Zone Fifthteen

18K 200 2
                                    

Pumikit ako ng mariin at pilit na hindi pinapansin ang hilong nararamdaman ko. Lumabas ako ng banyo at tiningnan si Luke na hindi na nakapagpalit man lang ng damit nya.

Kahapon, iniisip ko kung paano magiging mabuting asawa. Kahit wala pang "love", paghihirapan ko 'yun para lang makuha 'yon. Para na rin sa magiging anak namin. Ayoko syang bigyan ng pamilya na hindi naman kami nagmamahalan ng ama nya. Ayoko ding ako lang ang na-inlove. Yes, I liked him. Sino ba kasi ang hindi magkakagusto sa isang Luke Gonzales. Maputi, Matangkad, Singkit ang mata at Macho. Kahit playboy at alam mong pwede ka nyang lokohin, gagawin mo pa rin ang lahat para magka-chance na maging kayo. So, parang pipilitin ko na main-love sa akin si Luke. Kahit 'di pa ako tuluyang nahuhulog, alam kong babagsak din ako sa kanya. Kaya nga naisip ko kung paano magiging mabuting asawa. Gagawain ko ang lahat mapasaya at makuntento lang sya sa akin. At pag-hindi ako nagtagumpay, wala akong choice kung hindi tanggapin na hindi ako para sa kanya.

Bumaba ako sa kusina para ipagluto sya ng almusal. Isa ito sa paraan para maging mabuting asawa. Para kahit papaano ay nararamdaman nya ako. Pero nadatnan ko na si Manang Ses na nagsasangag ng kanin.

"Good morning, Manang Ses. Ano pong pwede kong itulong?" Bati ko sa kanya.

"Good morning din, hija." Ngumiti si Manang Ses sa akin. "Hindi na, hija. Patapos na rin naman ako." Sabi nya habang sinasalin na sa lalagyan ng sinangag. Napatingin ako sa mesa na mayroong tatlong baso ng kape, isang baso ng gatas, hotdogs, bacons at mga tinapay.

"Good morning, Maxene. Maaga ka atang nagising ah." Napatingin ako sa likod ko at nakita ang mag-asawang Gonzales.

"Good morning din po. Tutulong po kasi sana ako sa pagluluto kaso tapos na pala sa Manang Ses." Sabi ko. Bumati naman pabalik si Mr. Gonzales.

"Ang sweeg mo naman, hija. Asan nga pala si Luke?" Tanong ni Mrs. Gonzales.

"Nasa taas pa po. Tulog pa."

"Manang, pagising si Lukeㅡ" Naputol si Mrs. Gonzales dahil sa akin.

"Ako na lang po." Nakangiti kong sabi. Tumango na lang sya bilang pagsang-ayon.

Umakyat na ako at pumasok sa kwarto. Nakita ko sya naka-slacks na pero topless habang nakaupo sa kama. "Good morning." Bati ko sa kanya.

"Morning." Sinuot nya na yung black shoes nya. Kumuha sya ng isang puting longsleeves na polo sa closet nya. Hindi ko naman matanggal ang titig ko sa likod nya habang ginagawa nya yun. Naghagis din sya nang isang necktie sa kama na kulay black. Hinintay kong masuot nya yung polo bago ako lumapit dala ang necktie.

"Ako na." Inunahan ko na sya sa pagsasalita. Tumingala na lang sya ng konti habang nilalagay ko yung necktie.

Napatingin ako sa adam's apple nya nang lumunok sya. Hindi ko alam kung namula ako kaya napakagat ako sa lower lip ko. Napatingin ako sa mata nya. Nagulat naman ako nang nakatingin din pala sya sa akin. Pinagpatuloy ko na lang yung ginagawa ko para matapos na.

"Breakfast na daw... sa baba." Sabi ko habang napatitig kung paano nya dinilaan ang sarili nyang labi. Mas mapula pa yung labi ni Luke kaysa sa akin. Nahiya naman ako dun. Kinuha nya yung coat nya at sinabayan ako sa pagbaba.

Nagtabi kami ni Luke sa kaliwang side ng long table. Kaharap ni Luke si Mrs. Gonzales na nasa kanan. Nasa unahan naman si Mr. Gonzales. Nagsimula na kaming kumain.

"Nga pala, pwede na kayong lumipat sa weekend sa bagong bahay nyo." Sabi ni Mrs. Gonzales.

"Tapos na agad?" Tanong ni Luke.

"Pinamadali na namin para makapagsolo na kayong dalawa. Huwag na din kayong magalala, matibay yung bahay." Hindi ko alam kung double meaning ang sinabi ni Mrs. Gonzales o ganun lang talaga ako mag-isip?

"Pa, hanggang anong oras ako sa training?" Pag-iiba ng topic ni Luke.

"Dipende sa ituturo sayo ngayon."

"Tara na. Baka ma-late pa tayo." Yaya ni Mrs. Gonzales. Hinatid ko sila sa pintuan.

"Bye, hija." Nakipagbeso naman sa akin si Mrs. Gonzales. Si Mr. Gonzales naman ay nag-bye lang. Nakita ko ang pagsiko ni Mrs. Gonzales kay Luke. Bumaling sya sa akin. Hinalikan nya ako sa labi nya at bumulong sa tenga ko. "Bye." Simple lang ang sinabi nya. Pero nagtayuan ang mga balahibo ko dahil sa init ng hininga nya na naramdaman ko sa pagbulong nya. Napahawak na din ako sa dibdib ko kaso parang napilitan lang sya.

"Bye. Goodluck."

Maghapon akong walang ginagawa sa bahay kaya pagkatapos kong mananghalian, pumunta na ako ng E-Star Bucks. Katulad nung nakaraan, pumasok na ako agad sa kusina.

"Hi, buntis." Sabi ni Jamie at tumawa. Napatawa na lang din ako pati si Tita Grace.

"Sige po. Kukuha na ako ng table." Paalam ko pero napatigil ako dahil nagsalita si Tita.

"Same order Max?" Umiling ako at sinabing juice lang. Busog pa kasi ako.

Agad akong naghanap ng table. Pero punuan ata ngayon kaya walang available. Pero sa dulo ay may nakita ako na pamilyar. Linapitan ko sya at tinawag.

"Andrew?" Sabi ko at tinitigan ang mukha nya. Napatingin sya sa akin at agad na nakilala ako.

"Maxene?"

"Hi. May kasama ka ba? Pwedeng maki-table? Wala na kasing bakante eh." Sabi ko at pinasadahan ng tingin ang buong E-Star.

"Wala. Wala akong kasama." Sabi ni Andrew. "Parang tumaba ka."

Umupo muna ako bago sumagot. "BㅡBuntis ako eh." Namumula kong sabi.

"Buntis ka?." Biglang-bigla sya sa sinabi ko.

"Married too." Pinakita ko ang singsing namin ni Luke. Tinitigan nya iyon na parang kinukumpirma nya kung totoo ba iyon o hindi.

Natahimik sya kaya napunta ang atensyon ko sa babaeng parang may hinahanap. Nagtaas ako ng kamay para makita ako ni Jamie. May dala syang tray na may isang baso ng juice. Habang nilalapag nya iyon ay sumusulyap sya kay Andrew. Pasimple syang kumalabit.

"Nga pala, Andrew ito si Jamie, Bestfriend / Pinsan ko na may may-ari nitong E-Star." Sabi ko. "Jamie si Andrew."

Nag-offer ng shakehands si Andrew. Kinuha naman ito ni Jamie. At may nakompirma ako doon. Napogian sya kay Andrew.

"Hi." Batian nila sa isa't isa.

"Ah, sige. Enjoy!" Medyo namumulang paalam ni Jamie. Sinundan ko sya ng tingin.

"Sino nga pala asawa mo?" Bigla nyang tanong.

Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"Luke Gonzales."

S3X ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon