Zone Fourty

12.6K 149 1
                                    

Nagsimula na akong maglakad papasok. Hindi naman ako hinarang nang mga guard. Kilala na ako dito at sobrang nakakahiya yun. Nang sumakay ako nang elevator ay may tatlong babae akong nakasabay. Tumahimik sila nang sumakay ako.

"Yan ba yung anak nyo ni Sir Luke?" Biglang tanong nung isang babae na may mahaba at straight na buhok. Tumango lang ako.

"Ang gwapo. Feeling ko kamukha ni sir paglaki." Tili nung nagtanong kaya sinilip din nung dalawa pa nyang kasama.

Bumaba sila sa kung saang floor din ako at medyo nagpapasalamat ako na hindi dito ang department ko at minsan lang akong mapunta dito kaya hindi ako masyadong kilala. Naglakad ako papunta sa office ni Luke. At ramdam ko ang paninitig nila. Kaya binilisan ko na ang lakad ko.

Pagkalapit ko sa secretary nya agad nyang kinausap si Luke dun sa kung ano mang tawag doon na mukhang speaker na maliit.

"Sir, nandito po si Ma'am Maxene." Sabi ng secretarya nya. Nahiya naman ako sa tinawag nya sa akin.

Hindi ko narinig na nag-reply si Luke pero nagulat ako nang bumukas ang pinto. Agad nitong iniluwa si Luke na parang tuwang tuwa dahil dinalaw ko sya.

Agad nya akong kiniss sa lips. At kinuha si Liam sa akin. "Tara." Sabi nya at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko na pinansin ang mga titig ng ibang empleyado.

Pagkapasok namin ay may tatlong lalaki doon. At parang namumukaan ko sila. Nandito pala ang tropa ni Luke. Nakakahiya.

Nginitian nila akong lahat kaya ngumiti din ako na medyo nahihiya.

"Oy may dala ang asawa nya!" Sigaw nang lalaki na ang ganda nang upo sa sofa.

Napatingin tuloy silang lahat sa dala ko. Hindi ko na tinago ang medyo malaking lalagyan na dala ko. "Cookies. Ako ang nag-bake." Nahihiya kong sabi kaya pagkatapos kong magsalita ay kinagat ko ang labi ko.

"Wait, Max. Huwag mo palang sasabihin kay Luke na tinulungan kita dyan. Kunwari ikaw LANG mag-isa ang nag-bake at IKAW ang nag-isip na gawan sya nyan. Para kiligin sya."

Yan yung sinabi ni Jamie habang nasa sasakyan kami. Kaya sinunod ko na lang sya.

Agad naglapitan ang mga kaibigan nya at agad binuksan nung kasing tangkad ni Luke. Sa kanilang tatlo ay sya ang pangalawa sa gwapo. Siguro king hindi ko mahal si Luke ay dito ako magkaka-gusto.

Nang mabuksan na nila ay agad silang nagkuhaan. Yung nagsalita pa kanina ay tatlo agad ang kinuha.

"Hoy! Ibalik mo yung dalawa!" Sigaw ni Luke pero hindi makaangal dahil karga nya si Liam.

"Hawak ko na ibabalik ko pa." Sabi nung lalaki at kinagatan yung tatlo. "Ibabalik ko pa?" Mapang-asar na tanong nito.

"Gago." Sabi ni Luke na walang boses. Tumawa lang silang tatlo. Kumuha na din ako ng akin. At namangha ako dahil masarap. Thanks to Jamie!

Wala pa atang isang oras ubos na yung cookies na gawa ko. Panay naman ang puri nila sa gawa ko kaya mas lalo akong nahiya. Parang gusto kong isigaw na hindi lang ako ang gumawa non. Feeling ko nagnakaw ako at sinabing ako ang gumawa non.

"Sana makita ko na din ang babaeng magbe-bake ng ganyan kasarap na cookies para sa akin." Sabi nung isa.

Agad naman akong hinila ni Luke papalapit sa kanya at niyakap ang bewang ko. Natawa na naman yung tatlo.

"Chill. Hindi ko aagawin yang asawa mo. Edi sana dati pa ginawa ko na. Sexy kaya nang asawa mo." Sabi nya pa. Nahiya ulit ako. Sexy daw.

Tumingin sa orasan si Luke at nakitang kong five pm na. "Umuwi na kayo." Sabi ni Luke.

"Bakit may gagawin kayo dito?" Magpagbiro na sabi nung lalaki na kasing tangkad ni Luke.

"Huwag mo kong igaya sayo, Renz." Medyo nagulat ako sa sinabing pangalan ni Luke. Yan pala si Renz. Hala lagot ako kay Louisa! Sinabihan ko nang pogi yung crush nya.

"Bye, Maxene." Sabay sabay nilang paalam sa akin bago sila lumabas.

"Uwi na din tayo." Sabi ni Luke at inabot na sa akin si Liam. Kanina nya pa karga si Liam at hindi binitiwan. Inayos nya yung table nya at kinuha ang coat nya na nasa sandalan ng swivel chair nya. Hindi nya iyon sinuot at hawak hawak nya lang. Hindi ko tuloy maiwasan mamangha dahil kahit nakatitig ka lang ay ramdam mo ang mga muscles ni Luke na bakat at parang sasabog ang damit nya dahil don.

Dala ko ulit yung lalagyan at ibabalik ko na lang kay Jamie pag nagkaroon ng pagkakataon. Ramdam ko ulit ang mga paninitig ng mga empleyado habang naglalakad kami ni Luke papunta sa elevator.

Buti na lang at mukhang excited si Luke kaya mabilis kaming nakapunta sa parking lot. Malaki na ang ngiti nya ngayon kaya medyo napaisip ako. Bakit ganyan ang ngiti nya?

Nang paandarin nya ang sasakyan ay napansin ko na iba ang dinaanan namin kaya  nagtanong ako.

"May pupuntahan ka pa?" Tanong ko.

"Wala. May bibilhin." Mas lalong lumaki ang ngisi nya kaya kinabahan ako.

Saka ko lang na-gets nang tumigil sya sa isang sikat na tindahan. Sya na lang ang lumabas pero kitang kita ko dito sa loob ng kotse kung ano ang binili nya. Namula ako agad. Uubusin ba namin yon ulit? Dalawang box na yung binili nya eh.

Malaki ang ngisi nya nang ihagis nya sa likod ang binili nya. Kaya hindi ako makatingin.

"Uubusin ba natin lahat yon?" Tanong ko.

"Gusto mo ba?" Tanong nya din.

"Napapagod din ako no!" Sinigawan ko na sya kaya parang nabigla din si Liam.

"Huwag mo kong sigawan. Nagulat tuloy si baby." Sabi nya at tumawa. "Pero seryoso, Max. Kung gusto mo uubusin natin lahat.

Sinamaan ko sya ng tingin kaya agad na nyang dinepensahan ang sarili nya. "Ok. Reserba lang." Sabi nya at tumawa na ulit.

Pagkarating namin ay agad akong pumunta sa kwarto ni Liam at nilagay sya sa crib. Magluluto pa ako para makakain na din si Liam.

Bumaba ako ulit at nakita ko si Luke na nakahawak sa ulo nya. "Bakit?" Tanong ko. Para syang may nakalimutan eh.

"Nakalimutan ko na sasabihin pala natin kina mama yung kay Kathy." Sagot nya.

"Yan kasi. Excited masyadong bumili ng…" Hindi ko na tinuloy. Alam na naman nya yon. Pumunta na ako sa kusina. Sumunod naman sya.

"Bukas sama ka sa 'kin sa office ah." Sabi nya.

"Ok. Kaya dapat matulog ng maaga." May diin kong sabi. Tumawa naman sya.

"Isa lang." Sabi nya. "Isang box." Hinampas ko sya sa dibdib.

"Magpahinga ka na nga lang don. Magluluto na…" Hindi ko na natuloy kasi naisip ko na wala nga pala kaming pagkain dito.

"Pa-deliver na lang tayo. Sabihin ko kay mama na bukas dalhan tayo ng grocery." Sabi nya at binuhat ako. "At habang wala pa ang pagkain. Ikaw na muna ang kakainin ko."

"Lukㅡ" Hindi na ako naka-angal.

S3X ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon