Zone Seventeen

17.1K 208 2
                                    

Sabado na ngayon kaya nandito na kami sa OB na magche-check-up sa akin. Si Luke lang ang kasama ko na kanina pa walang imik simula nang paghandaan namin ang pagpunta sa OB. Baka masama lang ang gising kaya hindi ko na kinulit. Tapos na lahat ng test kaya kinausap na kami ng doktor.

"Congrats, Mr. and Mrs. Gonzales. She's 6 weeks pregnant." Panimula nito na may ngiti sa labi. "Anyway, alam ko namang may mga sintomas na. Isa dito ang pagkahilo. Pwede ka ding mahimatay pero kung healthy naman ang pagbubuntis mo, hindi ka na dadating sa puntong yon. Iwasan mo na lang ang biglaang pagbangon. Dahan-dahan lang. Huwag ka ding tatayo ng matagal. Huwag kang magi-skip ng mga meals mo. Dalawa na kayong kumakain kaya dapat hindi ka nalilipasan ng gutom."

"Mapapansin mo din na parang lumalaki at bumibigat ang dibdib mo. Normal lang yon kaya walang dapat ikabahala. Gumamit ka na lang ng maternity bra para sa magandang suporta."

"Nandyan din ang fatigue and sleep problems. Kahit na natulog ka lang feeling mo may ginawa kang nakakapagod. Maaga ka lagi matulog at humarap sa left side mo. You can use pillows for support."

"Nakakatulong naman ang mga susunod kong sasabihin sa morning sickness. Huwag kang hihiga pagkatapos kumain. Eat dry toast, saltines or dry cereals bago bumangon sa kama sa umaga. Iwasan din ang mga amoy na nababahuan ka."

"Nasa first trimester ka pa lang naman kaya marami pang mga pagbabagong mangyayari like masusuka ka meron o wala ka mang isuka. Cravings or distaste for certain foods o paglilihi.  Mas madalas ka ding makakaramdam na naiihi ka. Pwede ding constipations and mood swings. Kaya mister, pagpasensyahan ang asawa pag-nag-sungit at maraming hinihingi." Tumawa ng mahina yung doktor bago ulit nagsalita. "May gusto ba kayong itanong?"

"Ano pong bawal na pagkain?" Tanong ko.

"Hindi naman sa bawal ang keso pero ang mga soft cheese kasi ay gawa sa "unpasteurized milk" o hindi pinakuluang gatas na pwedeng makasama sa baby. Iwasan ang mga pagkaing hilaw. Huwag ding iinom ng mga inumin na may alcohol."

"Kumain ka ng iba't ibang klase ng pagkain para lahat ng nutrients na kinakailangan ay makuha. Kumain ka ng mga pagkaing mayaman sa Vitamin A at C araw-araw tulad ng oranges, grapes, strawberries, papaya, brocolli, cauliflower, kamatis, carrots, kamote, kalabasa, singkamas, cantaloupe at marami pang iba."

Pagkatapos namin sa OB, dumiretso kami sa isang malapit na restaurant  at doon kami nananghalian at hanggang doon ay wala pa ring imik si Luke.

"Diba ngayon na din tayo lilipat sa bagong bahay?" Tanong ko.

"Yeah." Sabi nya. "Habang nasa OB tayo, nililipat na nila yung mga gamit."

Hindi ko na sya ulit kinausap. Ganon ulit kami hanggang ihatid nya ako sa bagong bahay namin. Agad namang umalis si Luke pagkahatid sa akin. Nilibot ko na lang yung bahay. Hanggang second floor itong bahay. Kung gaano kagara ang mansion nila sa Washington Place ganun din dito sa bahay na ito. Parang pinaliit na version lang. Umakyat ako ng second floor at tiningnan ang mga kwarto. Malalaki ito at may malalaking sliding door papunta sa veranda. Pagkaapak ko pa lang sa veranda, naramdaman ko na agad ang malamig na hangin. Pumikit ako saglit at dinama iyon. Pagkatapos kong namnamin ang hangin, pinasadahan ko ang tanawin sa baba. May malaking swimming pool doon at may playground. May padulasan, swing at iba pang pwedeng paglaruan ng mga bata. Parang na-imagine ko yung anak ko na naglalaro doon. Napangiti ako at naisip na i-try iyon pero bago pa ako makababa, may nakita akong isang room na maliit. Pumasok ako at nakitang may crib sa gitna. May mga teddy bears at iba't ibang laruan ang nakita sa mga lalagyan. Nilibot ko muna yung kwarto bago ako dumiretso sa swing.

Umupo ako at dahan-dahang gumalaw. Pinikit ko pa yung mata ko para mas madama ko ang hangin. Ilang minuto akong ganun hanggang maramdaman ko ang init at naiihi na ako. Dumiretso ako sa CR pero paglabas ko ay parang gusto ko ng magpahinga. Kaya pumasok ulit ako sa isa sa mga kwarto sa taas na may magandang view. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Nagising na lang ako dahil kanina pa pala nagri-ring ang phone ko.

"Hello." Sagot ko kahit 'di ko alam kung sino ang tumawag.

"Hi, Max. Kailan ka ba makakapunta  ulit dito sa E-Star?" Boses nya pa lang alam ko na kung sino ang kausap ko.

"Hindi ka naman excited 'no." Sabi ko. Tumawa lang sya. "Gusto ko sana ngayon na dahil medyo gutom ako pero ayaw ko munang umalis sa bahay. Pagod pa rin kasi ako dahil kakagaling lang namin sa OB."

"Kumusta pala ang pagpunta nyo?" Tanong ulit ni Jamie.

"Okay naman. Sinabihan lang ako ng mga dapat gawin at mga dapat at hindi dapat kainin." Sabi ko at lumabas na ng kwarto at pumunta sa kusina. Nagbabakasakali na may makakain ako.

"Nasaan ka? Sa bagong bahay nyo?" Tanong nya. Nai-kwento ko na rin kasi sa kanya na lilipat na kami ni Luke dito.

"Yeah." Binuksan ko ang ref. at nakitang wala pa itong alam.

"Jam, pwedeng pa-deliver?"

"Sure. Ano bang order mo?"

"Yung best selling sa cupcake mo." Sabi ko.

"Hindi na red velvet?" Medyo na tatawang sabi ni Jamie.

"Para maiba naman."

"Gusto mo ako na lang mag-deliver?"

"Baka busy ka." Alam ko kasi na umuunlad na ang negosyo nila ni Tita Grace kaya nagiging busy na sila.

"Medyo. Miss  na kita eh. Pati na din si Mariel, miss ka na din." Sa sinabing nyang iyon, na-imagine  ko  na kung paano magkakasundo ang dalawang iyon. "Sige. Papa-deliver ko na baka gutom na si Baby!"

"Medyo." Sabay pa kaming tumawa bago nagpaalam sa isa't isa. "Miss na din kita, Jam. Pakisabi na rin kay Mariel na miss ko na yung kadaldalan nya."

S3X ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon