"I'm sorry, baby." Sabi ko. Hindi na nga ako nakapagpatuloy kasi bukod sa hindi ko alam ang sasabihin ko ay hindi na ako matigil sa pag-iyak.
Hinalikan ko ang kamay nya na hawak ko at nagsimula na kahit hindi ako matigil sa pag-iyak.
"BㅡBaby, I'm sorry. Nabigla lang ako. Hindi naman ako sayo galit eh... galit ako sa sarili ko kasi hindi ko man lang kayo nasamahan sa pamamasyal."
"Saan ka ba nagpunta? Bakit hindi ka namin mahanap? Iiwan mo na ba ko? Ayaw mo na sa 'kin? Please, Max... huwag. Hindi ko kaya."
"Gumising ka na din please... namimiss ko na yung luto mo. Yung kiss mo. Miss ka na din ni Liam. Gusto nya ng fresh milk galing sayo." Natawa pa ako kahit umiiyak ako. Pati dito ang gago ko pa din.
"Miss na rin kita. Nung umalis ka, nung mga unang araw hindi pa ako masyadong nagaalala. Pero nung lumagpas sa tatlong araw ay hindi na ako mapakali. Ayaw ko namang mag-isip ng kung ano ano kasi alam ko hindi mo ako iiwan."
"Pero kung pagkagising mo tapos ayaw mo na sa kin... okay lang. Tatanggapin ko basta magising ka lang at maalagaan natin si Liam. Okay lang, Max."
Pero sa loob loob ko ay hindi ko kaya. Mahal na mahal ko si Maxene at hindi ko kakayanin ang buhay na wala sya. Pero kung yun ang magiging kapalit para magising sya ay kakayanin ko. Papayag na lang ako.
"I love you, Maxene."
Sabi ko tapos dumiretso na lang sa banyo na nasa loob ng kwarto nya. Nag-text na lang ako kay Louisa na pwede na silang pumasok. Dun ako umiyak sa loob ng banyo at pinipilit kong huwag gumawa ng mga hikbi para hindi nila marinig. Pero minsan di ko mapigilan. Hayaan na lang para kay Maxene naman tong iniiyak ko.
Ayaw ko na nga sanang lumabas. Namamaga kasi yung mata ko. Kaya gabi na lang ako lumabas pero halata pa rin. Kaya nang maglakad ako palabas ay nakayuko lang ako.
Tahimik lang silang lahat habang naglalakad ako. Umupo na lang ako sa upuan na bakante sa tabi ni Louisa.
"Umuwi ka na lang kaya." Sabi ni Louisa sa tabi ko. Umiling lang ako habang nakayuko pa rin. Hindi ko pinapansin ang nararamdaman kong gutom. Inaantok na ako eh.
"Dyan na lang kami matutulog sa malapit na hotel. Dito ka na lang?" Tanong sa akin ni papa. Tumango lang ako. May mga gustong magpaiwan katulad ni Jamie at Andrew pero isang tingin lang ni Louisa na parang may sinasabi ay napapayag sila.
Nang makaalis na silang lahat ay ni-lock ko ang pinto. Pinatay ko na din ang ilaw. May konting ilaw naman galing sa buwan kaya nakalakad pa ako papunta kay Maxene nang hindi nadadapa.
Umupo na lang muna ako sa tabi nya at hinawakan ang kamay nya. Nang sobra na ang antok na nararamdaman ko ay hinalikan ko ang kamay nya at humiga sa isa pang kama na laan talaga para sa mga magbabantay.
"Nandito lang ako, Max. Pagkagising mo, lingon ka lang sa 'kin. Hindi kita iiwan."
Nagising ako nang may parang may narinig ako na mga boses. Pinilit kong bumangon kahit antok na antok pa rin ako. Nakita ko lahat ng tao na nandito kahapon. Pero may nadagdag... si Aaron. Nang mapansin nya na gising na ako ay nilapitan nya ako.
"Pare, sorry at wala akong nagawa. Hindi ko din alam na ganun sya kadesperada para ganituhin nila si Maxene." Hindi ako sumagot.
Nakatitig lang ako kay Maxene na nakahiga pa rin sa kama at hindi pa rin nagigising. Gigising din si Maxene, tiwala lang.
Bandang hapon ay umalis na rin si Aaron. At hanggang ngayon ay wala pa rin akong kinakain.
"Kumain ka na, kuya. Sa tingin mo ba matutuwa si Ate Max pag nalaman nyang hindi ka kumakain, walang tulog at hindi naliligo at nagpapalit ng damit." Kahit na may halong katarayan ang boses na ginamit nya dun halata pa rin na naaawa sya sa kin.
Kinuha ko na lang ang pagkain na inaalok nya. Pero hindi ko naman naubos, wala akong gana.
"Umuwi ka muna, Luke. Take a bath. Matulog ka na lang din muna at pag nakabawi ka na ng lakas ay dun ka na lang bumalik." Sabi sa akin ni mama nung pagabi na. Umiling lang ako.
"Luke... kailangan. Dapat maayos ka pag nagising si Maxene." Pagpupumilit sa akin. Pumayag din ako pero bago ako umalis ay bumulong ako kay Maxene.
"Babalik din ako, Max."
Naligo nga ako pagkadating ko. Nagbihis na din ako ng pang-alis. Wala na akong balak matulog, babalik na ako agad. Pero parang may humihila sa akin kaya napahiga ako sa pwesto ni Maxene. Humihinga lang ako pero naamoy ko yung amoy ng buhok nya. Hindi ko namalayan na nakatulog ako.
"Luke, ready na ang almusal!" Rinig kong sigaw ni Maxene. Maxene? Maxene!
Napabangon ako agad at halos liparin ko ang hagdanan para makita ko sya. Nang makarating ako sa kusina ay nakita ko ang pinakamamahal ko. Naka-apron pa sya at medyo pinagpapawisan.
Lumapit ako sa kanya at agad pinunasan ang pawis nya. Napangiti sya sa ginawa ko pero pinalo nya ako sa dibdib.
"Gutom lang yan." Sabi nya.
"Kinikilig ka lang eh." Pang-aasar ko. Hindi na tuloy nawala yung mga ngiti sa labi namin habang kumakain.
"Sabayan mo kong maligo ah." Sabi ko.
"Ayoko nga." Sabi nya at tumayo na. Kahit hindi pa tapos kumain, hinabol ko sya at niyakap sa likod.
"Dali na." Yaya ko pa sa kanya. Naramdaman ko na nanginig sya nang idikit ko ang labi ko sa batok nya.
Hindi na sya sumagot kaya sa tingin ko ay pumayag na sya. Hinila ko sya patungo sa banyo. Sinandal ko muna sya sa pintuan at hinalik halikan ang leeg nya.
"Luke~" Nangiti ako nang marinig ko ang ungol nya nang kinagat ko sya at nag-iwan ako ng marka.
Hinubad ko na ang damit nya at pinasok na sya sa banyo.
Nang magsawa kami sa banyo ay lumipat na kami sa kama.
"LㅡLuke, may pasok... ahh... ka." Napakagat sya ng labi dahil hindi nya napigilan ang ungol nya.
"Maiintindihan nila ako." Sabi ko na lang at nagsimula nang gumalaw.
Nagpakasawa kami na parang ilang taon naming hindi naranasan ang matulog sa piling ng isa't isa. Mahimbing ang tulog ko ng may marinig ako na tumatakbo palabas. Dumilat ako at yayakapin sana si Maxene pero walang tao sa tabi ko.
Tumayo ako at lumabas. Nakita ko na lang si Maxene na papalabas na ng pintuan.
"Maxene!" Sabi ko at hinabol sya. Pagkalabas ko ng bahay ay puro dilim na ang nakita ko.
"Maxene! Huwag mo kong iwan!" Sigaw ko pero wala namang tao para marinig ang isinigaw ko.
Hinabol ko ang hininga ko pagkabangon ko. Pawis na pawis ako at para akong tumakbo ng matagal dahil sa hingal ko.
Tumakbo na ako palabas ng bahay. Wala na akong pakialam kung mabaho na ulit ako dahil pawis na pawis ako. Basta ang gusto kong mangyari ay makita ulit si Maxene.
Habang nasa byahe ako ay biglang nag-ring ang phone ko. Ayoko na sanang sagutin dahil nagmamadali ako pero si Louisa ang tumatawag at nasa ospital sya ngayon.
"Kuya... si Ate Max..."
BINABASA MO ANG
S3X Zone
General Fiction[MATURE CONTENT | COMPLETED ] Tahimik ang buhay ni Maxene pero talagang nakakapagod ang buhay- lalo kung tamad ang mga kasamahan mo sa trabaho. Kaya nagdesisyon siyang magbakasyon para sandaling takasan ang realidad. Pero sa pagtakas niyang ito ay s...