piraso. Sinulat ko yung numero na hinihingi nya.

"Siguro, ipapatawag na lang namin ang mga magulang mo para mapag-usapan ito ng maayos." Tumayo na sila pero nagsalita si Mrs. Gonzales.

"Pwede makahingi ng pabor?" Tumango na lang ako. "'Pag nakita mo si Luke o kaya tinawagan or nag-text sayo, please inform us. Hindi kasi sya umuwi kagabi eh. Thank you." Hindi sya umuwi sa bahay nila?

Hinatid ko sila sa pintuan. "Ingat po." Nakangiti kong paalam. Tumango silang dalawa at pumasok na ng sasakyan. Hinintay ko munang makalayo ang kotse bago ko sinara 'yung pinto.

Hapon na pero nakatunganga lang ako kaya napag-isipan kong bisitahin ang E-Star Bucks ni Jamie at ng mommy nya. Pagpasok ko dun, dumiretso na ako sa kusina. Kilala na naman ako, kaya okay lang. Nakita ko si Tita Grace at Jamie na parehong nagdidisenyo ng cake. Pero magkaiba sila ng flavor. Yung kay Tita ay Strawberry Cake at yung kay Jamie ay Chocolate Cake. Una akong napansin ni Tita. Dahil sya yung kumuha sa isang cake sa oven.

"Napadalaw ka, Max." Sabi nya at sandaling iniwan ang ginagawa nya at niyakap ako.

"Um-absent ka?" Sabi ni Jamie na hindi iniwan ang ginagawa nya.

"Hindi mo man lang binati!" Puna ni Tita Grace at tinabig sya.

"Ma!"

Natawa naman ako sa reaksyon ni Jamie. "Okay lang, ta. Baka urgent eh." Sabi ko na medyo natatawa pa rin.

"Bakit ka nga pala napadalaw?" Nakangiting tanong ni Tita Grace.

Ngumiti din muna ako bago sumagot. "Matagal na din po kasi simula ng nadalaw ako dito. Tsaka na miss ko yung Black Forest Cake at yung Hot Choco na palagi kong ino-order.

"Oh, sige. Kuha ka ng table, ipapadala ko na lang. My treat." Matamis na sabi bi Tita.

"Ay! 'Wag na po. May dala naman po akong pera." Pagtanggi ko. Nakakahiya naman kasi.

"Ma, Max, wait lang. Ipapa-deliver ko lang 'to." Lumabas si Jamie ng kusina pagkatapos nyang i-ribbon yung red na ribbon na disenyo para sa box.

"Ah, sige tita. Busy ka ata. Labas na ako." Paalam ko.

"Black Forest Cake and Hot Choco?" Tanong ni Tita bago ako nakalabas. Tumango ako at sumagot ng "Yes tita! And not your treat!" Natawa na lang sya at nagpatuloy sa pagpapaganda ng Strawberry Cake na 'yon.

Umupo ako sa tabi ng bintana para kita ko yung labas. Nga pala, eto yung cafe nila Tita Grace at Jamie. Hindi pa kami tapos sa pag-aaral, napatayo na ito. Kaya pagkatapos mag-aral ay may trabaho na sya agad. Hindi ko passion ang baking kaya hindi ako dito nagta-trabaho kaya dun ako sa Landstate nagwo-work.

"Uy! Max." Bati ni Jamie at umupo sa harap ko. "I'm sure may sasabihin ka kaya ka pumunta."

"Jam, I think... I think I'm pregnant." Sabi ko sa kanya kahit parang sigurado na. Shock crossed to her face.

"Nagpa-check-up ka na? Pregnancy Test?"

" Hindi pa pero I have the... signs." Biglang dumating si Tita dala ang order pero may nadagdag na Red Velvet Cake at Juice.

"Thanks Ta/Ma." Sabay pa naming sabi.

"Enjoy." Matamis na ngiti na naman ang pinakita ng mga labi ni Tita Grace.

"And?" Uminom si Jamie sa juice nya.

"Nagkita kami sa comfort room sa office..." I tell her the whole story hanggang sa pag-uusap namin kaninang umaga ng mga magulang ni Luke. I can trust her naman.

"Pero Max, dapat makumpirma muna kung buntis ka nga talaga, baka magpakasal kayo tapos false alarm lang pala." Sabi nya at kinain ang kahuli-hulihan sa slice ng Red Velvet Cake nya. Ako naman kalahati pa.

"Bago umuwi, daan tayo sa botika!" Tumango ako.

"Wait, tanong ko si mama kung pwede na tayong umuwi." Nabigla naman ako sa sinabi nya.

"May trabaho pa ka kaya!" Sabi ko.Baka sabihinni Tita sinasama ko na sa pag-uwi.

"Okay lang, tapos ko na lahat ng order and yung mga iba naman na ginagawa ni mama. Bukas pa yung iba. Hintayin mo ko dito ah!" Sabi nya at pumasok sa loob.

Tumingin na lang muna ako sa labas habang inuubos yung cake at hot choco ko. Pero may nahagip yung mga mata ko. Si Luke!

Agad akong lumabas pero bigla na lang dumami ang mga tao at hindi ko na sya makita kahit lumingon-lingon pa ko.

S3X ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon